Kabanata 9

10 0 0
                                    

Kabanata 9

Hindi ko alam kung paano tumakbo ang dalawang araw ko rito sa bahay. Lately, ang dami kong naiisip na gawin. Gusto kong maglibot libot at puntahan ang mga magagandang pasyalan.

"Ah, magandang umaga po, paano po 'yan gawin?" tanong ko sa isang matandang babae na gumagawa ng vakul. 

Nilingon niya ako at ngumiti. "Gusto mo bang subukan? Pero kailangan mo ng pasensya sa paggawa nito, anak."

Tumango ako, at lumapit para mas malapitan makita kung paano niya ginagawa. Hindi ko maiwasang tanawin siya ng may pagkamangha. Ang bilis ng kanyang mga kamay sa paghahabi nito.

"Taga-saan ka ba, anak? Parang ngayon lang kita nakita rito." tanong niya.

"Taga-Maynila po ako."

"Ah, ganoon? Saan ka naman ngayon namamalagi?" tanong niyang may bahid ng kuryosidad.

My lips parted. Ayos lang kaya kung sasabihin kong nakikitira ako ngayon sa bahay ni Lucas? Baka magtanong sila kung kaanu-ano ko siya. Mahirap nang magbigay ng maling impression.

"Uhm..." tumikhim ako. "Sa bahay po ni L-Lucas Villaverde..."

She tilted her head and smiled sweetly.

"Ah, ikaw pala ang kaibigan ni Luke..." muli siyang ngumiti. "Hindi ka kasi masiyadong lumalabas, ngayon nga lang kita nakitang lumabas."

Nagpanggap akong hindi narinig ang sinabi niyang iyon. Gusto kong magmukhang natural, kahit na ang dibdib ko ay parang gustong pumutok sa kaba. Hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang ipinapakita ko, ngunit sinubukan ko pa ring ngumiti ng magaan, kahit na parang may kung anong mabigat na bagay sa aking lalamunan.

"Iyang bahay na tinutuluyan mo, bahay 'yan ni Davina, ang lola ni Luke." nakangiting sabi niya. "Pinagpala nga iyon at nakapangasawa ng isang Villaverde, isang mayaman. Kaya iyon, naging maganda ang buhay. Nakakatuwa nga at kahit na maganda na ang buhay niya, pinili niya pa rin na manatili rito sa Batanes kasama ng mga anak at apo niya."

I shifted uncomfortably on my seat beside her. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit pinili ng mga tao, tulad ng pamilya ni Lucas na manatili rito sa kabila ng mga oportunidad sa labas ng isla. Bakit nga ba?

"Kilala niyo po ang pamilya ni Lucas?"

"Oo naman, anak. Magkakasama kaming lumaki ng lola niya rito sa Sabtang." she answered, as if the connection between them was as old and natural as the stones that lined the island's pathways.

I looked at her in curiosity.

"Talaga po? So, matagal na po kayong magkakilala?" I asked, leaning forward a little, eager to learn more.

"Oo, matagal na," she replied, nodding slowly as though she was reflecting on the memories.

"Bakit po kaya mas pinili nilang manatili rito sa Batanes?" tanong ko.

The island province of Batanes is the smallest province of the Philippines. Naisip ko lang na napagbigyan na siya ng pagkakataon na manirahan sa ibang lugar, bakit kaya mas pinili niya pa rin dito?

"Iyong mga anak at apo ni Davina, laking ibang bansa sila, si Davina lang ang hindi umaalis dito." aniya. "Dito na kasi lumaki si Davina, mahal niya ang lugar na ito at ang mga tao. Kahit kaming mga Ivatan, mas pipiliin namin dito, malayo sa kaguluhan at ingay sa syudad. Tahimik at kahit simple lang ang pamumuhay namin, kuntento at masaya na kami."

I looked at the elderly woman and saw a deep happiness in her eyes. She's truly passionate about what she was doing, at dama ko na mahal na mahal niya ang buhay na mayroon siya rito.

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now