Chapter Eight

13 7 0
                                        

"BOYFRIEND ba ni Rhian si Jordan the Nerd?" maanghang na tanong ni Yael kay Patricia.

Sinadya ni Yael at Charles sa basketball court, ora mismo, ang kaibigan ni Rhian. Naabutan nila ang water break nila Patricia. Basang-basa ng pawis ang dalaga sa practice. Umiinom si Patricia ng tubig sa water bottle nito.

"Totoo ba, Patricia?" segundo ni Charles, "Boyfriend ba niya ang mayabang na nerd na 'yon?"

Binuga ni Patricia ang tubig sa halamanan at umubo nang sobrang lakas.

Napangiwi silang dalawa sa outburst ni Patricia.

Pinunasan nito ang bibig bago nagsalita, "Of course not! Hindi mo ba nakita kung gaano kaganda si Rhian?"

"My friend over here tried everything. Alam mo kung ano nakapagpangiti kay Rhian? One word. Ulysses. Mukha bang mahilig magbasa ng libro ang kaibigan ko?" ani ni Charles.

Patricia snorted at saka bumungisngis. "Let me guess, nakita ni Rhian si Jordan?"

"Yes!" frustrated na sabi ni Yael.

"Alright. So anong gagawin ko?" ani ni Patricia.

"Help him!" sigaw ni Charles, tinuturo si Yael.

"Yael?" gulat na sabi n Patricia, "Wag mo sa aking sabihin na... Oh, dear God! No! No! No!" horrified na kontra ni Patricia.

"Why not, Patricia? Liligawan ko si Rhian."

"What's in it for me?" asik ni Patricia.

"So mas okay si Jordan kaysa sa akin? Is that it?!" sigaw ni Yael. "Look, Rhian is special. Unang kita ko pa lang sa kaniya, alam ko na 'yon. She's the comet that only passes in a lifetime and I wouldn't just watch. I'd pluck her from the sky so she'd be mine. Nakikita mo ba kung anong ginawa ni Rhian sa akin? Hindi mahirap mahalin ang kaibigan mo, Patricia."

Walang sinabi si Patricia. Nahimigan nito ang desperasyon ng binata.

"Nagsasayang ka lang ng panahon sa kaniya, Yael," sabi nito.

"Why is that?"

"She's a sapiosexual. At hindi ka kasama sa radar ni Rhian."

Nagpalitan ng confused look sina Charles at Yael.

"Sapo—saposex? Ano raw?" gulung-gulong tanong ni Charles.

"Sapiosexual?" kunut-noong tanong ni Yael. "Bagong letra ba 'yon sa LGBT community?"

Nagface palm si Patricia at marahang umiling. "You moron! Hindi parte ng LGBT community si Rhian. Sapiosexual means attraction to intelligence. Walang ibig sabihin ang physical attraction kay Rhian."

Simultaneous na suminghap si Charles at Yael.

"Mayro'n palang gano'n klase ng sexuality?" hindi makapaniwalang tugon ni Charles, tumango-tango pa.

"It's a newly invented word. You should look it up. Maraming babae ngayon ang sapiosexual pero hindi nila alam."

Bumagsak ang balikat ni Yael.

"Wala kang pag-asa sa kaniya, Yael. Rhian is a self-confessed sapiosexual. At para siyang zombie. She will always, always go for the brain," diin ni Patricia.

"Yael, alam mo naman mahal kita," sabi ni Charles, "pero alam naman nating allergic ka sa libro. Kapag binasa mo ang Ulysses, baka maging katulad ka ni Sleeping Beauty—matutulog ka habang-buhay."

"It's for the best kung kakalimutan mo ang nararamdaman mo—kung may'ron talaga," sabi ni Patricia. "Hindi pumapatol si Rhian sa mga kliyente niya. At kailangan mo ang serbisyo niya, Yael. This is the relationship you badly need with her and not romance."

Doomed from the start ang apoy na sinimulan ni Yael sa puso niya. It was only a spark, which dies in a matter of time. Kahit nagsisimula pa lang, naro'n ang kirot, ang awkwardness ng unrequited love. It stung his heart so painfuly.

Yumuko si Yael. Naalala niya kung gaano kasaya si Rhian sa witty remarks ni Jordan. Heck, ming walang alam si Yael kundi magpapogi sa soccer field kanina. Unarmed siya sa battle of wits kung lalaban siya kay Jordan.

Rumehistro ang pait sa mga mata niya. He chewed his lips at nagdesisyon na maglakad na paalis bago pa ipamukha ulit sa kaniya ni Patricia na hindi siya kasing talino ni Jordan; bago pa ipamukha sa kaniya ni Charles na hindi niya kilala si James Joyce at ang napakahirap nitong nobela na Ulysses.

Pasensiya na! Sa soccer lang siya magaling. Hindi siya katulad ni Jordan na braniac at walking Google.

"But you should know," ani ni Patricia, "she used to date someone like you."

Nagpreno ang mga paa ni Yael at nag-angat ng tingin kay Patricia.

May tinuro si Patricia na lalaki sa basketball court. "Nakikita mo ba 'yon? Siya ang unang boyfriend ni Rhian." Tinuturo ni Patricia ang basketball player na 12th grader.

"Pass it to me!" sigaw ng isang basketball player sa kakampi nito. Sinbalo ng binata ang bola at umapak sa 3-point line. Tinira niya ang bola at sinundan nilang tatlo ng tingin ang bola hanggang sa pumasok ito sa hoop.

He's not just some player. Ito si Anthony Cruz, ang team captain ng basketball team.

"Client siya ni Rhian noong 7th grade kami dito sa campus," ani ni Patricia.

"Ano?" reaksiyon ni Charles, "Thirteen years old pa lang kayo noon. Paanong mas matalino si Rhian sa mga higher level?"

"Precisely because she's a genius, you dumb ass! Kahit ngayon, si Rhian ang gumagawa ng projects at assignments ng mga higher level. Kahit senior thesis, pinapatos ng kaibigan ko."

Mas lalong umapoy ang attraction ni Yael. Kahit advance courses kayang-kaya gawin ng dalaga. She's everything and so much more.

"Simula nang pumasok si Rhian dito, sinimulan niya kaagad ang negosyo niya. Napabilib niya ang mga varsity player. Kahit senior high school courses, gamay niya. Mayr'on iba na gustong abusuhin ang kakayahan ni Rhian," emphasized ni Patricia. "Pinaibig ng tarantadong gagong Anthony na 'yan ang kaibigan ko. Kung magiging girlfriend niya si Rhian, libre na ang serbisyo! Nahuli ko siyang nambabae sa boy's locker room!"

"Kaya pwede ba, Yael?" ani ni Patricia. "Wag na ang kaibigan ko. Do you want to know why Rhian is so smart? Because she never repeat the same mistake twice. Hindi ka papansinin ni Rhian."

Tinignang mabuti ni Yael si Anthony. Hindi nalalayo ang katangian niya sa captain ng basketball team.

Sabi nga nila, the next thing to trying and winning, the best thing was trying and failing. Lumiwanag ang buong kalangitan! Dumayo ang Holy Spirit at binigyan si Yael ng kakaibang wisdom! May ipapatunayan siya. He may not be as smart as Jordan. Pero babasahin niya ang encyclopedia from A-Z makuha lang ang matamis na oo ni Rhian. Or maybe he wouldn't!

The laziest way to win over Rhian was to make her love again without boundaries.

"I won't be her mistake number two. Pangako," desididong pahayag ni Yael. 

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon