Chapter Eighteen

11 5 0
                                        

BITBIT ni Rhian ang basket ng mga gulay. Katatapos lang niyang magharvest ng gulay sa hapon na 'yon at idedeliver na niya ang mga produce sa cafeteria. Mabigat ang basket. Marami siyang naharvest na gulay kanina.

Sana hindi siya makita ni Yael. Nagagalit kasi ito kapag binubuhat ni Rhian ang mabigat na basket. Wag din daw siyang aakyat ng coconut tree kapag nakapalda siya. In fact, nagrereklamo si Yael sa length ng mini-skirt ng uniform namin. Too many to mention ang mga pag-aalaga na natatanggap ni Rhian sa boyfriend niya. Malapit na siyang masanay.

May humablot sa basket ni Rhian.

Ngumiti siya. "Yael?" Nagdisappear ang smile ni Rhian nang makitang hindi si Yael ang kumuha ng basket.

"It's me. Anthony. Kamusta ka na, Rhian?"

Binuhat ni Anthony ang basket niya.

Ah, si Anthony Cruz. Ang captain ng basketball team.

"Bakit akala mo si Yael? Binubuhat din ba niya ang basket tulad ko noon?" tanong pa nito.

Sinubukan ni Rhian bawiin ang basket niya ngunit ayaw ibigay ni Anthony.

"Please, let me carry it for you. Gusto lang kitang kamustahin."

"Wala akong sasabihin sa 'yo." Pure hatred. Dala iyon palagi ni Rhian noong 7th grade kami dahil kay Anthony. Ang absent parents niya, ang ex-boyfriend niyang womanizer—sila ang nagpupuno ng tear bottle ni Rhian noong thirteen years old kami. Tumigas nang husto ang kalooban niya sa sakit na dinagdag ni Anthony. Maagang namulat ang mata ni Rhian sa betrayal. Kung hindi niya kami nakilala, magiging anti-social si Rhian at hindi na nito makukuha pang magtiwala sa ibang tao.

"Baka pag-initan na naman ako ng girlfriend mong cheerleader. Utang na loob, Anthony. Let me rest in peace," sikmat niya.

"Nariyan pa rin ba ang peklat na binigay sa 'yo ni Alexa? Ginamit mo ba 'yong ointment na binigay ko sa 'yo noon?" anito. May nahimigan si Rhian na pag-aalala sa boses ni Anthony.

Kinapa ni Rhian ang maliit na peklat sa tuhod niya. Head na ng cheerleader ngayon si Alexa. Noong boyfriend pa niya si Anthony, nahuli ni Patricia si Alexa at Anthony na gumagawa ng milagro sa boy's locker room. Ang kapal ng mukha, hindi man lang tinanggi ni Anthony matapos itong i-confront ni Rhian.

"I'm really sorry about that, Rhian."

"Late na nang dalawang taon ang sorry mo. Pero sabi nga nila mabuti nang late kaysa naman wala. So please give me back my basket."

"Dalaga ka na, Rhian. You've aged so well," anito. Pamilyar ang tingin ni Anthony sa kaniya. But Rhian would never repeat the same mistake twice.

Six footer si Anthony. May lahi itong Espanyol kaya nahumaling ang kaibigan namin sa stubble beard nito at smoulder eyes noon. Normal reaction na mainis kapag mas lalong gumwapo si ex. But not Rhian. Naglaho na ang galit niya dahil mas matutuwa si Anthony kapag nalaman nitong bitter siya. Rhian walked everyday as if Anthony did never happened to her life. Frustrated si Anthony sa strategy ni Rhian kaya papansin ito. Pinag-initan tuloy si Rhian ng girlfriend nitong cheerleader. Sinaktan ni Alexa ang kaibigan namin at binigyan ng maliit na peklat sa katawan.

"I missed the scent of your hair, Rhian." Blah. Blah. Blah. Blah.

Nirolyo ni Rhian ang mga mata niya. "Di ba ako ang iniwan mo? Dapat ako ang naghahabol sa 'yo at hindi ikaw. Come on. Wala ka bang dignidad, Anthony? Amin na nga ang basket ko." Sapilitan niyang inagaw ang basket. "And in case you're wondering, I'm out of business. Kung plano mo akong gamitin dahil desperado ka sa project mo, mukha kang tanga. Sana bumagsak ka." Tumalikod na siya para iwan si Anthony kaso desperado talaga ang ex-boyfriend niya.

Rhian StraussTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon