Kabanata 38

25 0 0
                                    

Kabanata 38

Ang mga luha ko ay nagbabadyang mahulog habang pinagmamasdan ang singsing sa aking kamay. It feels like everything is happening so quickly, almost too quickly for me to process, but deep down, I know without a doubt that he is the person I want to build a life with, the one I want to say 'I do' to, forever.

Ang plano namin ni Lucas ay umuwi ng Batanes sa susunod na buwan upang ipaalam sa pamilya niya ang tungkol sa pagpapakasal namin. Sa ngayon kasi ay si Tito Grant pa lang ang nakakaalam. Hindi rin ako sigurado kung nabanggit niya na ba iyon sa pamilya niya. Pero siyempre, gusto pa rin namin ni Lucas na pormal na ipaalam sa kanila.

Kinakabahan ako pero sa ngayon, hindi na iyon ang importante sa akin. Mas importante sa akin na maging maayos ang lahat lalo na sa pamilya niya bago kami ikasal.

"Kumusta ang bakasyon? Nakarami ka ba?" nakangising tanong ko kay Bethy nang makauwi sila ni Airo galing probinsya.

"Ayos lang. Wala namang gwapo roon," sagot niya na ikinatawa ko. "Ano itong naririnig ko kay Tita na engaged kana?"

Ngumuso ako. "Uh-huh,"

"Aba! Bakit hindi ka manlang nagt-text sa 'kin ng mga ganap sa'yo? Ikaw, ha!" aniya. "Buti natanggap ni Tita si Harris?"

Umiling ako. "It's not Harris. It's Lucas,"

Halos maibuga niya ang juice na iniinom. "Lucas? As in iyong taga-Batanes na sinasabi mo? Iyong tumulong sa'yo?"

Nakangiti akong tumango.

"Oh my Goodness! Paano nangyari iyon?"

"Nandito siya sa Manila, ilang buwan na."

"Talaga? Hindi ko manlang siya na-meet! Mas nauna ko pang nakilala ang kapatid niya, ah?"

Tumawa ako. "Pupunta siya rito mamaya. Kung hindi ka naman kasi umalis, ipapakilala ko siya sa'yo,"

Matagal tagal ring nawala si Bethy dahil pumunta sila sa probinsya ng anak. Biglaan nga ang pag-alis niya dahil nagkaroon ng emergency sa side ng father niya. Mukhang naayos naman na dahil nakauwi na siya.

Ilang araw na akong halos hindi makapaniwala na fiancé ko na si Lucas. Parang ilang araw na akong nananaginip sa tuwing pinagmamasdan ang singsing sa aking daliri.

Dalawang taon na ang nakalipas simula nang magkakilala kami.  Halos apat na buwan ko naman siyang nakasama sa iisang bubong. Lucas was open with me about his past. He didn't hide anything, and I appreciated that honesty. It wasn't always easy to hear, but it gave me a clearer picture of who he was. And who was I to turn my back on him because of it? I learned to embrace him for who he was now, in the present.

Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko siya sa Sabtang noon, masasabi kong iyon ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. I never expected it, but the more time I spent with him, the more I discovered new things about him, things that went beyond his reputation as someone who was known for his past relationships. It wasn't about the image that others had of him, but about the person he really was when it was just the two of us.

Hindi ko akalain na sa kaniya ko pa mararanasang tratuhin ng higit pa sa inaasahan ko ng isang lalaki. I could never have imagined that I would be treated with such love from a man. Kaya bakit ako magdududa sa kaniya?

I made a mistake by not giving him a chance back then. But I'm still grateful because that's when I really proved how determined and persistent he is when it comes to me.

Napabangon ako mula sa pagkakaupo nang marinig ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Lucas sa labas. Mabilis akong lumabas at sinundo siya sa gate.

"Lucas," I called.

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now