NANLALAMIG ang kamay ni Kim, sigurado siya doon. Hindi niya maitago ang pamumutla ng mukha niya. At napansin agad din 'yon ni Lynne.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Kim? Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha kita." Nag-aalalang lumapit sa kanya ang kaibigan.
Itinaas niya ang kamay. "No, don't bother.." Pwinersa niya ang ngumiti. "Lalabas lang ako."
"Sure ka?"
Tumango siya. Nagmamadaling lumabas siya. Hangin. Kailangan niyang sumagap ng hangin. Sinapo niya ang dibdib at naglakad palabas. Pakiwari ni Kim ay mauubusan siya ng hangin sa nakita sa TV.
Si Diego.. Naaksidente si Diego.
Umupo siya sa isang bench sa labas. It felt like a bad dream that could not be real. Parang kahapon lang ay kausap niya ito. Parang kahapon lang ay nakita niya ang gwapong mukha nito, ang nakakaakit na pares ng kulay asul na mga mata nito. At kahapon lang ay humihingi ito ng tawad sa kanya.. Nagmamakaawa ang tinig nito sa kanya. Pero ipinagtabuyan niya ang lalaki.. Pinagsarhan ng pinto.
May kung anong bumara sa lalamunan niya. Lumunok siya at inutusan ang sariling kumalma. She closed her eyes, but his face kept on appearing on her mind. Iminulat niya ang mga mata. Eksakto ang pagdaan ng isang truck sa harapan niya, mabilis ang pagpapatakbo at tila may masasagasaan anumang oras.
Kinaladkad ng isang rumaragasang truck ang isang police patrol kaninang madaling araw... Nagpaulit-ulit sa isipan niya ang boses ng news anchor. At paulit-ulit din ang parang tinik na pumupulupot sa dibdib niya.
Takot at pag-aalala.
Iyon ang nararamdaman niya nang sandaling 'yon at para na naman siyang kinakapos ng hininga. Namuo ang luha sa mga mata ni Kim.
Hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Oo, kinamuhian niya si Diego. Kapag naaalala niya ang madilim na pangyayari sa nakaraan nila, parang nilalamon ng galit ang puso niya. Okay. Hindi pa rin siya maka-move on. Hindi pa rin niya iyon magawang kalimutan! Pero iyon ay dahil sa hindi niya matanggap na hanggang doon na lang ang lahat ng pinagsamahan nila. Hindi niya lubos na matanggap na tapos na sila ng lalaki.
Umagos ang luha sa mga mata niya. Wala syang pakialam kung mayroong makakita sa kanya. She was hurting, and damn it, it felt like dying again and again. Isa-isang umaatake ang mga emosyong ayaw niyang maramdaman.
Oo, siguro hanggang ngayon nakatago pa rin sa dibdib niya ang mga nararamdaman niya para kay Diego. Minamahal pa rin niya ito.
Nakagat niya ang ibabang-labi sa pag-amin niya sa sarili. Nagkamali kasi siya. Hindi niya talaga ito magagawang kalimutan. Why?
He was her first love. Her first everything.
Tuloy ay hindi niya maiwasan na maalala ang unang pagkakataon na lumapit sa kanya si Diego..
"HERE." Nawala ang atensyon ni Kim sa binabasa niyang text book nang may maglapag ng Sprite sa harapan niya.
"Excuse me?" Nag-angat siya ng mukha.
And then, her eyes met that piercing blue eyes. Madaling nakilala niya kung sino ang lalaki. "Oh. I think. Nagkamali ka yata ng napabigyan n'yan."
Ofcourse, she knew him. Imposibleng hindi niya makilala ang isa sa varsity player ng football sa unibersidad nila. Yeah, yeah. Halos lahat ng estudyante doon ay pamilyar kay Diego McIntosh. Why, he was the only gorgeous blue-eyed playboy in their university. Kinahuhumalingan ng kababaihan at kabaklaan sa angkin nitong kagwapuhan.
BINABASA MO ANG
In Bed With My Ex (R-18)
General Fiction(R-18) Three years ago, iniwanan ni Kim si Diego. He was her first everything. Her first love. Sa kabila ng lahat, nagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Akala niya tuluyan na siyang nakalimot. Muli silang nagkita ng binata at hindi...