Kabanata 27

15 0 0
                                    

Kabanata 27

Hindi ko mahanap ang katotohanan sa lahat ng mga sinabi ko sa kaniya. Am I hurting for him? Yes, of course. How could I not? He's someone I've spent so much time with, someone who has shown me kindness and care when I needed it the most. But right now, that's not the focus of my thoughts. That's not what's occupying my mind.

I don't have the luxury of time to dwell on whether or not I'm going to hurt him. I'm already hurting enough, and the last thing I need is to add more weight to it. It's not that I don't care about him, but there's a deeper, more pressing feeling pulling me in a different direction—away from him and all that's tangled up in the mess between us.

Maybe I'm just scared. Deep down, I'm terrified of what might happen next. Natatakot ako sa posibleng gawin ng pamilya niya. I'm scared of getting caught in a situation that feels like it's spiraling out of control, one where I don't know how to pull myself out. Natatakot akong magustuhan siya ng mas malalim. At gusto ko ng umuwi sa pamilya ko, ayusin ang buhay ko at magsimulang muli.

Nangangatog ang buong katawan ko nang huminto ang taxi sa tapat ng kulay pulang gate. Ang mga taong nasa loob niyon ay ang mas lalong nagpadagdag sa kabang nasa dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang iabot ang bayad sa texi driver.

"S-Salamat po,"

Bumaba ako ng taxi ng walang ibang dala maliban sa lakas ng loob. Nanatili akong nakatayo sa tapat ng gate, nagdadalawang isip pa na tuluyang pumasok. Nakabukas ang gate pero nanatili ako sa pwesto ko.

"Laure?" I heard my bestfriend, Bethany's voice. "Laure!"

Dahil doon ay napunta ang atensyon sa akin ng mga tao sa loob. Tumakbo siya palapit sa akin, bitbit pa ang kaniyang tatlong taong gulang na anak.

"Laure, na-miss kita," ani Bethy at ipinakaway pa sa akin ang kaniyang anak. "Airo, say hello to your ninang Laure..."

"Hello, Ninang..." ani Airo.

Nanginginig ang mga labi ko nang ngumiti sa kanila. Dahan dahan akong napatingin sa likuran ni Bethy kung saan naroon ang kabaong ni Papa at ang mga pamilyar na mukha na narito.

"Halika..." sinamahan niya akong lumapit doon.

Naninikip ang dibdib ko habang diretsong nakatingin sa kabaong kung nasaan si Papa. Naging mabagal ang paglalakad ko habang hinihiling na sana ay isa na lamang panaginip ang lahat ng ito. Nararamdaman ko ang pagbubulong bulungan ng ibang mga kamag-anak naming narito ngayon ngunit nawalan ako ng lakas para isipin pa sila.

Nang makita ko ng tuluyan si Papa sa loob ng kabaong, doon na nanghina ang mga tuhod ko. Ang dibdib ko ay tila pinupukpok at hindi ako makagalaw. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko at niyakap ang kabaong.

"Pa, I'm so sorry..." my voice cracked as I cried.

I didn't know what else to say. How could I? How could any apology be enough for something like this? I cried harder, my body shaking with the force of it, as I clung to the edge of the coffin, as if holding on to him in any way I could.

"Laure," boses ni Tita Lorna.

Hindi ko na siya magawang tingnan pa dahil natuon ako sa emosyong bumabalot sa pagkatao ko.

"Tingnan mo ang Mama mo," bulong niya na tama lang para ako ang makarinig. "Tingnan mo," mariin niyang utos.

Natigil ako sa pag-iyak. Humikbi hikbi pa ako at dahan dahang umayos ng tayo. Hinanap ng mata ko si Mama at nakita ko siya sa isang gilid na nakaupo. Diretso ang tingin sa kabaong habang yakap yakap ang picture ni Papa, mugto ang mga mata at tila wala sa sarili.

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now