Chapter Twelve

15 6 0
                                        

MABAIT ang Amihan kina Yael at Rhian. Pinili ng Amihan ang umagang iyon para makagpalipad silang dalawa ng saranggola sa soccer field. Umihip nang malakas ang Amihan, salamat sa Diyos.

Sumikat na ang araw. Medyo mahapdi na sa balat ang sinag nito pero hindi iyon sapat para hinaan ang loob ng binata at dalaga na atat sa saranggola. Nakaupo silang dalawa sa soccer field at malapit nang matapos sa ginagawang saranggola.

"Tama ba 'tong ginagawa ko?" tanong ni Yael. Hindi sigurado si Yael kung saan ikakabit ang buntot.

Binuklat ni Rhian ang libro at binasa kung saan ba dapat ilagay ang buntot. "Ang sabi, at least five centimeters ang length ng buntot. Tama ang ginupit mo, Yael. Itali natin sa dulo ng walis ting-ting at i-secure ng tape."

Sinunod ni Yael ang utos ni Rhian.

Tada! May saranggola na sila. Hindi naman pala mahirap gawin. Kumuha sila ng trash bag sa cafeteria, scotch tape, ruler, gunting, marker, pulang yarn at makapal na walis ting-ting. Humiram sila ng libro sa library at sinundan ang steps kung paano gumawa ng saranggola. Of course, millennials sila at pwedeng i-Google na lang. Pero nagpumilit si Rhian na humiram ng libro sa library dahil matagal na niyang binabasa ang libro tungkol sa saranggola.

Pasimpleng nagnakaw ng tingin si Rhian sa estudyante niyang bored na bored kay Oscar Wilde. Ngumiti siya. Hindi siya makapaniwalang darating ang araw na magiging kaibigan niya si Yael.

Bigla siyang sumimangot. May kontra sa libliban ng utak niya. Hindi niya matanggap na friends sila. Mas lalong ayaw niya na friends lang sila sa F.L.A.M.E.S. Ang saklap sa pakiramdam.

Pero hindi naman nagpapakita ng interes si Yael sa kaniya. In fact, gusto nito si Jane. Open arms na tinanggap nito ang mga halik ni Jane kaninang umaga. Jusko! Ang landi ng babaeng 'yon! Hindi pa nga fully developed ang ovaries, feeling full-blown woman na. Anyhow, mga gano'ng klase ng babae ang tipo ni Yael—cheerleader type. Rhian was anything but a cheerleader. At hindi siya insecure por que wala siyang hawak na pom-poms. Perhaps, friendship nga ang mayro'n siya kasama si Yael. Doon nagsisimula ang lahat.

"Ikaw?" tanong ni Rhian, "bakit ka enrolled sa Green Knoll Academy? Let me guess, galing ka sa dysfunctional family?"

He flashed his infamous lazy smile. "Hindi OFW ang parents ko. Parehas silang abogado. Nagmakaawa ako sa kanilang ipasok ako dito sa boarding school."

"What?! Bakit naman?"

Nagkibit-balikat si Yael. "Trust me. Kung nasa posisyon mo ako, you'd ask for the same thing. Mas gugustuhin ko pang tumira sa bahay kubo kaysa sa bahay ng mga uwak. Dahil nga parehas silang abogado, importante kung sino ang panalo sa argument. You know how the cliché goes: ang almusal ay sigawan, ang hapunan ay tampuhan, ang meryenda pagdududa. One time, hindi ko na natiis, inudyukan ko silang maghiwalay na."

Rhian was still and silent like a water. Ang kaswal ng salaysay ni Yael. Pero sa mga mata nito, sa paraan ng pagbuka ng bibig upang magsalita—may nararamdaman pa itong lason sa puso.

"We're polar opposites," pagpapatuloy ni Yael. "I found peace simula nang bumukod ako sa kanila. While you, you plunged into chaos dahil nawala ang magulang mo. May dapat akong kainggitan sa 'yo, Rhian. Hindi ako nakaranas ng happy family meal. Hindi ko kailanman naabutan na nag-usap nang maayos ang magulang ko. Kulang na lang magbarilan sila sa hapag kainan. Buti na lang only child ako. Kasi kung may kapatid ako, mas lalo akong hindi makakaalis sa bahay namin. Anyway, may latest news galing sa bahay. Annulment is on the way. I'm so glad hindi ko na sila kasama."

Gumana ang imagination ni Rhian. Nakita niya ang isang batang maliit na nakaupo sa isang malaking upuan. Sa sobrang liit nito, hanggang mata lang ng bata ang lamesa ng hapag kainan at pinapanood nito ang dalawang matandang nagpapalitan ng argumento. Araw-araw, metal rock song sa bahay nila Yael kung saan nagsisigawan ang mga magulang nito sa isa't-isa. Ang sakit sa puso.

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon