Kabanata 14

22 0 0
                                    

Kabanata 14

"Ayos ka lang ba, Laure?"

Naputol ang pagkatulala ko sa boses na iyon ni Inara. Kumurap kurap ako bago sila nilingon ni Aria.

"Uh..."

Kinagat ko ang ibabang labi at ipinagpatuloy ang paghahabi ng vakul. Nakuha ko na ito kanina, pansamantala na namang nagkamali mali dahil sa malalim na iniisip.

Dalawang araw na ang lumipas matapos nang may mangyari sa amin ni Lucas. I've realized that things are really awkward between us. I can tell that he is also aware of the awkwardness, and he's doing his best to act like everything is fine. He's trying to make it easier for me, trying not to give me any reason to overthink or feel uncomfortable. But the truth is, every time I'm around him, all I do is analyze every little thing I say or do. It's like my mind is running in circles, thinking about how I should behave or how I might be coming off to him.

I hate it. I just want things to go back to how they were before. The more I think about it, the more awkward I feel. And the worst part is, I can't even talk to him about it. Para na lamang mabawasan ang awkwardness sa aming dalawa, lumalabas ako ng bahay para pumunta kina Nanay Lupe at maghabi ng vakul. But honestly, this is my way of avoiding him.

"Nakukuha mo na kanina, ah?" ani Aria at kinuha ang gawa ko.

"Uulitin ko nalang ulit..." napakamot ako sa aking batok.

Tumitig silang dalawa sa akin at umiwas agad ako ng tingin. Inilipat ko ang tingin sa ginagawa, pilit na ibinabalik ang kaninang kaalaman kung paano ko iyon nakuha.

"May problema ka ba?"

Mabilis akong umiling at tipid na ngumiti.

"Wala naman. Tapusin na natin 'to..."

Hindi naman nila ako kinulit na magkwento. Pasalamat na lamang at ganoon sila. Panandaliang nawala na sa isip ko ang nangyari dahilan para makuha kong muli ang tamang paghahabi. Nasiyahan ako sa kinalabasan kaya naghanda na kami para ibenta ang ilang mga nagawa sa palengke.

Kakunti lang ang nabenta namin ngayon, may nakuha pa rin naman ako. Nga lang, hindi ganoon kalaki pero ayos na rin. Kalaunan, makakaipon din naman ako basta magtitiyaga lang.

As we walked back home, I feel like everything around me was muted. Mabigat ang mga hakbang ko. Si Aria at Inara ay patuloy na nag-uusap sa likuran ko, ang kanilang boses ay naging malabong tunog sa aking pandinig. Wala akong lakas na sumali sa usapan, kaya't pinili ko nalang na maglakad nang tahimik.

"Didiretso kana ba ng uwi, Laure? O gusto mo muna sa bahay?" tanong ni Inara.

"Okay lang ba? Sa inyo muna 'ko?"

"Oo naman. Tara!"

Hinigit ng dalawang magkapatid ang braso ko patungo sa kanilang bahay. Napangiti ako kasi mukhang komportable na agad sila sa akin.

"Medyo mahal pa naman ang ticket pa-Maynila, kailangan nating magsipag para makaipon ka, Laure..."

Sinulyapan ko si Aria.

"Naku, hayaan niyo ng ako ang gumawa ng paraan para diyan..." nahihiyang sabi ko. "Pero salamat talaga. Sobra kong naaappreciate ang pagtulong niyo sa akin..."

Ngumiti si Inara at tinapik ang balikat ko.

"Ayos lang 'yan. Saka 'diba sabi mo, miss mo na ang Mama't Papa mo? At least, makatulong kami kahit simpleng paraan diba?"

"Salamat..."

Ngumiti ako sa kanila ng malapad. Siguro dapat ko na talagang sanayin ang sarili ko na normal na talaga  na mababait ang mga tao rito. Ibang iba sa Manila. May mangilan ngilan din namang mabait pero dito sa Batanes, lahat ng mga nakatira ay mabait. Alam mo iyong pakiramdam na ikaw nalang ang mahihiya sa kabaitan nila.

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now