Chapter Six

14 7 0
                                        

Journal Entry No. 189

MAINGAY sa loob ng classroom ni Ms. Ong. Nabibingi ako sa ingay ng mga tao. Para akong isang radio na sumasagap ng milya-milyang radio frequencies. Pati ang ingay sa katabing mga klasrum, nasasagap ko. Ito ang mga ingay na ako lang ang pwedeng makarinig.

Hindi por que tikom ang bibig ng mga kaklase ko, hindi na sila gumagawa ng ingay. Maingay ang utak nila. Naririnig ko ang bawat idea at emosyon.

Hindi ko natapos ang Sudoku Exercise Book kaya dala ko siya ngayon sa klase ko sa Algebra. Nakaupo ako sa harap ng teacher's table. Kaharap ko si Ms. Ong sa buong durasyon ng quiz. Bwisit! Naubusan na ako ng upuan kaya sa harap ako umupo.

Dumaan si Ms. Ong sa harap ko. Nakita niya ang Sudoku Exercise Book sa lamesa ko. "Hijo, ballpen lang ang nasa table. Hindi tayo magsisimula hangga't hindi kayo ready," sabi nito sa akin. Agad kong tinago ang libro at nilabas ang aking ballpen.

Ang pinaka maingay sa loob ng klasrum namin ay si Rhian Strauss—maingay ang utak niya. Naririnig ko ang mga Algebraic formulas na umaandar sa isip ni Rhian.

Tapos, biglang pumasok sa isip niya ang eksena sa coconut tree. Narinig ko. Iniisip niya ang sandali na bumagsak siya sa bisig ni Yael De Jesus. Naramdaman ko ang emosyon ni Rhian. Maaliwalas ito tulad ng isang magandang panaginip.

Kaya bigla siyang sumailalim sa isang bangungot matapos malaman na varsity player pala si Yael De Jesus. Disapointed siya dahil hindi matalino si Yael. Sobrang bigat ng kaniyang loob habang naglalakad siya palayo, bitbit ang basket ng gulay.

Napangiti ako kasi pinagalitan ni Rhian ang sarili niya habang katabi si Yael sa klasrum. Nadidistract siya sa boyish scent ni Yael. Ayaw aminin ni Rhian sa sarili niya kung bakit.

Tumunog ang phone ni Clarence. Ako ang unang nakaalam na cellphone ni Clarence ang tumunog. Narinig ko ang takot ni Clarence.

Hindi ko gusto ang iniisip ni Ms. Ong. Natatakot ako sa mga tumatakbo sa isip niya. Pinipicture niya sa isip kung paano niya hahatawin nang hahatawin si Clarence hanggang sa bumaon ang patpat sa balat nito.

Pak! Pak! Pak!

Narinig ko sa isip ni Ms. Ong na mas lalo siyang nagagalit dahil ayaw sumigaw ni Clarence. Importante kay Ms. Ong na sumigaw si Clarence. Pinapakita nitong dominante siya sa aming lahat. Musika sa tainga ng guro ang timbre ng hiyaw ng mga estudyante.

Naiisip ni Ms. Ong ang sarili nitong ama habang pinapalo silang magkakapatid noon. Walang habis. Walang awa. Narinig ko. Bayolente ang ama ni Ms. Ong. Hindi si Clarence ang pinapalo nito sa isip kundi iba. Gumaganti ito sa sariling ama. Gusto pa niya... Gusto pa niyang marinig ang sigaw ni Clarence.

PAK! PAK! PAK!

Sana tulad ako ni Diamond na malayang ipikit ang mga mata para umiwas sa nangyayari kay Clarence. Kahit pumikit ako, sinasalo ko ang bawat hataw, ang bawat sakit, ang bawat kahihiyan, ang bawat galit ni Clarence. Wala akong choice.

Lumabas ang guro sa hallway, dala-dala si Clarence.

Sumabay ang usap-usapan ng mga estudyante sa ingay ng kanilang utak. Nabibingi ako.

Nangingibabaw ang brainwave ni Yael De Jesus. Narinig ko ang pangalan ni Rhian sa utak niya, paulit-ulit. Nasasakal siya habang iniimagine ang patpat ni Ms. Ong sa braso ni Rhian. It was gripping him. Hindi raw dapat mahawakan ni Rhian ang papel niya.

Dumapo sa isip ni Yael: kapag nahuli sila ni Ms. Ong, babaliin ni Yael ang patpat at sasaksakin ang guro. Ngumiti ako. Maraming gustong gawin ang mga tao na sa isip lang nila kayang gawin.

Nagsimula na kami sa exam. Tahimik ang utak ng mga katabi ko. Wala kasi silang maisagot sa quiz. Ang isa ko namang katabi, varsity player sa tennis. Gusto niyang umiyak kasi wala siyang pera para hingin ang tulong ni Rhian. Mahal ang presyo ng dalaga.

Tulala ang ibang estudyante sa papel. Isang flat line ang tunog ng utak nila—no signs of life. Maingay ang utak ng mga estudyanteng matatalino. Lalo na si Rhian. Her mind hummed like a bee. Pero papreno-preno ang utak ni Rhian. Nirereplay niya sa isip ang mga sinabi ni Yael. Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n mag-alala ang binata sa kaniya. Sa dulo ng kaniyang isipan, ayaw pansinin ni Rhian ang kakaibang tuwa.

Dahil distracted siya, mali ang sagot ni Rhian sa items number four, eight at ten. Tinignan ko sa papel ko.

And then there's Diamond. Hinahangaan ni Diamond si Rhian. Iniisip niya na rebelyon ang ginagawa ni Rhian sa pananakit ng mga guro sa estudyante. Pero ang hindi nila alam, ninanakawan ni Rhian ng pagkakataong matuto ang mga estudyante.

What a bunch of phonies! I hate all of them. 

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon