TADTAD na nang alikabok at putik ang bagong sapatos ni Rhian. Gumawa siya ng mental note na kailanman sa buhay niya, hindi na siya magsusuot ng puting bestida. Ang bilis nitong marumihan. Ang kaninang puti, ngayon ay brown na.
Lakad lang siya ng lakad. Wala naman talaga siyang destinasyon. Basta ayaw niyang umupo at tumigil. Ang resulta: isa na siyang turumpo na umiikot sa loob ng campus.
Hapon na at ilang sandali na lang lulubog na ang araw. Ayaw niyang tumigil sa paglalakad. Dahil sa oras na ginawa niya 'yon, magsi-sink in kung ano ang ginawa niya sa auditorium kanina.
Successful siya sa gusto niyang mangyari. Tapos na ang family day. Dapat hanggang hapon ang program ng Principal. Pero dahil kay Rhian, umuwi ang ibang magulang after lunch. Ang iba naman, gumala na lang sa mall.
Ano ba 'tong ginawa ni Rhian? Dinala siya ng alon sa backstage at binasa ng soft drink ang panelboard. Bakit niya ginawa 'yon? Rumerehistro ang guilt sa puso niya. Matalino siya. Alam niyang mali ang ginawa niya. Sinira niya ang family day para sa mga batang gusto pang makapiling ang magulang nila.
Shock. Iyon ang tamang salita sa nararamdaman niya ngayon. Ang dami niyang binali na school rules. Buti na lang wala pa siyang eighteen. Kapag nagkataon, makakasuhan siya sa korte.
"Ah!" exclamation ni Rhian. Inihilamos niya ang mukha sa mga palad niya. Paano kung mahuli siya ng school? Maingat siya kanina. Bukod sa walang CCTV sa area ng backstage, binura niya ang finger print sa bote ng soft drink. Sa nangyari, umakto siyang vigilante!
"Wala sa hinagap ko na kaya mong gawin ang ginawa mo kanina."
Huminto ang yabag ni Rhian at nag-angat ng tingin sa nagsalita.
"It was you, right?"
Ngumiti si Rhian. Humupa ang shock at frustration sa damdamin niya at napalitan ito ng pride matapos marinig ang admiration sa boses ni Yael. Funny how he could do that so quickly. This. This was why people need love. Si Yael ang easy fix sa lahat ng problema ni Rhian.
Tumango nang dahan-dahan si Rhian.
Bumuga ng hangin si Yael at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Lumawak ang ngiti nito. "Thank you for saving me. Okay ka lang ba? Pumutok raw ang panelboard ng auditorium."
"Now, I'm okay," matipid ngunit malaman na sagot niya.
"You can do a lot of things, Rhian. How to be you?"
Both of them chuckled slowly and so weakly.
Tinawid ni Yael ang distansiya nilang dalawa at ikinulong siya sa isang mahigpit na yakap. Pinikit ni Rhian ang mga mata at hinilig ang pisngi sa tibok ng puso nito. Ito lang pala ang kailangan niya, kung saan-saan pa siya naglakad para humanap ng peace of mind.
"Take me somewhere nice. Please," pakiusap ni Yael at humigpit ang yakap nito—halos madurog na si Rhian. She could hear him sniffing the scent of her hair.
Papalubog na ang araw. Swerte si Yael dahil may alam si Rhian na tambayan. Sipsip kasi siya mga hardinero at kusinera.
Kumawala siya sa yakap ni Yael at binuhol ang palad nila pareho. Nagtama ang mga paningin nila.
"Sumunod ka sa akin," sabi niya. Hinatak niya si Yael at lumakad papunta sa kanilang destinasyon.
Mahinahon ang pacing nila—hindi nagmamadali.
"Takot ka ba sa dilim, Yael?"
"I used to be. But I understand now. Mas nakakatakot ang mga halimaw na naglalakad sa daylight."
Tumawa si Rhian. "Walang halimaw sa pupuntahan natin."
Dinala ni Rhian si Yael sa loob ng gubat. Sinundan nila ang wooden trail. Dahil hapon na, bumababa ang temperatura at humahampas ang malamig na hangin. Naglalabasan na ang mga paniki sa tuktok ng mga puno. Sumasabay ang ingay nila sa kuliglig at ibon. Dagdag sa ingay ang yabag nilang dalawa sa kahoy.
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
Teen FictionAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...
