Chapter One

1M 16.6K 1.9K
                                    


 NAGSALUBONG ang kilay ni Kim at pinagana niya ang lakas ng pandinig. Hindi niya alam kung nagkakamali lang ba siya ng naririnig o talaga nakakarinig siya ng mahina at pigil na ungol ng isang lalaki mula sa kanyang banyo.

 Hinanap niya si Edgar, ang five-months boyfriend niya na isang negosyante. Kanina ay nandoon lamang ito sa sala ng bahay niya at nanonood ng Fast and Furious 6. Fanatic ito ni Vin Diesel at napapansin niya lately na nagiging bukambibig nito ang naturang aktor.

 Lumabas lang siya saglit para mamalengke ng lulutuin niyang pang-ulam nila sa tanghalian. Tuwing Linggo kasi ay dumadalaw sa kanya ang nobyo at hindi naman niya ito pinipigilan.

 Sa totoo nga ay natutuwa pa siya dahil hindi na niya kailangan pang lumabas ng bahay kung sakali. Pero kahit hinahayaan niya itong pumunta sa bahay niya at magpaabot ng gabi, wala pang nangyayari sa kanila. Hindi ba niya alam kung bakit. Hindi niya rin alam kung siya ba o ito ang may problema. But she was still thankful na hindi pa siya nito ginagalaw o niyayaya na umabot sila sa bagay na 'yon.

 Dahil hindi pa rin siya handa kung kaya pa ba niyang ibigay ang sarili o kung may kakayanan pa siyang tumugon sa tawag ng pagnanasa. Two years na siyang walang sex life. Oo, may iba pang lalaki na naging nobyo niya bago niya makilala si Edgardo Morales. Pero kahit isa sa mga 'yon ay hindi pa siya nadala sa kanya.

 Well, except for one man.

 Agad niyang pinaalalahanan ang sarili na huwag ng isipan pa ang lalaking 'yon. Matagal na niyang ibinaon sa limot ang taong 'yon at pinuwersa niya itong huwag alalahanin kapag may pagkatataon na sumasagi nito sa isip niya.

 Ipinatong niya sa lamesa sa kusina ang mga pinamalengke.

"Edgar?"

 Walang tumugon. May ungol pa rin siyang naririnig.

 Saan ba talaga nanggagaling 'yon?

 Dinala siya ng pandinig niya sa tapat ng pinto ng banyo niya. Halos lumuwa ang mga mata niya ng mapagtanto na doon niya nanggagaling ang mga ungol na kanina pa niyang naririnig. Natakpan niya ang bibig upang pigilan ang pag-alpas ng marahas na singhap.

"Oohhh.. Hon, ang sarap n'yan. Sige pa.."

Parang napaso ng apoy na napalayo si Kim sa tapat na pinto. Lumarawan ang gulat sa magandang mukha.

 What the hell was he doing inside the comfort room? Sino ang kausap nito?

Mayamaya ay bumukas ang pinto. "K-Kim!" Lumarawan din ang gulat sa gwapong mukha ng nobyo. Pawisan ang mukha nito at tila nanggaling sa matinding gera. "K-Kanina ka pa ba d'yan?"

 Parang may nakabara sa lalamunan niya at kinailangan niyang lumunok para mabura iyon. Umiling siya. "H-Hindi naman. Kararating ko lang and i was just about to use the CR. May problema ba?" May panghihinala ang tingin na itinutok ang mata sa binata.

 Nag-iwas ito ng tingin. "Wala! Wala naman, babe. Umihi lang ako sa loob." Napansin niya na mahigpit ang hawak nito sa cellphone at parang itinatago mula sa nanghihinalang tingin niya.

"Okay. Pati ba naman sa pag-ihi dala mo pa ang cellphone mo?" nagbibiro ang tono niya, pero seryoso ang tingin niya dito.

"Oh! Nakasanayan ko lang naman 'yon, babe." Kinakabahang tumawa ito at pinatakan siya ng halik sa pisngi. Umangat ang kilay niya. Kahina-hinala ang narinig niya dito sa loob ng banyo kanina. Oo nga't wala itong kasama doon. Pero ang kaalaman na dala nito ang cellphone sa loob ay nagbigay sa kanya ng ideya na nagloloko ang nobyo.

Pinilit niyang pawiin ang gumapang na kilabot sa katawan niya.

Not again.

 Gusto niyang tumawa ng pagak. Minsan na rin niya itong nahulihang may katawagan sa cellphone ngunit pinili niyang ignorahin 'yon. That was two weeks ago. Nasa sinehan sila. Nanonood ng latest movie ni Toni Gonzaga. Saglit na nagpaalam ito sa kanya para pumunta sa rest room. Pero dumaan na ang ten minutes ay hindi pa ito bumabalik. Sinundan niya ang nobyo at lakas loob na pumasok sa men's room. At narinig ni Kim ang boses nito mula sa isang cubicle na tila humahalinghing pa.

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon