Chapter Two

21 10 0
                                        

"BAKIT hindi ko kilala ang Rhian Strauss na 'yon?" tanong ni Yael out loud habang naglalakad mag-isa pabalik sa boarding house.

Papalubog na ang araw at konti na lang ang mga estudyante sa campus. Tahimik ang entrace ng mga buildings. Hudyat na tapos na ang lahat ng klase sa buong lebel. Payapa. Hindi tulad ng sitwasyon tuwing umaga. Sumisigaw at nagtatakbuhan ang mga estudyante.

Usap-usapan na may multong nagpaparamdam sa hallways ng mga building. Kusa kasing tumutunog ang fire alarm kahit wala naman pumipindot. Kahit wala namang emergency, umaalingaw-ngaw ang fire alarm sa lahat ng hallway.

Kung nakilala lang ni Yael nang mas maaga si Rhian, baka hindi sitahin ni Coach Sevilla ang grade point average niya last year.

Negosyo raw ni Rhian ang tumulong sa mga katulad ni Yael. Parang napaka overrated ng kwento ni Patricia kanina. Bakit niya babayaran si Rhian? Pwede naman niyang i-bully si Rhian para gawin ang mga assignments. O kaya naman, gagamitin ni Yael ang deadly pheromones niya sa mga babae para mapasunod si Rhian. So why pay?

Umihip ang preskong wave ng Amihan. Dahil nasa tuktok ng bundok ang campus ng Green Knoll Academy, mahangin at malamig. Kakashower lang ni Yael kanina sa locker room. Basa pa ang kaniyang buhok. Buti na lang, suot niya ang varsity jacket ng soccer team.

Iniisp ni Yael kung anong itsura ni Rhian. Siguro makapal ang salamin nito at may split ends ang buhok. Dagdag pa na buhaghag at kulot. To make it extra sad, may braces siguro ito. But no! That didn't make any sense. Kasi kung nerdy and itsura nito, magiging biktima ito ng bullying at tiyak na hindi magbabayad ang varsity players kay Rhian. Maybe she's a sharp looking person—a businesswoman!

Naanigan ni Yael ang mga estudyanteng may orange ID laces. Base sa kulay ng laces, mga 7th graders sila. Nakatayo sila sa ilalim ng coconut tree.

"Ate Rhian!" pagtawag nila sa dalagang dumaan sa tapat nila.

Nakabitin sa braso ng dalaga ang isang wicker basket na naglalaman ng mga gulay. Suot nito ang uniform ng paaralan: white shirt with short sleeves, black mini skirt, black necktie, silk stockings and black ballet shoes. Dagdag pa sa observation ni Yael ang green ID Lace nito. Tulad niya, 9th grader din ang dalaga.

Grade 9 din si Rhian tulad ni Patricia. Maari kayang ito si Rhian? The Rhian?

Huminto sa paglalakad si Rhian at ngumiti sa mga 7th graders na pulos babae. Nag-usap ang mga ito. Tinuro ng mga bata ang saranggola sa tuktok ng coconut tree. Tumango si Rhian at binaba ang basket. Hinubad pa nito ang suot na shoes.

Biglang nacurious si Yael. Tama ba ang suspetsa niya? Aakyat si Rhian sa puno para kunin ang saranggola?

Namangha si Yael. Humakbang siya palapit sa komosyon at tumingala.

Kumapit at umapak si Rhian paakyat sa puno. Umihip ang malakas na hangin. Nagsway ang buhok ni Rhian.

Blue. Blue ang lucky color ni Yael ngayon. Pinakita sa kaniya ng hangin ang boyshorts ni Rhian.

Susmaryosep! Buti na lang at walang lalaki sa grupo ng 7th graders.

May talent ang dalaga sa mountain climbing. In fact, mukha itong manggagarit ng tuba by profession. Aba! Talaga nga naman! Naakyat nito ang tuktok in a matter of fourteen seconds. Tinanggal ni Rhian ang sumabit na saranggola sa mga coconut. Saka nito hinayaang mahulog sa mga 7th graders ang saranggola.

Sumigaw sa tuwa ang mga 7th grader na katabi ni Yael. Humangin na naman ng malakas. Bigla tuloy uminit ang dugo sa mukha ni Yael. Favorite color na niya ang blue magmula ngayon.

"Ah!" sumigaw si Rhian. Nagulat silang lahat. Dumulas ang mga paa ni Rhian sa trunk ng coconut tree. Nakahawak ito sa dalawang coconuts. Ginagalaw nito ang mga paa para abutin ang trunk ng puno. Lumingon si Rhian sa baba at bigla itong pumikit, parang nalula. "Tumawag kayo ng tulong!" sigaw niya.

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon