Kabanata 36

26 1 0
                                    

Kabanata 36

In moments of doubt, love isn't always about having all the answers or knowing exactly what comes next. Sometimes, it's about showing up, even when you're unsure of yourself, giving even when you feel like you have nothing left to offer.

Napailing iling ako habang binabasa ang nakasulat sa sticky note na nasa table ni Angel. Ibabalik ko lang naman sana sa kaniya ang tupperware na pinaglagyan ng ulam ngunit kung anu-anong anik anik ang nasa table niya.

"Ang drama, huh? Walang boyfriend 'yan," inginuso ni Precious ang mga quotes na nasa table ni Angel.

"Sure ka?" ngumisi si Angel.

"Aba!"

Nagtawanan kami. Lately, this is my favorite thing to do. Ang kumain kasama sila at mag-share ng mga ulam na luto ng kaniya kaniyang magulang.

The day after what happened between me and Lucas, unti unti ko ng natatanggap sa sarili ko ang katotohanan. Pagod na akong pahirapan ang sarili ko, pagod na akong pahirapan siya at pagod na akong makipaglokohan. Hindi ganito ang gusto kong mangyari. Hindi ganoon ang dapat kaya kailangan ko ng agapan.

"Laure, may gustong kumausap sa'yo. Babae. Kanina pa nagwawala sa guard," ani ng katrabaho kong si Zild.

Nagkatinginan kami nina Angel at Precious bago ko mapagdesisyunang malakad papuntang elevator. Wala akong ideya kung sino iyon at anong kailangan sa akin. Gayunpaman, wala akong nararamdamang kahit anong kaba o takot. Kung mayroon man, pagtataka.

Pagbukas ng elevator sa first floor, natanaw ko agad ang pamilyar na babae na hinaharang ng guard. Kunot noo akong naglakad palapit sa kaniya.

"Laure!" sigaw niya nang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" kalmadong tanong ko kay Karina.

Padarag niyang binawi ang kaniyang kamay sa guard at matalim akong tiningnan.

"Kausapin mo ko!" she said. "Kailangan mong malaman ang lahat!"

Lalong kumunot ang noo ko pero pinanatili kong kalmado ang aking sarili.

"Anong kailangan kong malaman?"

"Hiwalayan mo na si Harris!" maagap na sabi niya. "Pakawalan mo na siya at sabihing bumalik sa akin,"

Bumuntong hininga ako.

"Bakit mo ako inuutusan?"

"Dahil buntis ako," matapang na sabi niya. "Dalawang buwan. Siya ang ama ng magiging anak ulit namin,"

Pinagmasdan ko siya. Hindi ako kumibo at hinayaang magsalita siya.

"You heard me? Buntis ako at siya ang ama!" ulit niya.

Inangat ko ang aking baba at nakipagtitigan sa kaniya. I can't believe it! Kaya ko pang makipag-angasan sa kaniya.

"Matagal ng may nangyayari sa amin kahit noong kayo pa. Kahit noon pa! Kahit noong hindi ka pa niya iniiwan!" she said proudly.

Tumikom ang aking bibig at imbes na mag-react ay inawat ko na lamang ang aking sarili. Is it true?

"Sa'yo siya umuuwi, pero sa akin siya maligaya! Noong mga panahong hindi mo siya pinagbibigyan, sa akin siya bumabalik!"

I gritted my teeth. Nagsunod sunod ang paghinga ko. This is unbelievable!

"Kaya hindi niya ako maiwan iwan kahit kayo pa! Dahil ako ang nakakapuna ng pagkukulang mo—"

"So, anong gusto mo? Award?" I asked quietly.

She laughed sarcastically. "Napakaarte mo kasi! Hindi mo alam na matagal ka ng iniiputan sa ulo ng lalaking pinaglalaban mo sa mga magulang mo!"

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now