Chapter Three

782K 16.5K 530
                                    


 BREATH IN, BREATH OUT. That's what she need to do right now. She need to calm down. Kung hindi niya gagawin iyon, baka malapit na siyang mabaliw.

 Una, nalaman niya na isang paminta ang nobyo niyang si Edgar. Nagpaka-stress pa siya sa pag-iisip kung sinong babae ang kinalolokohan nito, pero panlalalaki pala ang inaatupag nito. Letse, naloko siya nito ng todo. Miyembro pala ito ng kafederasyon!

 Pangalawa, naakit siya sa isang macho dancer at hinayaan niya itong gilingan siya! And the worst part is, kilala siya nito at kilala din niya ito.

 He was her ex-boyfriend. Ex-lover. Parang gusto niyang matawa ng malakas. Humalakhak na tila hindi siya apektado.

 Tingnan mo nga naman kung paano maglaro ang tadhana. Masyadong nakakagulat. Parang lindol na niyanig ang buong mundo niya sa muling pagkikita nila.

 "Anong ginagawa mo sa lugar na 'yon?"

 Nagkunwari si Kim na hindi naparinggan ang sinabi nito. She tried to ignore his presence. Ngunit mahirap gawin iyon lalo na sa sitwasyon niya ngayon.

 Nakaposas siya habang nakaupo sa passenger seat ng police car na gamit ni Diego McIntosh. Kung may hindi siya maintindihan sa mga nangyayari ay kung bakit siya nakaposas. What did she do for him to arrest her?

 Wala! Ang tanging ginawa lang naman niya ay ang magpanggap na isang bading na customer ng Paraiso!

"Answer me, Kimberly."

"Don't call my name. Di tayo close."

Marahas ang naging paghinga ni Diego. "I'm not going to ask you again."

"E, di magaling."

"So, answer me." Ramdam niya ang matiim na titig sa kanya ng lalaki. Hindi niya gugustuhin na salubungin ang mga mata nito. With his dark blue eyes staring at her, she could felt her bones melting.

 Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nagpapa-apekto sa malakas na presensya ni Diego. Dalawang taon na hindi niya ito nakita. Dalawang taon na pilit niya itong kinalimutan. Pero sino'ng makakapagsabi na muling magku-krus ang landas nila?

At sa lahat ng lugar na puwedeng magkita uli sila, sa isang gay bar pa? Hindi iyon ang nakikita niya sa utak niya na mangyayari.

"Walang dahilan para sagutin ko ang tanong mo, Diego." Pilit niyang nilabanan ang panginginig ng boses. Ayaw niyang isipin ng lalaki na hanggang ngayon ay naaapektuhan pa rin siya ng presensya nito. Hindi na siya ang dating Kimberly na nagkakandautal tuwing nasa malapit lang ito. Hindi na siya ang babaeng napapatanga kapag nakikita ito. Hindi na rin siya ang babaeng tumibok ng husto ang puso para sa lalaking ito.

That version of Kim Dela Merced is gone.

"Alam mo'ng may dahilan para sagutin mo ako, Kim. Huwag mo akong itrato na parang di mo ako kilala."

Muli, parang gusto na namang tumawa ni Kim ng pagak. "Seriously?"


Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Naghahalo ang pait at galit na pinagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Parang gusto niyang sampalin ito. Bakit ba kahit sukdulan ang galit niya dito, hindi pa rin niya maiwasan ang hangaan ang kakisigan nito? Ito pa rin ang pinakagwapong lalaki na nakita niya at hindi na yata magbabago 'yon.

"Not because you are my fvcking ex-boyfriend, may karapatan ka na magtanong. Wala kang karapatan, Diego. Wala." binigyang diin pa ng dalaga ang pagbanggit sa pangalan nito, paraan para ipabatid dito kung gaano niya ito kinamumuhian.

"Well, i'm not just your fucking ex-boyfriend, Kim. I'm a fucking police officer, at kung di mo pa ako sagutin, you'll be staying at my place."

Marahas na napasinghap si Kim kasabay ng pag-iinit ng pisngi niya. "I'm not going with you! Not in your place, maniac!"

Ngumisi ito. "Don't worry. I'm not going to touch you, Kim. Hindi naman ako ganoong klase ng pulis na pagsasamantalahan ka habang nasa presinto tayo, di ba?"

Tila nawalan ng kulay ang mukha ng dalaga sa sinabi ng lalaki. "At may balak ka talagang arestuhin ako? What did i ever do to you?"

"You're not answering me so i think i should put you in jail..."


"Wala akong ginawang masama!"

Humalukipkip ang lalaki. "Then, answer me. Anong ginagawa mo sa ganoong klaseng lugar?"

Marahas na bumuga siya ng hangin. Hindi siya titigilan nito kung hindi siya sasagot ng maayos. Ang malala pa, baka sa presinto ang bagsak niya kung di siya sumagot.

"Sinusundan ko ang boyfriend ko."

Napaawang ang labi ni Diego. Nagpapasalamat siya at madilim sa loob ng sasakyan nito. Mamatay siya sa kahihiyan kapag nakita nito ang pamumula ng pisngi niya.

"Ano ang gagawin doon ng boyfriend mo?"

"Are you stupid or what?" may bahid ng pagkairita na sagot niya. "Ano sa tingin mo ang gagawin ng isang lalaki sa loob ng isang gay bar, ha? Di ba, pulis ka? You should know that."

"Pumatol ka sa bakla?" Sa paraan ng pagkakatanong nito, parang kasalanan pa niya na pumatol siya kay Edgardo. Nakakalokong pangalan. Lalaking-lalaki ang dating, pero isa palang binabae.

"Hindi ko alam na bakla siya!"

Amused na umangat ang kilay ni Diego at sumilay ang nakakalokong ngisi. "Okay."

Napatiim-bagang si Kim. "What do you mean by that?"

Umiling ito. "Wala naman."


Hindi siya naniniwalang wala. Sa tagal na naging magkarelasyon nila noon, kilalang-kilala na niya ang lalaki. May ibig sabihin ang nakakalokong ngiti nito. Matalim na tinitigan niya ito hanggang sa humagalpak ito ng tawa.

Napatanga siya. "Tinatawanan mo ba ako?"

Tawang-tawa na tumingin si Diego sa kanya, kumikislap sa tuwa ang kulay asul nitong mga mata. "I never peg you... as someone who would be commited to a gay."

Namilog ang mata ni Kim. "Hindi ko nga alam na bakla siya! Bakit ba ang hirap mong makaintindi! Kung alam kong bakla 'yon, sa tingin mo ba papatulan ko 'yon? Well, let me tell you this. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon para sa lalaki. Kapag ayaw ko na, tinatapos ko na kung ano ang ugnayan namin. That's me."

Nakita niya ang pagkawala ng ngiti sa labi nito. Nagdilim ang mukha ni Diego. Iniiwas niya ang tingin dito. "Siguro naman, nasagot ko na ang tanong mo. At kung itatanong mo kung bakit ganito ang ayos ko, obvious naman siguro ang sagot. Hindi puwede ang babae sa bar, so kailangan kong magpakabading para lang malaman ko na 'yong sinusundan ko pala ang totoong bading."

Makakatikim talaga sa kanya si Edgardo. Dahil sa bwisit na 'yon, nagkita pa sila ng lalaking ito.Tumango si Diego. Pagkatapos ay inabot ang kamay niyang nakaposas. Walang imik na pinakawalan siya nito.

"Salamat." sabi niya.

"I'm sorry."

Nagsalubong ang kilay ni Kim. "Para saan 'yon?"

"For everything. Sa nagawa ko noon at sa nagawa ko ngayon."

 She inhaled sharply. Ofcourse, alam niya kung ano ang ibig sabihin ng sorry nito. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Pwinersa niya ang sarili na huwag kumawala ang mga emosyong nakatago sa dibdib niya.

"Don't worry. That's all in the past now, Diego."

 Parang napapasong binuksan niya ang kotse at humakbang palabas. Without looking at him, dire-diretso siyang naglakad palayo.

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon