Chapter Ten

678K 14.3K 1.1K
                                    


"NAGISING na daw ba si Diego?"

Umiling si Kim at nagpakawala ng malalim na hininga. "Wala pa ring pagbabago, Lynne. One week na siyang nasa ICU pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising." Mas lalo tuloy siyang kinakabahan sa tuwing naiisip niya na hindi na magigising pa ang binata. Parang dinudurog ang puso niya sa isiping 'yon. Araw at gabi siyang nagdadasal na magising na sana ito. Maraming tao ang naghihintay sa muling pagmulat ng mga mata nito.

"Aww.. Eh, ano ba'ng sabi ng mga doctor?"

"Hintayin na lang daw namin siya na magising. Physical injuries lang ang tinamo niya, so, we really hope na magising na siya. Nag-aalala na sina Tita Grace sa kanya ng sobra."

"Sina Tita Grace lang ba?"

"Lynne.." Ngumiti ito sa kanya, painosente. Napabuga siya ng hangin. "Yes, i still care for him. I'm worried. I'm afraid. May karapatan naman siguro ako na makadama pa rin ng pag-alala sa kanya, di ba? Mahaba 'yong pinagsamahan namin. At alam mo naman na kapag may pinagsamahan, hindi madaling alisin 'yong pagpapahalaga mo sa taong 'yon."

"Hindi 'yon ang gusto kong marinig sa 'yo, Kim."

"Eh, ano?"

"Gusto ko marinig na aminin mong mahal mo pa rin siya." Natigilan siya. Paano nito nalaman? "Matagal ko nang alam ang bagay na 'yon." sabi nito na parang nabasa ang laman ng isip niya. "Hindi ko lang gustong ungkatin dahil inirerespeto ko 'yong nararamdman mo. Masakit pa rin sa 'yo ang nangyari before, alam ko 'yon. Ofcourse, we're bestfriends. Para na rin kitang kapatid kaya nababasa ko ang nasa isip mo base sa ikinikilos mo."

Hindi siya nakaimik. She couldn't deny that. Siguro halata naman talaga sa kanya na may nararamdaman pa rin siya sa binata. Hindi siya magiging ampalaya masyado kung wala na talaga.

Tumunog ang cellphone niya. "Sandali lang." Dinampot niya iyon at tinanggap ang tawag. Sa hindi malamang dahilan ay dumagundong agad sa kaba ang dibdib niya. "Hello, Tita. Napatawag po kayo?"

"Kim, hija. Pumunta ka na dito... Gising na si Diego!"

Wala sa oras na napatayo ang dalaga. "Ho? S-Sige po. Pupunta na din ako d'yan."

"Ano daw ang nangyari?" curios na nagtanong si Lynne.

"Gising na si Diego. Pinapupunta na ako doon ni Tita Grace. I need to go now, Lynne. Ikaw na ang bahala dito, ha?"

"Sige, sige." Hindi na siya nagsayang pa ng oras at mabilis na pumara siya ng taxi papunta sa ospital. Naghahalo ang excitement at kaba sa dibdib niya. Iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Diego kapag nakita siya. Hindi lang 'yon. She was also thinking about his condition. Sana lang ay walang maging ibang epekto sa katawan nito ang naging aksidente. Pero masaya siya sa balita ni Tita Grace. Naipit pa sa traffic ang sasakyan niya kaya nagtagal siya bago makarating sa ospital.

Naabutan niya ang mag-asawang McIntosh sa labas ng silid ni Diego. Nandoon din ang dalawang kapatid ng binata, si Drake at Dash. Mas lalo siyang kinabahan sa nakitang reaksyon sa mukha ng mga ito. They looked confused and shocked. Nanikip ang dibdib niya at bumigat ang pagdaloy ng hininga niya.

"Tita Grace," tawag niya sa ginang. Lumapit siya dito at yumakap. "Kumusta na po si Diego?"

May mga luha sa mata nito. Alam niya kung gaano ang hirap na pinagdadaanan ng ginang. Mahirap na makita ang anak nito na nasa ganoong kalagay, kung ano-anong nakakabit sa katawan at bugbog pa rin sa tinamong aksidente. Nararamdaman rin niya 'yon. Dahil tuwing naalala niya si Diego--ang sinapit nito, parang tumitigil sa pagtibok ang puso niya. At kusang pumapatak ang luha niya.

Napansin niya na hindi makasagot ang ginang sa tanong n'ya. Nakatitig lamang ito sa kanya na parang sa pamamagitan niyon ay masasagot. Pakiwari niya ay may hapding namuo sa sikmura niya sa kawalan nito ng sagot. "Tita Grace.. Ano pong nangyari?"

 Hindi ito nakasagot nang marinig nila ang mga dabog sa silid ni Deigo. Awtomatikong lumipad doon ang tingin niya. Parang may sumisigaw sa loob dahilan upang humakbang siya papunta doon. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita niya si Diego, tila nagwawala at sinisigawan ang doktor at dalawang nurse na pumipigil dito.

"Why don't you let me see my girlfriend? I'm okay, i don't need that. For fck's sake!" Nagpupumiglas ito habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaking nurse.

 "Hijo, hindi maganda na gumalaw ka muna ngayon. Kagagaling mo lang sa aksidente--"

 "Oh, thanks for reminding me. But seriously, i'm okay now. I just need to see my girlfriend!"

Napakurap si Kim. Girlfriend?

 May ibang girlfriend na si Diego? Parang may kutsilyong tumapat sa dibdib niya, bumaon iyon dahan-dahan sa tapat ng puso niya. May girlfriend na ito, pero bakit ngayon lang niya nalaman? Namasa ang mata niya. Pinigilan niya ang mga luha, pero kusang naglandas ang mga iyon sa kanyang pisngi.

 She smiled bitterly, and then asked herself.. So, ano pa ang ginagawa nya ngayon dito? Magpapakatanga? Magpapakagaga? O hintayin na dumating ang present girlfriend nito?

 Tumalikod na si Kim. Napalitan na siya ni Diego sa buhay nito. Wala na palang dahilan para manatili pa siya sa tabi nito.

 "Mahal ko.."

She froze.

 "Mahal!" tawag ulit ni Digeo. Hindi niya alam kung para kanino. Pero nagbigay iyon ng kirot sa puso niya. Nagbigay iyon ng libo-libong sakit sa dibdib niya. How dare him!

 Sa lahat ng itatawag nito sa present girlfriend nito, ang endearment pa na minsang ginamit nito para sa kanya ang napili nito! Parang gusto niya itong balikan at saktan. But that would only make her pathetic. 

 "Mahal!" si Diego ulit. Rinig niya ang pag-awat ng mga nakapaligid nito. Pinigil niya ang lumingon sa mga ito at humakbang na.

 Ngunit gayon na lang ang pagkabigla ni Kim nang maramdaman niya ang matitigas na braso yumakap sa kanya mula sa likuran. Her eyes widened. What the...

 "Mahal ko."

 "D-Diego.."

Kumalas ang binata at pinihit siya paharap dito. "Kanina pa kita hinahanap. Bakit ngayon ka lang dumating?" nakangusong tanong nito.

 Napanganga siya. Anong nangyayari? Hindi niya maintindihan ang iniaakto ng binata.

 "Mahal, bakit ganyan ka makatingin? Parang hindi mo ako kilala, ah. Naaksidente lang ako, pero di naman siguro nagbago ang mukha ko." Tumawa ito at muling niyakap siya ng mahigpit. Kahit naguguluhan, sinamantala niya ang pagyakap nito. Parang ayaw siya nitong bitawan sa higpit ng yakap nito.

 Nahagip ng tingin niya ang pamilya ni Diego. Nakatingin ang mga ito sa kanya at hindi niya mabasa kung ano ang ekspresyong nasa mukha ng mga ito.

 Isang tanong ang namuo sa isip niya. ANO ANG NANGYAYARI KAY DIEGO?

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon