Kabanata 40

30 0 0
                                    

Kabanata 40

Sometimes, the road you take isn't the one you planned. You find yourself lost, not because you're incapable of finding your way, but because the journey itself holds lessons you didn't expect. Being lost doesn't mean you've failed, it means you're learning the route to something greater, even if it's unclear where the path leads. In the end, it's not the destination that matters most, but the courage to keep moving forward, even when the way is unknown.

Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga bago tumapak sa loob ng pintuan. Nakita ko siyang tumingin sa akin, bahagyang nagulat pa nang makita ako.

"I want to talk to you," I said.

Hindi siya sumagot, ni gumalaw manlang. Napako ang tingin niya sa akin. Wala na akong sasayanging panahon pa. Kailangan ko siyang makausap dahil iyon ang tanging paraan para mapanatag na kaming lahat.

"Pasok ka," mababang boses na sabi niya.

Pumasok ako sa loob ng bahay at umupo. Wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang kagustuhang maging mapayapa. Ito ang kailangan kong gawin. Ito ang tama.

"Nagkamali ako, Laure. I'm really sorry," yumuko siya.

I sighed heavily. Ito ang unang beses na magkakausap kami ulit pagkatapos ng mga nangyari, tatlong linggo ang nakalipas.

Gabi gabi, hindi ako pinapatulog ng matinding pag-iisip at pag-iyak. Sa isang sitwasyon na alam ko namang hindi dapat umabot sa ganoon. Ilang linggo kong pinag-iisipan ang dapat kong gawin, ilang linggo kong kinuha ang pagkakataon para sa mga desisyon na ayaw kong dumating ang panahon na magsisisi ako.

Ayaw kong dumating ang panahon na magsisisi ako dahil pinakawalan ko ang lalaking mahal ko.

"Naalala ko na ang lahat, Laure," aniya. "Pinilit ko, kasi ayaw kong umabot tayo sa ganito. Hindi ko pala kaya."

Muli akong humugot ng malalim na hininga sa panghuhula sa posibleng totoong nangyari nga talaga noon.

"I called my friend, Airam. Siya ang kasama ko noong gabing iyon at ilan pa naming mga kaibigan. Pero mas nakita niya ang lahat," panimula niya. "I was drunk when I saw him. Aaminin kong sobra akong naattract sa kaniya kaya naging desperada akong makuha siya noong gabing 'yon. I approached him and introduced myself to him. Noong gabing tumataas na ang tensyon, umalis na pala siya noon na hindi ko namalayan,"

Napalunok at napaayos ng upo. Tila ba gustong gusto ko pa siyang magkwento.

"A man approached me, his face was blurry at that time. We made out. I was so drunk. Sa sobrang kalasingan ko, ang lalaking unang nakita ko ang nakikita ko sa lalaking kaharap ko noong time na 'yon. I didn't get the names of both men, so I was c-clueless..." pumiyok ang boses niya. "I'm so sorry, Laure. Kung hindi pa ipinaliwag sa akin ni Airam ang lahat, hindi ko matatandaan lahat."

Umawang ang bibig ko at tila ba sinusuntok ang aking dibdib.

"Bethy..."

"I'm so sorry. Walang nangyari sa amin ni Lucas, Laure. Patawarin mo ako..." nagsimula siyang lumuhod sa harapan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila ba sinampal ako ng paulit ulit. Wala manlang lumabas na kahit na ano sa aking bibig dahil napuno ng galit at sakit ang puso ko.

"I'm really sorry, Laure. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko sa'yo. Patawarin mo ako kung naging dahilan pa ako para masira kayo. I'm so sorry, Laure..." she cried.

Humagulgol ako at napatayo. Sobrang sama ng loob ko. Sobrang nanghihina ako sa lahat ng mga nangyayari. Lalo na sa lahat ng sinabi ko kay Lucas.

Lost on the Road (COMPLETED)Where stories live. Discover now