Adamson-Voire Series #1
Punk Princess of West
Chapter 25
Farrah
“Lawak ng ngiti mo ah,” Napakurap-kurap ako nang makitang nakangisi sa harap ko si Kuya. “Sino dahilan niyan?” Pang-aasar nito.
“Sino agad? Hindi ba pwedeng ano?” Tanong ko rito.
“Farrah, hindi tayo same program na tini-take pero alam kong walang nakakaenjoy diyan sa libro ng stenography mo,” Nakataas ang kilay nitong nagtatanong sa akin.
Padabog kong isinara ang librong nasa harap ko, “Lahat na lang talaga napapansin mo.” Sambit ko rito.
“What?” He shrugged, “I was just asking, may mali ba roon?”
“Bakit ka ba nandito?” Pag-iiba ko sa usapan.
“Magpapatulong sana,” He answered.
“Saan?”
“Nawawala si Brayael,” Kaswal lamang ang pagkakasabi niya.
“Ano?!” Gulat kong tanong dito.
“Pero ‘wag na, nakita ko na siya, ayon sa ilalim ng kama mo.” Itinuro ni Kuya ang ilalim ng kama ko, yumuko ako at nasilip na andon nga ang kuting, payapang natutulog.
“Sarap ng tulog niya oh,” I commented.
“Nakangiti pa ‘yan matutulog mamaya,” Lumawak ang ngiti sa labi ni Kuya.
“Si Brayael pa ba pinag-uusapan natin dito?”
“Bakit?” He asked, curious. “May iba pa bang dapat pag-usapan, babygirl?”
“Kung mang-iinis ka lang, please kuya, huwag ngayon.” I begged him.
“I heard you guys are okay na.” Mapang-asar na sambit nito.
“Does it concerns you?” I asked.
“Not really, bye.”
Napailing-iling ako nang tinalikuran ako nito bitbit ang itim na kuting sa kaniyang mga palad.
Madalas ay hindi ko talaga gets ang trip nitong si kuya.
---
“Preeeeeeee!” I wrinkled my nose as I saw Simon walking towards me.
“Ano bang kailangan mo?” I asked him.
“Wala, hanap ka ni Ybrahim.”
“Ah, ganun ba? Pasabi wala, tulog, umalis.” I smiled awkwardly, nagmamadaling makaalis sa sala ng bahay nina Stacey upang magtungo sa kusina.
It’s beeen days already and I can’t still grasp everything that happened to the two of us; he admitted his feelings and I rejected him because of my constant fear of almost everything, and then suddenly— para akong inumpog nang makitang kasama nito ang ex niya at mukhang maayos sila. Dahilan para mapagtanto kong ayaw kong nakikitang may kasama siyang iba at ayaw ko sa ideyang possibleng romantically related siya sa ibang babae.
Ang gulo mo, Farrah.
“Bakit mo ba ako iniiwasan?” Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni Ybrahim galing sa aking likuran, dahilan para humarap ako rito.
YOU ARE READING
Punk Princess of West
RomanceFor Farrah's father, she is nothing more than just a punk princess; well at least, Punk Princess of West. Adamson-Voire #1 On going | Unedited
