PALAGING umaga ang schedule ng session nina Yael at Rhian. Sa unang araw ng session nila, si Rhian ang pumili ng venue.
"Thank you dahil pumayag ka na sa kubo tayo mag-aral. Masisita tayo ng masungit na librarian kung sa library kita tuturuan," pahayag ni Rhian kay Yael. Yakap-yakap ni Rhian ang mga libro. Nag-offer si Yael na tutulungan niya itong magbuhat pero mariing tumanggi ang dalaga.
Magkatabi silang naglalakad sa campus. Sa kubo ng vegetable garden sila mag-aaral. Lulubusin nila hangga't hindi pa mainit ang sikat ng araw. May klase din kasi si Yael after lunch.
Thursdays at Fridays ang schedule ng mga sessions. Buti naman at pinayagan ni Coach Sevilla ang estudyante ni Rhian na hindi umattend ng soccer practice sa mga araw na 'yon.
"English Literature ang ituturo ko sa 'yo kaya masyadong maingay," dagdag pa nito.
"UGH," daing ni Yael. "Sana maging patient ka sa akin. Hindi ko area ang English Lit. It's so boring."
Napapahead bang si Yael kapag umiidlip siya tuwing discussion ng klase. Jusko! Kasalanan ba niya? Lola na ang teacher nila. Araw-araw sa klase nila parang Mga Kwento ni Lola Bashang. Tuloy, tanyag na hustler si Yael pagdating sa sleeping positions. Paminsan, uupo siya sa dulo ng klasrum at magsusuot ng salamin na may eyes stickers—sa gano'n hindi makikita ni teacher na kanina pa tumutulo ang laway niya kakatulog.
Hindi book-smart si Yael. Magmumukha siyang tanga kung magpapanggap siyang matalino sa harap ni Rhian. Pero nag-research siya tungkol sa mga sapiosexual. Exageration lang ba ang nabasa niya sa Google? Kailangan kapag sa text or chat niya kinausap si Rhian, dapat tama ang punctuation marks at tama ang grammar ng message niya. Pure erotica raw sa mga sapiosexual ang gano'n.
Orgasmic daw ang deep intellectual conversations kay Rhian. Gaano kadeep? Papasa na ba ang topic tungkol sa nunal ni Yael sa talampakan? Seductive para kay Rhian ang mga lalaking gumagamit ng deep words like: discombobulated. Hala! Anong ibig sabihin ng discombobulated? Para itong synonym ng explosion. "The ISIS discombobulated Syria. Five thousand people died." Tapos ang ibig sabihin lang pala nito ay confusion or pagkalito! What a word!
Grabe! Lady boner daw sa mga sapiosexual ang correct grammar at poetic sentences. May tendency si Yael na maging jejemon sa text or chat kapag wala siyang paki-alam. Ngayon, sobrang mindful na si Yael pagdating sa text at chat. Nagtataka si Charles kung bakit matagal na siyang magreply sa messages nito. Kumpleto na ang mga vowels at consonants sa mga word spelling ni Yael.
Sigh! Ang loser pakinggan na sa emotional intelligence lang pwedeng bumawi si Yael. Ganito pala ang feeling ng mga pangit kapag may crush silang maganda! Kung zombie talaga si Rhian, hindi ito mabubusog sa utak ni Yael. Bite size lang ang makukuha ni Rhian.
"Pasensiya ka na," nanlulumong sabi ni Yael. "Mahihirapan ka sa akin."
"Tutulungan kitang magfocus. Nagdesign ako ng lesson plan sa English Literature," masayang sabi nito.
"YAEL!!" nagulat sila sa matinis na boses ni Jane Jaime.
Giggly si Jane. Naka pigtails ang buhok nito at tadtad ng make-up. Tumakbo si Jane papunta sa kanila. She was bouncing with so much glee. Bilog na bilog ang mga mata nito at palaging kumikinang sa tuwing nakikita ang object of desire nito.
Humigpit ang yakap ni Rhian sa mga librong dala.
Ipinulupot ni Jane ang mga braso nito sa leeg ni Yael. Inatake pa nito ng halik ang pisngi ng binata.
"Jane? Jane? Stop it. Nasa campus grounds tayo," pagpipigil ni Yael sa atat na bata. Polite na tinatanggal niya ang galamay ni Jane sa buong katawan niya.
"But you like my kisses!" sabi ni Jane.
Tinapunan ni Yael ng helpless na tingin si Rhian. Pero sinagot siya nito ng isang madilim na tingin.
"And who could you be?" tanong ni Jane nang makita si Rhian.
"Tutor ako ng idol mo. Kailangan naming magreview or else, wala kang papalakpakan sa Regionals ng soccer," all smiles na sabi ni Rhian.
"Tutor?" Lumingon si Jane kay Yael. "Bakit hindi ka lumapit sa akin? Kaya kitang itutor."
"Oh, really?" balik ni Rhian. "Anong ituturo mo sa kaniya? Paano magcalculate ng F.L.A.M.E.S. sa papel?"
Umasim ang mukha ni Jane.
"Jane, busy kami ni Rhian. Aalis na kami."
Nilampasan nila si Jane at tinungo na ang gubat. Laking pasalamat nila dahil hindi na ito sumunod pa. Aware si Yael sa attensiyon na binibigay ng mga soccers fans—lalo na si Jane. Hindi siya kayang galawin ni Jax dahil masasaktan si Jane kapag may nangyaring masama sa kaniya. Noong isang araw lang ginamit ni Yael ang immunity niya sa evil ways ni Jax para ipagtanggol ang dream girl niya.
"Pasensiya ka na kay Jane," simula ni Yael, "clingy talaga siya."
Lumalim ang kunot sa noo ni Rhian. Kapuna-puna na namumuti na ang mga daliri nito sa higpit ng yakap nito sa libro. "No wonder gusto mo si Jane. You're into clingy and supportive girls."
May nahimigan siyang kakaibigang emosyon sa boses ni Rhian. Hmmmph... Malabo. Out of character kung magseselos si Rhian. Ming hindi pa nga nagsisimula si Yael sa mga plano niya para suyuin ang kasama niyang sapiosexual. Wishfull thinking lang ni Yael ang selos at lungkot na nahimigan niya.
"Hilig mo 'yung cheerleader type," dagdag ni Rhian. "Gusto mo 'yung tatambay lagi sa soccer field para punasan ang pawis mo. Tapos bibigyan ka ng tubig tuwing break time. O kaya 'yung sisigaw sa pangalan mo tuwing practice."
"Akala ko rin, e. Akala ko, gan'on ang gusto ko," sagot ni Yael.
May dumaang eroplano sa kalangitan. Mababa ang lipad nito at maingay ang ngitngit ng makina.
"Kaya nagtataka ako kung bakit hindi ka cheerleader," dagdag ni Yael, tinatago ang damdamin niya sa ingay ng eroplano.
"Huh?" ani Rhian.
Iling at ngiti ang tanging sinagot ng binata sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Ficção AdolescenteAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...
