Kabanata 17

14 0 0
                                    

Kabanata 17

Napagkasunduan namin nina Inara na magdagat. Nagyayaya kasi ang magkapatid na sina Johara at Jiro, niyaya rin nila ako. I thought it sounded like a great idea, especially with how warm the weather's been lately.

"Sama mo si Luke, Laure," nakangiting sabi ni Johara.

Narinig iyon nina Inara at Aria kaya inasar nila ang pinsan. Of course, Johara, being used to it, she just rolled her eyes. Nangiti ako sa asaran nila. Dalawang araw ko pa lang siya nakakasama pero parang nakakabisado ko na agad siya. Hindi naman siya mahirap basahin, unlike sa kapatid niyang si Jiro. Tahimik lang. Naniniwala na talaga ako na lahat ng magkapatid ay may pagkakaiba. Kung sabagay, only child ako kaya hindi ko rin masabi.

Tanghali pa lang at ang plano nila ay mamayang hapon para hindi gaanong mainit. Pero kahit mainit, malamig ang hangin dito sa Batanes. Pero hapon ang napagkasunduan, para na rin mapanood namin ang paglubog ng araw. Malapit lang naman ang dagat dito kaya ganadong ganado kami.

"Gusto mo bang sumama magdagat mamayang hapon?" tanong ko kay Lucas.

Tanghaling tapat pero nagkakape siya.

"Sinong kasama?" bahagyang taas ng isang kilay niya.

"Sina Inara at iyong dalawang pinsan niya." sagot ko.

"Hmm. Mga babae," humawak siya sa kaniyang baba na parang nag-iisip.

Ngumisi ako.

"Siyempre, tuwang tuwa ka na naman kasi mga babae,"

Ibinaba niya ang tasa ng kape na hawak at matalim akong tiningnan.

"Matutuwa ako kasi kasama ka. Pero kapag hindi, I guess there's nothing to be happy about." he smiled faintly and took another sip of his coffee.

"Ha! Talaga lang, ah?"

Hindi na siya sumagot. Hindi ko tuloy alam kung sasama pa ba siya o hindi. Minsan, hindi ko rin alam kung nagseseryoso ba siya sa mga sinasabi niya o nang-uuto o pinaglalaruan ako. Kapag naiisip ko kung anong klaseng lalaki siya, natatanto ko na kasama talaga ito sa personality niya. Kaya siguro maraming babae ang naloloko niya. Akala nila seryoso siya pero ang totoo, that was just part of whatever game he was playing.

"Magdala nalang tayo ng pagkain. Siguradong magdadala sila,"

Nilingon ko si Lucas na ngayon ay abala sa pag-aayos ng basket kung saan ilalagay ang pagkain. Aba, sasama pala siya. Sinasabi ko na nga ba. Siguro napag-isip isip niya na sayang din ang chance na makapangbabae. Paano ba naman, ilang linggo na ata siyang walang babae. Lagi lang siya nasa bahay.

"What?" nagtaas kilay siya nang makita ang mga mata ko sa kaniya.

"Wala naman," ngumiti ako.

Ang suot ko lamang ngayon ay bestida ngunit may short at sando sa loob para huhubarin ko na lamang iyon kapag lumangoy kami. Si Lucas ay nakaputing V-neck na t-shirt at short lang. Pansin ko nga, puro mga white shirt ang mayroon siya. Bagay naman sa kaniya, mukhang malinis lagi tingnan. Sumisigaw pa ang bicep niya.

Dumiretso na kami sa dagat gaya ng napag-usapan. May araw pa rin pero maganda ang sikat nito gayong hapon na. Pagdating namin ay nakita ko agad sina Aria, Inara, Johara at Jiro. Tumakbo si Inara sa amin para salubungin kami ni Lucas.

"Mabuti at nakasama ka, Luke," nakangiting sabi ni Inara. "Sina Mateo at Pablo ba nakakasama mo pa?"

"Nasa Basco sila,"

"Ahh.."

Tumango at ngumiti lamang si Lucas.

Lumakad kami papunta sa kinaroroonan. Halos hindi na maalis ni Johara ang tingin niya kay Lucas nang makita ito. Pulang pula ang pisngi niya. Wala naman siyang blush pero namumula siya.

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now