Kabanata 39
Hindi kayang iprosesa ng aking utak ang lahat ng mga nalaman. Alam kong wala dapat sisihin, dahil bago niya ako makilala ay nangyari na iyon. Sino bang dapat kong sisihin? Napakamapaglaro ng tadhana.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na ipagpatuloy pa ang pagpapakasal sa kaniya kapag napatunayang siya ang ama ni Airo. Hindi ko na gugustuhing maging dahilan na hindi magiging buo ang pagkatao ng isang inosenteng bata dahil may kaagaw siya sa kaniyang ama. No matter how much I love Lucas, it was too much. I couldn't do it.
"The results will be ready in 3 to 5 business days," Dr. More said. "We'll contact you when everything is processed."
I nodded, but the words barely registered. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang bigat ng mga sandali, the DNA test that could tear my life apart or confirm what I feared. My heart was heavy with dread, but I couldn't stop thinking about Airo. This test wasn't just about me or Lucas anymore, it was about the little boy who deserved the truth, no matter how painful.
"Laure, talk to me..."
Hinigit ko ang aking braso mula sa kaniyang kamay. I've been so stressed lately thinking about all the possibilities. Paano kung mapatunayan ngang siya ang ama ni Airo? Paano na kaming dalawa? Hindi ko siya basta kayang iwan nalang dahil mahal ko siya, mahal na mahal. Pero paano ang bata? Magiging selfish na naman ba ako? Papayagan ko na naman ang sarili ko na malagay sa dating sitwasyon?
"Huwag kana muna sanang lumapit sa akin. Lalo't hindi pa lumalabas ang resulta." mahinang boses na sabi ko dahil napapagod na akong sumigaw para maibsan ang emosyon na nararamdaman.
"I can't, Laure. Hindi ko kaya."
At hindi ko rin kayang ipagpatuloy ang mayroon sa amin hangga't may bigat sa loob ko. Hangga't puno ng kaguluhan ang isip ko. Hangga't hindi ko pa alam kung saan kami dadalhin ng sitwasyon na 'to.
I walked out of the hospital without even looking back at him. Nagkasalubong kami ni Bethy, kasama niya si Airo. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.
"Laure," she called.
Huminga ako nang malalim.
"Ilang taon na tayong magkaibigan, kilala na natin ang isa't-isa. Loko loko ako, oo. Pero kilala mo ako. Hindi ko kayang magsinungaling, lalo na sa'yo," she said sincerely.
Yumuko ako. Nababasag ang puso ko. Hindi lang para sa akin, kundi para sa kaniya, para sa anak niya at sa aming dalawa ni Lucas.
"Alam kong siya ang nakasama ko noong gabing iyon. Alam kong siya ang ama ni Airo, Laure." she said weakly. "Hindi ko naman alam na ganito kaliit ang mundo para sa ating dalawa. Kahit gusto kong baguhin ang lahat, hindi na mababago ang nangyari."
Bumagsak ang aking balikat habang titig na titig sa sahig.
"Laure, alam mong ang tagal kong hinanap ang tatay ni Airo. Ilang taon na rin siyang naghahanap. Awang awa na ako sa kaniya," nabasag ang kaniyang boses. "Hindi ko alam na sa ganitong paraan ko pa pala siya mahahanap,"
Namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata at hindi na makaangat ng tingin sa kaniya.
"Kaya pasensya kana. Pasensya kana kung nakakagulo kami ng anak ko sa relasyon niyo, pasensya kana..."
Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa hindi ko na naramdaman ang presensya nila. Tumulo ang mga luha sa mga mata ko at mabilis ko itong pinahid.

YOU ARE READING
Lost on the Road (COMPLETED)
Romance(Home of the Wind #3) Started: 11/27/2024 Ended: 01/ 27/2025 Laurianne Yshna Caveria rebelled against her parents to be with the man she loved. But when she ran away, little did she know that the road ahead would be more treacherous than she could e...