Chapter 61

25 2 0
                                        


Inspector Santiago

"Where are we going?" Tanong ko kay Jherome na siyang busy sa pagmamaneho.

Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at bigla na lang siyang lumitaw habang pinapark ko ang kotse nang makauwi galing sa lakad namin ni Marielle. He dragged me by the collar and just pushed me in his car and drove to where God's know where. Mabuti na lang at hindi nagtanong si Marielle at nauna nang pumasok sa loob ng bahay.

Galing kaming date ni Marielle. Our first date after all the things that happened. I proposed a deal to my wife, that if I didn't make her fall in love with me within three months, then I will let her go. And that date is the first step.

And I will not going to waste this chance. I will going to make her fall in love with me again, no matter what happen.

Hindi ko lang alam kung naging masaya ba siya sa date namin o hindi. Wala naman siyang reklamo buong maghapon at normal lang ang ekspresyon ng mukha. Kahit nga noong dinala ko siya sa mga lugar na palagi naming pinupuntahan noon, ay wala. Pero ano pa bang aasahan ko? Lahat ng memorya niya ay nawala. She's like a new born baby at walang memorya sa lahat ng nangyari.

"Can you answer me? Where the fuck are we going?" Muli kong tanong pero hindi pa rin niya ako sinasagot.

Seryoso lang ang mukha niya habang nagda-drive at sa ekspresyon ng mukha niya ay alam kong hindi niya sasagutin lahat ng tanong ko, kaya napasinghal na lang ako at pinili ko na lang ang tumahimik at tumingin sa labas ng bintana ng kotse.

Ito ang unang beses na makita ko siya simula ng huli naming pag-uusap. And I can't help myself not to frown as I watched his skinny and bone-ish fingers gripping the steering wheel. Sa itsura ng katawan niya ay kulang na lang benda para magmukha siyang living mummy. Ang payat na niya na parang hindi kumain ng ilang taon. When in fact, he looks so healthy the last time I saw him.

"Bakit ang payat mo na?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Binalingan naman niya ako ng tingin pero bago pa siya makasagot ay inilagay ko na ang kanang kong kamay sa harap niya at muling nagsalita. "And don't tell me it's my fault. I know you are connected to each other, and I been draining all his blood out of his body, but I didn't expect to see you in the same situation as he is! At bakit parang ang bilis nang ipinayat niyong dalawa?"

Narinig ko siyang nagpakawala ng malalim na paghinga bago binilisan ang pagmaniubra ng sasakyan. Alas diyes na ng gabi at kunti na lang ang sasakyan kaya nagagawa niyang patakbuhin ang sasakyan ng mabilis.

"I can feel my end, Inspector." Maya-maya'y sabi niya.

"What?"

Ano bang ibig niyang sabihin?

"The twins."

"Yeah? And what about them?" Nakakunot na ang noo ko. Hindi ko pa rin masundan ang sinasabi niya.

"They are getting stronger while they grow in her womb. It's draining us both-not just in power, but also our life."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "S-so basically you're saying that they are stealing your life and powers?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya ng ilang beses sa sinabi ko. "Yeah."

Mas lalo pang umawang ang bibig ko sa naging sagot niya. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Parang wala lang sa kanya ang sinabi at seryoso lang nakatingin sa harapan at nagmamaneho.

Habang nakatitig ako sa kanya ay wala akong mabasang ibang emosyon sa mukha. Kalmado lang at parang hindi malaking problema ang sitwasyon niya ngayon. Na para bang matagal na niyang inaasahan ito. Na parang handa niya nang isuko ang buhay niya para sa mga batang nasa sinapupunan ni Maya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Obsession (Season 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon