TINAKBO ni Kim ang mahabang puting pasilyo pagkatapos malaman kung nasaang room si Diego. Dumadagundong ang puso niya at alam niyang wala iyong kinalaman sa pagtakbo niya. Nanlalamig ang kamay niya. Kadalasan lamang iyon na nangyayari kapag kinakabahan siya at natatakot.
She was afraid for her ex-boyfriend. Nakakatawa. Two years na niya itong ex-boyfriend pero may pakialam pa rin siya. Nagsisimula na siyang mag-isip kung normal pa ba 'yon.
Napatigil siya sa pagtakbo nang makita ang isang pamilyar na mukha sa kanya.
"Mari?" Anong ginagawa ng kanyang kapatid doon? Nakaupo ito sa waiting area at tila may malalim na iniisip. She looked so worried. Hindi kaya nandroon rin ang kanilang mama? Dumagdag sa takot niya sa dibdib ang isiping 'yon. Humakbang siya palapit sa kinauupuan ni Mari at tinawag ito.
Napalingon ito sa kanya. "K-Kim? Why are you here?"
Mukhang nagulat ang babae na makita siya. Napatayo pa ito. Nagsalubong ang kilay niya. "Ikaw, ano ba'ng ginagawa mo dito? May nangyari ba kay Mama?"
Umiling ito. "Wala. She's not here." Napansin niya na parang bigla itong hindi naging komportable. Hindi siya nito matingnan sa mga mata.
"Kung ganoon, sinong binibisita mo dito?"
"I.. I was just visiting a friend here."
"Oh. What happened to him?"
"Naaksidente siya.. Car accident. Pero wala na naman ipangamba, he's okay now." Iwas ang mata na sagot nito. Pagkatapos ay bahagya itong ngumiti. Parang pilit lang.
Napatango siya. "That's a good thing, Mari." komento nito. Gusto niya sanang usisain kung sino 'yon, pero minabuti na lang niya na itikom ang bibig.
"Yes. How about you? May kaibigan ka rin ba dito?"
She sighed heavily. "Diego's here. Naaksidente siya kaninang madaling araw."
"That's the reason why you're here?"
She nodded.
"Eh, hindi ba matagal na kayong hiwalay ni Diego?"
Napakurap siya. "I don't think may problema kung bisitahin ko siya, Mari. May pinagsamahan pa rin kami ni Diego.. And still care for him."
Nahuli ng mata niya ang bahagyang pagtaas nito ng kilay. Hindi na niya iyon pinansin dahil sa malakas na dagundong sa dibdib niya. Hindi pa rin 'yon humuhupa. She still need to see him. Ngumiti siya sa kapatid. "Sige, mauuna na ako sa 'yo. Nice seeing you. Ikumusta mo na lang ako kay Mama."
Nauna na siya dito para puntahan si Diego. She was silently praying for him. Iligtas sana ito ng Panginoon. Hindi man naging maganda ang pagtatapos ng relasyon nila. Naging mabuting alagad naman ito ng batas.
Maraming beses itong nagsakripisyo para sa kaligtasan ng iba. Marami itong natulungan. Hindi lahat ng pulis ay kayang gawin ang mga nagawa na nito. And for that, he deserved to live. He deserve to have a true family. Matapang na tao ang lalaki. Alam niya lalaban ito para sa buhay nito.. At para sa mga taong nagmamahal dito.
Namataan niya ang mag-asawang McIntosh sa labas ng emergency room. Umiiyak ang ginang habang nakayakap sa asawa nito.
Nag-init ang mga mata niya. Nakaramdam siya ng awa sa mga ito. Ofcourse, mag-aalala ang mga magulang ni Diego ng husto para sa kalagayan nito. Kahit alam niyang ampon lang ng mag-asawang McIntosh ang binata, minahal, inaruga at itinuring na tila totoong anak ng mga ito si Diego.
Dahan-dahan siyang lumapit sa dalawa. "Don't cry too much, sweetheart. Hindi pa patay ang anak natin. He can make it.. We raise our son to be good fighter, you know that." pang-aalo ng matandang lalaki sa asawa nito na patuloy ang paghagulhol.
"I can't.. I just can't stop, sweetheart. W-What if.. What if our son can't make it? Paano pag kuhanan na Niya si Diego sa atin? Hindi ko 'yon makakaya.. Hindi ko matatanggap na mawala sa atin si Diego."
"Sssshh.." Humigpit ang yakap ni Mr. McIntosh sa ginang. Nakikita niya sa pamumula ng mga mata ng matandang lalaki. Gusto nitong maiyak, pero nagpapakatatag ito. Pilit nitong pinanlalabanan ang emosyon at huwag iyong ipakita para hindi lalong panghinaan ang asawa.
Naluluha na siya at parang nanghihina na ang buong katawan niya. Nangangatal ang mga binti niya. Hindi niya alam kung lalapit pa ba siya o magpapakilala sa mga ito. Her heart melt with the love they have for Diego. Sobra-sobrang takot at pag-aalala ang nararamdaman ng mga magulang ni Diego para dito. Nakikita niya kung gaano ng mga ito kamahal ang binata.
Hindi niya namalayan na umaagos na pala ang mga luha niya. Tuloy nilapitan siya ng isang lalaking nurse at tinanong kung okay lang ba siya.
"I'm okay. Thank you." Pinahid niya ang mga luha nang umalis na ang nurse. Damn, she can't lie to the nurse. She's crying so hard.
Kinalma niya ang sarili bago lumapit sa mag-asawa. Agad siyang nakilala ng matandang lalaki. Hindi iilang beses na nakasalamuha niya ang mga magulang ni Diego noong panahon na magkasintahan pa sila. Halos linggo-linggo ay isinasama siya ng binata sa family dinner sa bahay ng mga McIntosh. Bukod kay Diego, may dalawa pa itong lalaking kapatid.
"Kim?" pagbanggit nito sa pangalan niya.
She smiled. "Ako nga po, Tito Mon."
"Kim, you're here!" tila nagulat na wika ni Tita Grace. Ngunit kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha nito nang makita siya. Niyakap siya nito at halos madurog ang puso niya. Pakiramdam niya ay walang nagbago sa pagtrato nito sa kanya kahit aware ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Diego.
"Nandito ka ba para kay Diego?" tanong nito pagkatapos ng ilang sandali. Bakas pa rin sa pisngi nito ang pagluha.
"Nabalitaan ko po ang nangyari kanina sa TV. That's why i'm here, Tita. Gusto ko malaman kung magiging maayos ba siya." Muli niyang naramdaman ang pag-iinit ng mata. "I'm also worried. Ano po ba ang nangyari?"
"I don't have any idea, iha. Hindi siya tumawag sa amin kagabi. Nag-alala ako. Kasi kadalasan tumatawag siya kapag nasa bahay na siya. Pagkatapos, tumawag sa akin 'yong isang kasamahan niya sa trabaho.." Pumiyok ito. "Naaksidente daw si Diego. Binangga ng truck 'yong sinasakyan niya. Pero hindi tulad ng nasa balita kanina, hindi kinaladkad ng truck ang kotse nya."
Napasinghap siya. "Naka-seatbeat po ba siya? Mayroon po bang airbags yong gamit niyang kotse?"
"Meron, iha. Kaya iyon na lang ang iniisip namin para makaligtas siya. Umaasa kami na walang masyadong maging damage sa kanya. And that he will survive. Hindi namin kakayanin kapag nawala si Diego. Hinding-hindi."
Hinayaan niyang umiyak ito sa balikat niya habang yakap ito. She could feel her pain. Tumatagos sa kanya ang lahat ng emosyon na nararamdaman nito. Mariin siyang napapikit.
"Makakayanan ni Diego ang lahat ng ito, Tita. He can make it. Basta maniwala tayo sa kanya, lalo na kay God."
Pero hindi n'ya rin makakayanan kapag nawala si Diego. Mas lalong hindi niya kakayanin na mag-move on.
BINABASA MO ANG
In Bed With My Ex (R-18)
Ficción General(R-18) Three years ago, iniwanan ni Kim si Diego. He was her first everything. Her first love. Sa kabila ng lahat, nagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Akala niya tuluyan na siyang nakalimot. Muli silang nagkita ng binata at hindi...