BUTI na lang walang sitting arrangement sa klase ng Algebra kay Ms. Ong. Napabuga ng hangin si Yael. Pumasok si Yael sa klasrum ng Algebra. Umupo siya sa gitna—kung saan hindi umuupo si Rhian. Binato niya ang backpack niya sa sahig.
Malakas ang loob ng mga estudyante na mag-ingay kasi wala pa si Ms. Ong. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase. On time ang pasok ni Ms. Ong sa klarum—walang labis at walang palya. Tumingin si Yael sa paligid. Wala pa si Rhian sa klasrum.
Nagkukumpulan sa kabilang side ng klasrum kaming mga kaibigan ni Rhian. Kapuna-puna na seryoso ang mukha ni Arietta, Patricia at ako. Nagtataka si Yael kung anong pinagkakaabalahan namin at bakit wala si Rhian sa loob ng klasrum. Wala sa vocabulary ni Rhian ang tardiness.
Ano 'to? Aabsent si Rhian kasi apektado ito ng break-up nilang dalawa? Yael snorted. "Akala ko ba matapang siya at kaya niya mag-isa? Tapos aabsent siya?" bulong ni Yael sa hangin.
Tinapik si Yael sa balikat ng lalaking katabi niya. Nilingon niya ang kaklase. Walang ideya si Yael kung ano ang pangalan ng tumapik sa kaniya. Sa Algebra lang niya ito kaklase. Tahimik ang lalaki. Hindi ito nagpaparticipate sa discussion ng klase. At lagi itong nagsasagot ng Sudoku Exercise Book.
"Anong kailangan mo?" asik niya sa kaklase.
"May malaking problema si Rhian kaya wala siya ngayon. Ang mabuti pa, lapitan mo sina Patricia Orwell," iyon lang at nag-iwas na ito ng tingin. Binalik nito ang attention sa Sudoku Exercise Book. Mababa at malamig ang boses nito. Laging kunot ang noo palagi.
Weird. Hindi kasi ito nakikipag-usap sa mga tao. May pagka anti-social ang lalaking 'to. Ming hindi nga alam ni Yael ang pangalan ng kaklase.
"Anong problema ni Rhian?" follow up question ni Yael.
"Wag mong sayangin ang oras mo sa akin. Malapit nang dumating si Ms. Ong," stern na sabi nito. Ming hindi man lang nag-angat ng tingin kay Yael.
Lito na tumayo si Yael sa kaniyang upuan at sinunod ang payo ng weirdo naming kaklase. Lumakad si Yael sa amin—sa kabilang side ng klasrum. Inobserbahan niya kami. Lumalim ang curiosity ni Yael matapos makita ang alerto naming disposisyon at seryosong mukha.
"Nilagay mo na ba sa pitsel ni Ms. Ong?" tanong ni Arietta kay Patricia. "Kailangan niyang inumin ang tubig."
"Oo. Kanina pa. Stop it, Arietta," asik ni Patricia, "kinakabahan ako sa 'yo."
"Gusto ko lang siguraduhin."
"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Yael sa amin. "Nasaan si Rhian?"
Para kaming mga daga na tumalon sa ere sa sobrang gulat. Sumobra ang kape namin kaninang umaga!
Lumalim ang kunot sa noo ni Yael. Tinapunan niya kami ng mapanghinalang tingin. Mas lalo kaming naging kahina-hinala sa paningin niya. Dagdag pa na wala si Rhian sa klase. Wala sa vocabulary ni Rhian ang umabsent. Alam iyon ni Yael kaya lalo siyang kinabahan.
"Bakit hindi niyo kasama si Rhian?"
Tumingin kaming tatlo sa kaniya. Naghehesitate kami kung sasabhin ba namin sa kaniya ang nangyari kay Rhian.
Pak! Pak! Pak!
Pumintig ang puso ng lahat ng estudyante nang paluin ni Ms. Ong ang pinto. Agad na umupo si Yael sa tabi ni Patricia.
"Nasaan si Rhian?" worried na bulong ni Yael kay Patricia. Nasesense niyang may nangyari kay Rhian kaya wala ito.
"Shhh!" irritated na saway ni Patricia sa katabi.
Bumaling ang mata ni Yael sa platform. Tumuntong doon si Ms. Ong. Kakaiba ang aura ng guro nila. Masayahin ito ngayon. Mukhang maganda ang gising sa umaga. Ang lawak ng ngiti—abot langit. More red than usual ang lip stick nito. Pinatong ni Ms. Ong ang shoulder bag sa table pati na rin ang wooden patpat.
BINABASA MO ANG
Rhian Strauss
JugendliteraturAssignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni...
