Chapter Thirteen

382 39 2
                                        

"AKO naman! Ikaw na lang lagi ang nag-aabot ng tubig at towel kay Yael!" sabi ng isang babae sa bleachers ng soccer field. Inaagaw pa nito kay Jane Jaime ang tuwalya at bote ng tubig.

"Pero sa akin sanay si Yael!" kastigo ni Jane, "Ako pati ang number one fan niya. You know why? Rookie pa lang si Yael, sinusuportahan ko na siya." Pilit inilalayo ni Jane ang bote ng tubig at tuwalya.

Bumuga ng hangin si Rhian. Ilang pulgada lang ang layo niya mula sa mga cheerleading squad ni Yael De Jesus. Prente siyang nakaupo sa bleachers at tinatanaw sa soccer field ang soccer practice ng varsity players.

Inagaw ni Yael ang bola mula sa kalaban, tinaasan nito ang depensa habang sinisipa ang bola papunta sa goal. Nakita ni Yael na open ang kakampi nito at dahil bantay sarado, pinasa ni Yael sa kakampi ang bola. His ally kicked the ball...GOAL! Nagpito si Coach Sevilla at binigyan ng puntos ang team ni Yael.

Tumatagaktak ang pawis ng binata. Namumula ang mukha nito sa matinding pagod. Lumingon si Yael sa bleachers at pinasadahan ng tingin ang mga audience hanggang sa magtama ang paningin nila ni Rhian.

Nahagit ni Rhian ang kaniyang hininga matapos ngumiti ang binata sa kaniya. Matapos ay binalik na nito ang attention sa Coach na nagsasalita sa harap ng team

"Ngumiti siya sa akin!" sigaw ni Jane Jaime, "Oh, my God! Ngumiti sa akin si Yael!"

Bumagsak ang balikat ni Rhian at pinanlisikan ng mata si Jane. Narito siya ngayon sa bleachers para kolektahin ang bayad ni Yael. Pramis. Iyon lang talaga ang sadya ni Rhian. Wala nang iba. Wala siyang intention na panoorin ang practice ni Yael. Wala talaga. Reliable narrator ako.

Pumito na si Coach Sevilla. Tuloy na ang game. Awtomatikong itinuon ni Rhian Strauss ang attention kay Gold Foot. There he was! Kicking and instructing his team mates what to do. Rhian sighed dreamily.

Pinasa kay Yael ang bola! Ngunit tatlo ang bantay sa binata. Inipit ni Yael ang bola sa mga paa sabay talon upang iwasan ang mga paa ng bantay. Then, he was on the move again! He ran and ran until he kicked...GOAL!

"GOLD FOOT!" sigaw ng mga babae sa tabi niya, "Ang galing mo talaga!"

Rhian snorted. Baliw na baliw si Jane! Sino ba siya? Kung makapunas ng pawis at magbigay ng tubig kay Yael, hindi na nahiya! Aba! Kung iniisip mo na nagseselos si Rhian, nagkakamali ka. Pramis. Hindi siya nagseselos. Not one bit. Wala talaga. Maniwala ka. Reliable narrator ako.

Lumingon si Rhian sa kanan at nakita niya si Jordan, naglalakad. Mukhang kakatapos lang ng P.E. nito. Babad ang mata nito sa librong binabasa, Quantum Enigma, sabi ng bookcover. Ibinuka ni Rhian ang bibig, kukunin sana ang attention ni Jordan. Pero minabuti na lang niyang itikum ang bibig. Hahaba ang usapan nila ni Jordan. Hindi niya mapapanood ang practice game ni Yael. Hinayaan niya si Jordan na dumaan sa harap niya.

Sandaling tumigil si Rhian at tinignan ang likod ni Jordan. Hindi siya papansinin ng nerdy crush niya kung hindi niya ito tatawagin. Gano'n naman palagi.

Tinuon ni Rhian ang tingin sa nangingibaw na player sa soccer field. Nakikita na niya noon ang hindi pa malinaw sa kaniya. Yael was more interesting than Jordan's witty books.

"Ayan na! Ayan na!" remark ni Jane, "Malapit na ang water break." Hinahanda na nito ang bote ng tubig at tuwalya.

Rhian folded her arms. Yumuko siya sa bleachers. Sa ibaba ng bleachers, tumatalon sa damuhan ang apat na bullfrog. Eww! Para silang Feng Shui Frog na may kagat na barya. Kadiri. Tiyak na titili sina Jane kapag...

That's it! May bright idea si Rhian. Dala-dala ang kaniyang tote bag, tumayo siya at kinuha ang patpat sa damuhan. Bumaba siya sa bleachers at binulabog ang mga palaka. As expected, nagtatalon ang mga ito papunta sa tumpok ng cheerleaders.

Binato ni Rhian ang stick at saka siya tumikhim. Sumigaw siya, "Palaka! Palaka! May palaka sa paanan niyo!"

"AAAHHHH!!!!!"

"Palaka!"

"Oh, my God!" exclaim ni Jane at nagpapadyak.

"AAAH!!!"

!!!!!!

Nagulantang ang buong soccer field! Kunut-noong tumingin ang varsity players sa bleachers. Tungkol saan ba ang sinisigaw ng mga babaeng ito? Nag-akyatan ang mga babae sa tuktok ng bleachers at nagtatalon.

Pumito si Coach Sevilla, "Water break! Twenty minutes!"

Cue na ito ni Rhian Strauss. Bitbit ang kaniyang tote bag, tumakbo si Rhian sa soccer field papunta kay Yael. Agad niyang kinuha sa tote bag ang malamig na bote ng tubig (fresh from the cafeteria) at isang clean face towel. With smile and all, inabot ni Rhian ang tubig at face towel kay Yael De Jesus.

"Hello!" bati ni Rhian, "Mukhang pagod ka."

Umangat ang sulok ng labi ni Yael matapos makita ang mga inaabot ni Rhian. Kinuha nito ang face towel at pinunasan ang mukha pati buhok.

"Thank you for these, Rhian," sabi nito, "Bakit sumisigaw ang mga babaeng katabi mo sa bleachers?"

Kunyari nalilito siya. "Hindi ko rin alam, e. It's probably because nasipa mo ang bola sa goal. They're mad about you." All the things we do for love...

Tinitigan siya ni Yael, hindi mabura ang ngiti sa mukha nito. "So..." kumislap ang mga mata nito, "Pumunta ka ba para panoorin ako?"

Rhian hesitated, "I figured baka mauhaw ka. Alam mo na... Isa pa, di ba usapan natin ang payment ngayon? You see, next month na ang family day."

"Are your parents coming?"

Rhian smiled. Kakaiba ang ngiti niya. She was glowing with so much glee and anticipation. "Yes! Sabi ni Papa at Mama uuwi sila. Next month pa naman 'yon so makakapagbook sila ng flight!"

Lumiwanag ang mukha ni Yael. "That's great! I'm so happy for you!"

"Kinakabahan ako! Ngayon lang sila nangako sa akin na uuwi sila! I bet this is real! They're going home, Yael! Makikita ko na sila!"

"So anong plano mo? Magshoshopping ka ba?"

Tumango si Rhian. "Yes. Plano ko sana bumili ng bagong damit at sapatos. I know next month pa ang family day pero di ako makapag-antay. I need to go shopping."

"Then, take me with you. Tutulungan kita mamili."

"Are you sure? Wag na. I can just ask Patricia to accompany me."

Umiling si Yael—pumikit-pikit pa. "I insist. I'm coming with you."

Natigilan si Rhian. "Baka mabore ka lang."

"But I'm never bored kapag kasama kita. Come on," ngumiti si Yael, "I wanna be with you so take me."

Pinutakte ng milyong butterflies ang tiyan ni Rhian. Tama baa ng narinig niya? She could go on about Oscar Wilde and he would never be bored. Sigh...

Tulala at todo ang ngiti, biglang sinabi ni Rhian, "Okay. Sige."

"Atta girl!" anito sabay kindat.

Pumito na si Coach Sevilla. Agad? Tapos na ang twenty minutes?!

"Thanks again for the water and towel. You're very sweet," anito sabay lakad palayo.

Naglakad na din si Rhian palayo. Tuyo ang damuhan, amoy pawis at nagkalat ang candy wrapper ngunit nasa constant imagery si Rhian. Para siyang lumalakad sa meadows na punung-puno ng bulaklak at morning dew. Lumilipad ang paru-paro at honey bees. Humuhuni ang mga ibon. At pumuputok ang makukulay na fireworks sa kalangitan. Ang liwa-liwanang nila kahit nasa itaas pa ang araw! Makulay ang mundo dahil sinabi ni Yael na sasamahan daw siya nito. 

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon