Chapter Twenty-Two

10 5 0
                                        

"SHOO! SHOO!" pagbugaw ni Rhian sa isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim at pitong daga na nag-aabang sa paanan niya. Nakataas ang paa niya sa cemented couch—inilalayo sa mga gutom na daga. Hindi siya matatakot kung kasing laki nila ang hintuturo niya. Ang taba nila! Ang itim! Ang dumi! Ang haba ng buntot! Ang ingay!

Kinulong si Rhian sa isang selda sa dungeon. Takot na takot siya dahil kamukha ng selda ang lugar kung saan tinorture ang 7th grader sa video. Siya naman ang tutok sa anggulo ng CCTV ngayon. Minumulto siya ng mga hinagpis ng mga naunang biktima ni Ms. Ong.

Nanginginig si Rhian sa takot. Sumailalim sa chaos ang utak niya. Titiisin niya ang mga daga. Kakayanin niya ang paggalaw ng whiskers nila, ang mga tingin nila sa kaniya, ang pabuka-buka ng maliit nilang bibig, ang pink nilang paa at tainga. Pero hindi ang tuyong mantsa ng dugo sa sahig. Umaagos ang luha ni Rhian.

Totoo nga ang reputasyon ng dungeon. Nasa basement ito ng main building. Anim ang nabilang niyang selda kanina bago siya ikulong sa isang selda. Madilim. Tanging ang liwanag mula sa maliit na bintana ang mayro'n kada selda. Nalalanghap na niya ang mga alikabok. Natitikman niya ito. Kasuka-suka!

Sa inuuupan niyang cemented couch, dito inatake ni Ms. Ong ang 7th grader na estudyante! At siya na ang susunod! Papatayin siya ni Ms. Ong gamit ang specialized nitong patpat na may pako.

Ang mga kaibigan niya... Si Yael... Mawawala si Rhian sa mundong ito nang hindi man lang sinasabing pinagsisisihan niya ang paghamon niya ng break-up. Kung hindi niya nakilala si Yael, matatanggap pa niya ang prospect na kikitilin ni Ms. Ong ang buhay niya. Agad siyang susuko at bibitiwan ang buhay niya.

Ngayon lang naging klaro ang lahat sa kaniya. Ibang-iba ang survival sa living. Ilang taon siyang kumayod para buhayin ang sarili niya. Araw-araw, ginagawa niya ang lahat ng makakaya para magsurvive.

Sinakop ni Yael sa loob ng isang buwan ang mundo niya. Ang dating black & white screen, ngayon ay makulay na. Sa tuwing gigising siya sa umaga, awtomatiko ang ngiti na sisilay sa labi niya. Pumapaloob siya sa illusion na maganda ang mundo kahit natikman na niya ang kasamaan nito.

Iyon pala ang malaking diperensiya ng survival sa living. Maganda sa paningin ang mundo kahit totoong pangit at malupit 'to. Tumitibay ang loob niya dahil sa bagong maaliwalas na perspektibo sa buhay. Binigyan siya ni Yael ng dahilan para matakot sa buhay niya. Kumpara noon, may halaga na ang buhay niya dahil masarap mabuhay!

Susunod na siya. Darating na si Ms. Ong anumang oras ngayon.

Bam! Bam! Crash!

Alisto ang lahat ng sense organ ni Rhian. Dahil sa sitwasyon niya, high alert ang buong katawan niya. Halos hindi na niya napupuna ang pagtayo ng balahibo niya, animo'y chicken skinned na siya.

Bam! Bam! Crash!

Galing ang ingay sa taas—sa tanggapan ng kulungan. Animo'y signal ang kaniyang tainga, nasagap niya ang boses ng hiyawan at basagan ng gamit. Parang may nagsasakitan sa itaas.

"Ah!"

Bam! Silence.

Tumingin si Rhian sa hagdanan. Namatay bigla ang komosyon sa itaas. Bad news ang indikasyon ng ingay sa itaas. Ito na ba si Ms. Ong? Pinapractice ba ng guro ang moves nito para saktan si Rhian? Ano? Ano? Ano? Masisiraan na siya ng bait!

Sumulpot ang silweta sa hadgan. Nagdadangle ang mga susi habang bumababa ito ng hagdan.

Nariyan na si Ms. Ong!

Huminga nang malalim si Rhian at kinontrol ang sariling emosyon. Lumingap-lingap siya sa paligid niya, naghahanap ng maaring maging weapon. At least, kung mavivideohan ang mangyayaring torture, ipapakita ni Rhian na matapang siya hanggang dulo ng kaniyang hininga. Papalag siya! Kung kikitilin siya ni Ms. Ong, pahihirapan niya ito!!

It's not much, pero hinubad niya ang kaniyang tsinelas. Pwedeng gawing weapon kahit ano. Maari niyang gamitin ang tsinelas bilang distraction kay Ms. Ong. Hahablutin ni Rhian ang sandata ng guro.

Tumayo si Rhian sa cemented couch at pinakalma ang kaniyang breathing. Pumorma na siya ng paglaban. Malapit na si Ms. Ong sa sahig ng basement.

Binuksan ng guro ang dala nitong ilaw—nagreflect ang ilaw sa pader ng basement.

"Rhian?!"

And God said let there be light.

Milagro. Iyon ang nangyari sa eksaktong sandali na 'to sa buhay ni Rhian. Hindi siya pinabayaan ng Diyos! Binato niya ang tsinelas sa mga daga sa sahig. Umalis ang mga ito sa aapakan ni Rhian.

Tumalon si Rhian pababa ng couch at humakbang papunta sa barred door. Both hands, hinawakan niya ang prison bars at sinandal ang ulo sa butas ng mga bar. Umagos muli ang luha niya. Totoong kaligayahan ang pinaghuhugutan ng luhang umagos sa mga mata niya.

"Yael!" bigkas niya sa pangalan nito. Gusto niya ang sensasyon kung paano rumolyo ang pangalan ni Yael sa bibig niya.

Dala-dala ang battery lamp, humakbang si Yael sa barred door. Hinaplos nito ang kamay ni Rhian na nakakapit sa prison bar. Mahinang nag-untugan ang kanilang noo sa matinding pananabik. Sa simpleng gesture nila, hugas na ang lahat ng takot ni Rhian.

"Sinaktan ka ba nila? I'm sorry nahuli ako!" ani ni Yael. Binaba nito ang battery lamp at sinuot ang susi sa lock ng selda. Matapos mahanap ang tamang susi, inikot ni Yael ang susi at iniuwang ang pinto.

Tumakbo si Rhian sa bisig nito at hinayaan ang sariling kumalma sa init ng katawan ni Yael.

"Patawarin mo 'ko, Yael! I'm so sorry for hurting you!"

"Shhh... Don't cry, Rhian. Please."

"Handa na ako. Isusugal ko ang katahimikan sa buhay ko para alagaan ka."

Umangat ang sulok ng labi ng binata.

"Kasi tama ka. Palusot ko lang na mahilig ako sa matalino para protektahan ang sarili ko. But with you, why do I even have to be afraid? Darkness ends because you are the light—my kind of sunshine. And I love you."

"I was waiting for you to say that," he said, half-smiling, "Okay lang kung natatakot ka. Natatakot din ako. Pero napapawi ang takot ko kapag napapangiti ka. Kaya wag ka na umiyak. Please?"

Sa kabila ng pamumugto ng mata ni Rhian, hindi ligtas sa obserbasyon niya ang putok na labi ni Yael. Tumutulo ang dugo mula sa sugat ni Yael sa panga. Kinapa nito ang putok nitong labi. Kahit ang knuckles nito, namumula at may maliit na sugat.

Bumakas ang komprehensyon sa mukha ni Rhian. "Nakipag-away ka sa dalawang guards," konklusyon niya.

Ngumiti nang pagak si Yael, "Wala akong oras para sa diplomasya. Gusto kitang makita."

Ngumiti si Rhian.

Hawak-kamay silang umakyat sa hagdan at iniwan ang bangungot. 

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon