Kabanata 34
Lumipas ang isang buwan, I finally got the job I applied for, which felt like a huge step forward. But, despite the professional progress, my personal life has become more complicated. Lucas and I are still seeing each other, and things between us are still the same. Mas malaya pa ngang nakakapunta si Lucas sa bahay kaysa sa boyfriend ko.
It's strange because I never intended for things to get this tangled. I thought I had everything figured out when it came to my relationship, but now the situation become blurred.
Sa mga unang linggo ko sa trabaho, hindi naman ako gaanong nahirapang mag-adjust, mababait naman ang mga ka-trabaho ko. Tuwing out ko naman, sinusundo ako ni Harris.
"Remember Kleo? Iyong college friend ko? Birthday niya ngayon kaya nag-aayang mag-club kaming magtotropa." excited na sabi ni Harris habang nagd-drive. "Minsan lang kami magkita kita kaya pumayag na ako."
"Club?" bahagyang kumunot ang noo ko.
I didn't know why, but the thought of it didn't sit well with me. I've been to a club, and it didn't end well.
"Yup," nakangiting tumango siya. "I really want you to come with me. That way, you won't overthink it. Let's just have a good time, yeah?"
I sighed, my gaze turning toward the passing streetlights. I wanted to tell him I wasn't sure, that I had a bad feeling about it, but I didn't want to be the buzzkill. He looked so excited, and I didn't want to spoil his day.
"Alright," I finally said, my voice quieter than I meant. "I'll go."
Harris looked over at me and smiled even wider, his eyes lighting up. "It'll be fun, I promise."
Kinagabihan, iyon nga ang nangyari. Isinama niya ako sa club. Na-realize ko na ako lang pala ang babae rito. Anim silang mga lalaki, ang iba naman ay kilala ko dahil nakita ko na rin noon.
"Long time no see, Laure," bati ni Kleo sa akin. Bumati rin ang mga kakilala ko.
"Happy birthday," bati ko sa kaniya.
"Salamat," nakangiting sabi niya.
Nasa tabi ako ni Harris habang nakikipagkwentuhan siya habang umiinom sa mga kaibigan. Ang usapan nila ay tungkol sa mga kalokohan nila noong college. Ang ilan sa kanila rito ay may pamilya na rin, ang iba naman ay single, ang iba ay may girlfriend.
"Ngayon lang ata kita nakilala? I thought, sila pa ni Karina?" lumapit sa akin ang isa sa kanila, narinig ko na Melvin ang pangalan nito.
Naiilang akong umiling. Tumangu tango siya at ngumiti na lamang bago natahimik.
"Kung hindi sana nag-transfer si Kleo, naabutan niya sana si Miss Santos. Hot nun!" ani Josh.
"Siraulo ka! Hanggang ngayon, trip na trip mo pa rin si Miss Santos 'no?" tumatawang sabi ni Harris.
"Kahit nasa 30s na 'yon noon, ang ganda ganda ba naman,"
"Mas magaganda pa mga prof kaysa sa mga estudyante, e."
"Siyempre, haggard na sa thesis. Ano pa bang ineexpect niyo?"
Nagtawanan sila. Nagsimula silang mag-open ng topic tungkol sa mga babae. Napainom ako ng cocktail dahil sa mga naririnig sa kanila. Is this really how they talk about women? The way they dissected their past experiences made me shift in my seat, feeling like an outsider in a conversation that felt too objectifying.

YOU ARE READING
Lost on the Road (COMPLETED)
Romance(Home of the Wind #3) Started: 11/27/2024 Ended: 01/ 27/2025 Laurianne Yshna Caveria rebelled against her parents to be with the man she loved. But when she ran away, little did she know that the road ahead would be more treacherous than she could e...