DAHIL secluded ang Green Knoll Academy sa tuktok ng bundok, may sariling transportation ang school pababa sa bayan ng Santa Barbara. Nasa probinsiya ng Camarines Norte ang bundok ng paaralan.
Apat lang ang jeepney na umaakyat-baba sa bundok. Jeepney style ang mga ito. Kadalasan, puno lagi ang sasakyan kasi mas marami ang bilang ng taong bumababa kumpara sa bilang ng sasakyan. Hindi proportioned.
The very next Saturday, sumakay sina Rhian at Yael sa sasakyan upang pumunta sa bayan. Doon sila mamimili sa mall malapit sa Santa Barbara. Siksikan sa loob ng jeep! Dahil nga weekend, nais ng mga estudyante na magliwalaliw palayo sa campus at boarding house.
Magkatabi silang dalawa sa loob. At nang umandar ang jeepney pababa, kadyot-kadyot ang andar nito. Napapajerk ang pasahero. Walang kapitan ang jeep sa kisame nito kaya nang magpreno si manong driver, napasandal si Rhian kay Yael at pinatong niya ang isang kamay sa hita ni Yael...ilang inches na lang malapit na sa you-know-what.
Rinig na rinig ni Rhian. Nahagit ni Yael ang hininga nito at biglang tumikhim nang makahuma.
Parang napaso na inalis agad ni Rhian ang kamay niya sa hita ni Yael. Malapot ang pawis ng dalaga kahit hindi pa naman katirikan ang araw. Nag-iwas siya ng tingin upang itago ang awkwardness at pamumula ng kaniyang pisngi.
Pagkababa nila sa bundok, bumaba ang lahat ng pasahero. Hanggang dito lang ang ride ng cable car. Kung saan-saan na ang sinakyan ng mga pasahero. Sumakay si Rhian at Yael ng jeepneey papunta sa mall ng bayan. Si Yael ang nagbayad ng pamasahe.
Kinakabahan si Rhian pagdating nila sa mall. Ngayon lang nag-sink in sa kaniya na medyo bad idea na si Yael ang sinama niya sa shopping. Oo nga at masarap isipin na makakasama niya ito. Pero weakness ni Rhian ang shopping. Hindi siya magaling mamili ng damit at sapatos. Mas convenient kasama si Patricia dahil may sense of fashion ito kumpara kay Rhian. With Yael around, mas maiilang si Rhian.
Kung kasama si Yael, na isang lalaki, baka pangit din ang mabili nila. It's safe to go with the stereotype na clueless ang mga lalaki pagdating sa shopping. Parehas silang hindi komportable sa mga sales lady mamaya.
Pagpasok nila sa mall, umakyat sila sa second floor—ang fashion level ng mall. Malapit na sila sa department store at papasok na sana si Rhian kaso pinigilan siya ni Yael.
Lumingon siya sa binata, "Bakit? Hindi ba tayo dito pupunta?"
Ngumiwi si Yael. "I'm sorry, Rhian. Pero hindi ka kasi pangdepartment store. You deserve to be in those boutiques," anito at ngumuso sa mamahaling boutiques sa level.
"Mahal diyan!" asik ni Rhian. "Pangdepartment store ang wallet ko."
Umiling si Yael. "I'm your fairy godfather. Like it or not, honey, ako ang pipili ng damit mo. Patricia told me you suck at fashion."
Ang traydor na Patricia na 'yon. Nilaglag niya si Rhian.
"Pero sa department store lang mura," tanggi ni Rhian.
"Hindi tinanong ni Cinderella sa ninang niya kung magkano ang bestida na suot niya. So be quiet." Hinawakan ni Yael ang kamay ni Rhian at saka sila pumunta sa biggest boutique ng fashion level.
H & M, sabi ng karatula.
"Now seat down and relax," ani ni Yael at pinaupo si Rhian sa couch. Lumapit si Yael sa sales lady at sinabihan ito kung paano dadamitan si Rhian.
Whoa! Parang nabaliktad ang dialogue! Ang babae pa ngayon ang umuupo sa shopping at ang lalaki ang busy!
Naging abala ang dalawang sales lady. Warm na warm ang ngiti nila kay Rhian.
"Make her look simple but grandeur," sabi ni Yael, "I'm thinking feminine and retro. Bagay sa kaniya ang mga vintage dress. Get me a swing dress. Sleeveless. Satin. Samahan niyo na rin high heels."
May inabot ang saleslady na isang damit.
Umiling nang marahan si Yael. Kinapa nito ang bust line ng dress habang sumulyap kay Rhian. "No. Masikip ang bust line sa kaniya."
Tumaas ang kilay ni Rhian at umakyat ang dugo sa mukha niya. Aba! Walang sukatan na naganap. Paano nalaman ni Yael ang sukat ng bust line niya? Tingin-tingin lang?
Maya-maya, pinasukat kay Rhian ang mga damit. Tinerno nila ang sapatos at bestida. Labas pasok siya sa dressing room dahil walang magustuhan si Yael. Buong puso na binigay ni Rhian ang reins ng decision making kay Yael. Hahayaan na niya. Mukhang mas alam nito ang ginagawa kaysa sa kaniya.
Gumaan ang loob ni Rhian. She would look pretty sa harap ng mga magulang niya. Ito ang unang beses na makikita niya ang mga magulang simula nang maghiwa-hiwalay ang pamilya. Malamang awkward. Ngunit mas awkward kung mag-isa na naman siya sa araw ng family day.
Sunod na inabot ng mga sales lady kay Rhian ang isang puting swing dress. Sleeveless at cotton fabric ito. Makapal ang palda at may frills. Red velvet doll shoes with ballerina straps. Matapos isuot ang mga ito, tinignan ni Rhian ang kabuuan niya sa salamin. Napangiti siya. Si Yael ang namili nito para sa kaniya. She twirled around to watch the skirt dance.
"This is it," bulong ni Rhian sa sarili niya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang makapal na kurtina ng dressing room. Naabutan niya si Yael na humihikab sa couch. Rhian giggled. Tinatamaan na ito ng boredom.
Lumipad ang mata ng binata sa bumukas na kurtina. His lips parted. His eyes widened. His breathing stopped. Standing up, he looked at her from head to toe. Rhian knew, suot na niya ang tamang bestida at sapatos.
Ngumiti si Rhian. Humakbang nang dahan-dahan si Yael palapit sa kaniya.
"I-I think... You-you look..." uutal-utal na sabi nito. Nawawalan ito ng salita. Buhol na buhol ang dila.
Bumungisngis ang mga saleslady sa reaksiyon ni Yael.
"Yes?" tanong ni Rhian.
Dinaan na lang ni Yael sa ngisi ang niyerbos nito. He took her by the hand at twirled her around.
"You look like a ballerina in a music box," compliment ni Yael.
"Bakit alam mo kung anong bagay sa akin?"
Umangat ang sulok ng labi ni Yael. "Because every night before I go to sleep, I always think about you in a vintage dress, smiling back at me."
Rhian looked down and smiled.
"Makikita na ng parents mo na lumaki kang maganda. Excited ka na ba?"
"You really think they will come and see me?" tanong ni Rhian.
"Yes," sagot ni Yael, "Yes, they will."
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Novela JuvenilAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...
