Chapter 59

114 5 0
                                        

Tungsten

"I swear man. I really abort the baby. Wala naman akong makukuha para magsinungaling sa bagay na 'yan!"

"I know, but how do you explain her big baby bump? Malalaki na yung mga baby Heath.  Nagtiwala si Maya sa'yo. Sa akin. I felt like I disappoint her kasi hindi ko nagawa ang hiniling niya sa akin."

I can see the guilt in Heath eyes. He look so sorry but I don't have a heart right now to forgive him. Hindi ko gustong sisihin siya sa nangyari pero hindi ko mapigilan ang sarili.

Alam kong wala siyang alam sa nangyayari. Hindi ko lang talaga mapigilan ang galit at pagkadismaya na nararamdaman.

"I'm sorry. I just don't know what happened. I don't know how it's possible that the babies is alive in her womb."

I know he was compelled. That's the only reason why he didn't know that he didn't successfully abort the babies.

Napakuyom ako ng kamao.  Nararamdaman ko na naman ang matinding galit sa bampira. Gustong-gusto kong patayin at pagbayarin siya sa pagsira sa buhay ni Maya.

Lalo na sa sitwasyon ngayon. Walang maalala si Maya. Hindi ko magawang isipin kung ano ang maaaring mangyari pag nabalik ang mga alaala niya. Pati si Heath ay dinamay pa nila.

At ano na nga ba ang nangyari sa plano ni Jherome? Magdadalawang linggo na rin ang lumipas simula ng umalis kami sa kastilyo. Pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasabi kay Maya ang totoo? Kailan pa niya balak sabihin? Kapag huli na ang lahat?

Napatitig ako sa kawalan. Sobrang daming tanong ang umiikot sa utak ko at kahit isa ay hindi ko magawang sagutin.

Isa pa sa bumabagabag sa isipan ko ay hindi ko makontak si Inspector Santiago. Huling kita ko pa sakanya ay noon pang nagmakaawa siya kay Jherome na buhayin ang asawa niya. Hindi ko na alam kung anong nangyari sakanya habang nasa kamay niya ang bampira.

"Tungsten."

Nailihis ko ang tingin mula sa pagkakatitig sa pader ng opisina ni Heath at tiningnan siya. Nakakunot na ang noo niya at sobrang seryoso ng mukha.

"What the hell did you put yourself into, man?"

"What are you talking about?" Maang kong tanong sa kanya.

Hangga't maaari ay ayaw kong idamay si Heath sa gulong pinasok ko. Mas mabuti nang wala siyang alam para hindi maging delikado ang buhay niya.

"I know you know what I meant. Since Ms. Villamor became my patient, there's so much weird happening in my life right now. And as I said 'weird' I'm not talking about karma, I'm talking about a weird human who kept on popping into thin air."

"Can you get straight to the point? What the hell are you talking about?"

"I'm talking about this one specific woman—"

Mabilis kong pinutol ang sinasabi niya. I need to distract him and change the subject. Dahil kung tama nga ang hinala ko sa sinasabi niyang weird na babae ay isang babae lang ang pumapasok sa isipan ko. Iyon ay ang babaeng bampirang pamangkin ni Jherome.

Wala naman kasi ibang babae na papasok sa sinasabi niyang weird, kundi ang babaeng pambira na iyon.

"A woman? Tell me Heath, ate cheating on Lilac?" Pasigaw kong tanong at sinamaan pa siya ng tingin. "You already got her pregnant and you still got the nerves to cheat on her?"

Hindi naman lingid sa kaalaman kong muli silang nagkabalikan. I don't know how but I'm happy for the both of them.

"What the fuck are you talking about?"

His Obsession (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon