PAPASOK sa isang gubat ang daan papunta sa vegetable garden ng campus. Dahil nga bundok, pulos puno ang gubat. Binabalot ng green moss ang trunks ng puno at pati na rin ang mga bato. Malawak ang gubat. Pero sa mga katulad ni Yael na hindi pa napupunta sa vegetable garden, hindi naman mahirap puntahan ang lugar dahil kailangang lang niyang sundan ang wooden trail sa loob ng gubat.
Maingay ang awit ng kuliglig. Dagdag pa ang usapan ng mga ibon. Tinago ni Yael ang mga kamay niya sa suot na varsity jacket dahil malamig ang umaga. Tumutunog sa wooden trail ang black shoes niya.
Palaging after lunch ang start ng mga klase niya sa weekend. Tuwing umaga kasi ang training nila sa soccer field. Sana matagalan ang meeting niya ngayon kay Rhian. Yael smirked. Kung hindi man siya maka-attend ng practice, sasabihin na lang niya kay Coach Sevilla na busy siya sa pag-aaral.
Hinatid siya ng wooden trail sa mga pader na ginagapangan ng vines. Humantong siya sa isang open archway—entrance ng vegetable garden. Humakbang si Yael papasok.
Nasamyo niya ang amoy ng basang lupa. Umihip ang hangin at naamoy niya ang bulaklak ng calamansi. Pinuno ni Yael ng sariwang hangin ang baga niya.
Gumagapang ang langgam sa patay na bubuyog sa damuhan. Nagpatuloy siya sa loob at iginiya niya ang mata sa loob ng hardin. Hile-hilera ang tanim ng mga gulay. Organized ang arrangement nila. Sa gitna ng hardin, nakatayo ang kubo ng gawa sa kawayan. Nakalapag nang maayos sa loob ng kubo ang silk stockings, ballet shoes at backpack.
Naanigan ni Yael ang tunog ng lagaslas ng tubig. He sighed dreamily nang makita si Rhian. Suot ulit nito ang uniform. Nakayapak ito sa damuhan habang hawak ang hose at dinidiligan ang lupa ng halaman. Nagdiwang ang tainga ni Yael dahil kumakanta ang dalaga.
"Hold me close and hold me fast. This magic spell you cast, this is la vie en rose. When you kiss me heaven sighs and though I close my eyes, I see la vie en rose..." Hawak ni Rhian ang hose at nakatalikod ito sa direksiyon ni Yael.
Mukhang hindi napuna ng dalaga ang presensiya niya. And he intended to keep it that way. Kusang umangat ang corners ng labi niya at nakinig. Humakbang si Yael nang dahan-dahan palapit.
"When you press me to your heart, I'm in a world apart. A world where roses bloom. And when you speak, angels sing from above. Everyday words seem to turn into love song." Maliit ang paa ni Rhian. Dahil sa barefeet nito, akala ni Yael may nakikita siyang fairy.
"Give your heart and soul to me, and life will always be..." Huminto si Rhian sa pagkanta. Bigla kasing humina ang tubig mula sa hose.
Oh, shoot! Naapakan pala ni Yael ang hose ng tubig.
Sinundan ni Rhian ng tingin ang trail ng hose at nakita nito ang culprit—ang umapak sa kaniyang hose.
Bumilog ang mata ni Rhian at bumakas ang kahihiyan sa mukha nito. "Kanina ka pa ba nariyan?" kagat-labing tanong nito.
"And life will always be what?" tanong ni Yael.
"Anong sabi mo?"
"Give your heart and soul to me, and life will always be what?"
Rhian rolled her eyes and smiled widely. "Well, it's a war song. Hindi mo siguro alam ang kantang 'yon. Luma na kasi." Binaba nito ang hose at pinatay ang gripo. "So you're here. Tamang-tama kasi patapos na akong magdilig ng halaman. Halika. Tuloy tayo sa kubo."
Umupo silang dalawa sa kubo. Pinunasan ni Rhian gamit ng basahan ang barefeet nito.
"Curious ako. Bakit ikaw ang nagdidilig ng halaman? At sa basket na dala mo kahapon, mukhang nagharvest ka sa garden," simula ni Yael.
"Close ako sa mga hardinero at kusinero sa cafeteria. Paminsan, nakakainis ang hardinerong nakatoka dito sa garden. Ang tamad kasi. Anyhow, binabayaran ako ng kusinero kapag hinaharvest ko ang gulay at saka idedeliver sa kanila. You know, extra cash."
Ngumiti na naman si Yael. The monster inside him waking up because of her.
"So here's how it's going to happen," business mode si Rhian, "Php 999 kada exams. Php 200 kada seat works and short quizzes. Php 350 kada long quizzes. Php 499 kada pop quizzes. Pwede mong i-avail ang services na iyan sa akin BASTA classmate mo ako sa isang given subject. Swerte ka dahil parehas tayong 9th graders."
"Bakit ang mahal?" hindi mapigilang na tanong ni Yael.
Tumaas ang kilay ni Rhian. "Dangerous drugs ARE NOT expensive if they are LEGAL. Isa pa, pasok ako sa honor roll at may minamaintain na scholarship. Delikado sa negosyo ang sitwasyon ko. Understand? Nagtetake ako ng risk para ipasa ang mga kliyente ko."
"Okay."
"Can I proceed now? Good. Dahil niligtas mo ako kahapon, bibigyan kita ng discount sa assignments at projects. Php 100 kada pages na lang ang assignment. Prices varies depending on the difficulty of the project. Anyhow, kung group project 'yan, sasaluhin ko ang parts mo sa grupo." May inabot si Rhian na maliit na flyer kay Yael. "Iyan ang listahan ng services ko. Memorize it then burn it."
Minemorize niya presyo tulad ng utos ni Rhian. "May lighter ka ba?"
"Mukha ba akong naninigarilyo? Mamaya mo na sunugin."
"Paano 'yan? Hindi kita kaklase sa kahit anong subject ko."
"Hindi 'yan malaking problema. Kasisimula pa lang ng term ng school year. Edi magpalipat ka sa Registrar's Office. Ibibigay ko sa 'yo ang schedule ko."
"Sana nakilala kita nang maaga," double meaning na sabi ni Yael.
Rhian snorted. Halatang hindi nito napuna ang flirting attempt ni Yael. "Ngayon mo lang narinig ang tungkol sa negosyo ko. Hindi madaldal ang mga kliyente ko pagdating sa transaction namin. They're fucked without me." Umangat ang tingin ni Rhian sa kaniya. "You're fucked without me. I expect na hindi ka gagawa ng dahilan para ma-expell o makulong ako sa dungeon."
Totoong may dungeon sa Green Knoll Academy. Matatagpuan ang dungeon ng paaralan sa basement ng main building. Hile-hilera ang prison cells at doon ang venue ng detention. Kulob ang hangin sa loob, talamak ang dust mites. Libong angkan ng mga DAGA ang residents sa loob. Ang offense tulad ng cheating... Alam ni Rhian na kapag nahuli siya, makukulong muna siya sa dungeon bago siya maexpelled at mawalan ng scholarship!
"You better be careful. Kaya kong tiisin ang expulsion pero hindi ang dungeon!" madamdaming tugon ni Rhian. "Ang dilim do'n. Sobrang alikabok raw. At lungga ng mga naglalakihang DAGA! I can be their meal!"
Yael chuckled. "Tikom ang bibig ko. Wag ka mag-alala."
May kinuha si Rhian sa loob ng backpack nito. Hawak-hawak nito ang isang papel.
"Bago tayo magsimula sa transaction, kailangan mo munang magsagot ng standardized IQ test," ani ni Rhian.
"Bakit naman?"
"Ibabase ko ang grades mo sa result ng IQ Test mo. So kung makakakuha ka ng poor rating, gagawin kong average ang scores mo sa lahat ng activities."
"Well, now that's very smart," compliment ni Yael.
"Hindi magiging kahina-hinala ang negosyo ko kung base sa intelligence ng kliyente ang scores na makukuha nila." Inabot ni Rhian ang IQ test kay Yael.
Nilabas ni Yael ang kaniyang ball pen at nagsimulang magsagot.
Tumayo na si Rhian. "One more thing. Can I borrow your phone? Maghaharvest ako at tatapusin ang pagdidilig ng halaman habang inaantay ka." Iniisip nitong titingin si Yael sa cellphone kapag hindi nakatingin si Rhian.
"Mukha ba akong cheater?" tanong ni Yael.
"Boy, you are a cheater."
Ngumisi si Yael. Tinapatan niya ang titig ni Rhian habang kinukuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at habang inaabot ito sa palad ng dalaga.
Kumindat si Rhian. "I will time you. Magsagot ka na." Lumabas na ito ng kubo. Walang saplot ang mga paa nito.
Sinusubukan ni Yael na magconcentrate sa exam na magpapasya sa kapalaran niya. Ang hirap nga lang kasi maganda at tuso ang hardinera.
Ang pagtawag ng kuliglig, ang awit ng mga ibon—dumadagdag sa ingay ang tibok ng puso ni Yael.
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Teen FictionAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...
