Kabanata 31
Sumubok akong mag-apply ng trabaho sa isang company, and for now, I'm just waiting for their email. Wala pa namang isang buwan simula nang maka-graduate ako, medyo nagbuburyo na ako sa bahay, and I feel like this is really what I need to do. I don't want to just depend on Mama for everything.
"Nakita kong hinatid ka ni Harris, ah?" ani Bethy nang muling dumalaw sa bahay. Hindi niya ngayon kasama ang anak dahil tulog daw ito nang iwan niya.
Nagpanggap akong walang narinig at inayos ang mga papeles na nasa kama ko at pinagsama sama ang mga iyon sa isang envelope.
"Umamin ka nga, nagkabalikan ba kayo?" magkakrus ang dalawang braso niya.
Tumigil ako sa ginagawa at bumuntong hininga. "Hinaan mo 'yang boses mo at baka marinig ka ni Mama."
"What?! So, totoo nga?" halata ang iritasyon at gulat sa boses niya. "Tanga ka talaga!"
Inis ko siyang inangatan ng tingin.
"He changed, okay? Saka may pinagsamahan kami," sabi ko at muling nagpatuloy sa ginagawang pag-oorganize ng mga papeles.
"Alam mo? Hindi kita maintindihan. Pagkatapos kang iwan ng lalaking 'yon na naging dahilan kung bakit ka napalayo ng matagal kina Tita at Tito, babalikan mo lang? Kapag nalaman 'yan ni Tita Yolly, magagalit na naman 'yon sa'yo."
I sighed heavily. "Bethy, please. Huwag na sanang makakarating 'to kay Mama."
"Ewan ko sa'yo, Laurianne Yshna Caveria. Minsan talaga hindi mo ginagamit 'yang utak mo. Maganda ka naman, maraming may gusto sa'yo. Bakit magtitiyaga ka sa adik at cheater—"
"Bethany!"
"Oh, bakit? Totoo naman! Sabihin mong hindi!"
"Nagbago na siya, okay? Hindi ko naman siya babalikan kung hindi ko 'yon nakita sa kaniya."
Umiling iling siya. "Tanga ka talaga! Tanga!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Umupo siya sa gilid ng kama ko at sumeryoso.
"Pero seryoso, bakit nga ba, Laure? I mean, I get it huh? He's your first boyfriend, your first love pero hindi ka naman bulag 'diba?"
Hindi ako sumagot. Siguro nga ganoon pero nakita ko naman talaga ang pagbabago kay Harris. Nakita ko kasi talaga ang effort niya para magbago at bumalik ako sa kaniya. Isa pa, hindi madaling kalimutan ang pinagsamahan namin lalo't siya ang lalaking una kong minahal.
"I swear, Bethy, nagbago na siya. Hindi niyo lang 'yon nakikita kasi hindi naman kayo ang nakakasama niya. Pero kasi, ako 'yong sinuyo, ako ang naka-witness kung paano niya binabago ang sarili niya."
Bethy stared at me before she shook her head in frustration.
"Laure," she started again. "I get it, okay? But you can't keep doing this to yourself. You can't just forget everything he put you through. Naalala mo ba kung paano ka umiyak dahil ni hindi ka manlang niya maipakilala sa mga magulang niya? Kung paano mo siya pinaglaban kina Tito at Tita pero ganoon pa ang sinukli sa'yo?"
I felt my chest tighten.
"And what if he messes up again, huh? What if he breaks your heart for the second time? You're going to let that slide again?"
I clenched my fists. I hated that she was making me doubt this.
"If he does, then I'll deal with it. But this time, it's not going to be like before. I'm not stupid, Bethy. I'm not blind."
"But you're still hoping," she said. "You're hoping that this time, it's really different. And you don't even know if it is."
I swallowed hard. "I do know. Because I've seen it. I've felt it."

YOU ARE READING
Lost on the Road (COMPLETED)
Romance(Home of the Wind #3) Started: 11/27/2024 Ended: 01/ 27/2025 Laurianne Yshna Caveria rebelled against her parents to be with the man she loved. But when she ran away, little did she know that the road ahead would be more treacherous than she could e...