Chapter Eighteen

670K 12.8K 717
                                    


OKAY. There's no need to panic. She just need to take a Plan B pill, and then, bababa yong posilidad na magbuntis siya. Ganoon lang kadali.

"Ready for another round?" nanghahamon na sabi ni Diego pagkalabas niya ng banyo. Wala pa rin itong saplot at ganoon din siya.

Not this time, she told herself. Dinampot niya ang mga saplot niya at mabilis na nagbihis.

"What are you doing?"

"Nagbibihis, ano ba sa tingin mo?"

Umangat ang isang kilay nito. "At bakit ka nagbibihis?"

"Dahil gusto ko?"

"Come on, love. I still want another round." Bumangon ito sa kama at lumapit sa kanya.

 Pumulupot ang mga kamay nito sa beywang niya at awtomatikong siyang napahawak sa matipunong dibdib nito. Gusto na niyang maniwala na may anting sa katawan si Diego. How can he manage to be this "active"? He was so naughty. Parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente. At parang wala itong kapagod-kapagod.

 Jusko, kakadating lang nila mula sa mahabang byahe! Wala ba sa bokabularyo nito ang salitang "pahinga"?

"Diego, please. Not this time."

 Parang batang hindi binigyan ng candy na sumimangot ito, pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa leeg niya. Her mouth parted and she gasped for air.

 Damn it, he was doing it again to her! Alam na alam niya ang habit ni Diego kapag gusto nitong i-distract siya. Isinisiksik nito ang mukha sa leeg niya, and for God's sake, it was effective!

Inipon niya ang lakas at itinulak ang binata. "You should take a rest, first. O kumain ka muna habang wala ako."

Lalalim ang guhit sa noo nito. "Where the hell are you going? Don't tell me you're leaving?" seryoso ang tono ng boses nito, may kasamang babala iyon.

"Huwag ka nga'ng exagge. Magpapasama lang ako kay Mang Impe, madali lang ako."

"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan ka pupunta."

"May bibilhin lang ako sa pharmacy. Again, saglit lang 'yon kaya huwag ka na magtanong pa. Okay?"

Pinagkrus nito ang mga braso, mas naging prominente tuloy ang maskuladong dibdib nito. Pigilin man niya, di niya maiwasan na mapatingin sa braso nito. Namumutok ang muscles nito. Parang gusto tuloy niya uminom ng malamig na tubig. Naku, naku. Hindi ito ang tamang oras para pagbigyan ulit nya ang sarili na magpadala sa pang-aakit ng lalaki.

"Anong bibilhin mo sa pharmacy?"

Natigilan si Kim, pagkatapos ay napakurap na napaangat ang tingin kay Diego. Bakit nito itinatanong 'yon? "Does it matter kung sabihin ko pa sa 'yo?"

"Ofcourse, i'm your boyfriend. I think i have the right to know where you're going and what you're going to do."

May punto ang binata. Muntikan na niyang makalimutan kung ano ang sitwasyon nila ngayon.

"So, it matters to me. Now, answer me."

"B-Bibili lang ako ng..." she paused, "Ng pills." Hindi siya makatingin ng diretso kay Diego. Natatakot siya makita ang reaksyon nito. She nervously licked her lips.

"Okay, you can go."

Muli niyang iniangat ang tingin sa binata. She recognized coldness and anger in his dark blue eyes. "If you want to take a pill to prevent pregnancy, then, you're free to do that. Hindi kita pipigilan." Napakalamig ng tinig nito, halos hindi niya nakilala. Parang biglang naglaho 'yong pagiging pilyo at sweet nito kanina sa kanya.

Tumalikod ito sa kanya at pumasok sa loob ng banyo. Napatulala siya. Bakit parang may kirot syang naramdaman sa panlalamig bigla nito? Malinaw na hindi nito nagustuhan nang sabihin niya na bibili siya ng pills.

Pero ano'ng dapat niyang gawin? Iyon naman ang tama. She need to take that. Para iyon sa kanilang dalawa. Kung dumating na ang oras na makaalala na si Diego at malaman nitong nagpapanggap lang siyang nobya nito, sigurado siyang magagalit ito. Matatanggap niya iyon. Pero paano kung magbuntis siya? Mas lalong madadagdagan ang galit nito. At may palagay siyang di niya makakayanan iyon.

Lumabas na siya ng silid at hinanap ang driver. Nakasalubong niya ang caretaker ng bahay at pinagtanungan ito. "Manang Lucing, nakita n'yo po ba si Mang Impe?"

"Ah, oo. Hija, nandoon sa kusina. Katatapos lang kumain."

Nagpasalamat siya dito. Nagtungo siya sa kusina at naabutan doon ang lalaki, nakikipag-kwentuhan ito kay Sven. Tulad kanina, matamis na nginitian siya ng binata nang makita siya.

"Hi, Kim. Halika, sumabay ka na sa akin kumain."

She smiled. "Hindi na, salamat. May pupuntahan pa kasi ako." Tumingin siya sa driver. Tumayo naman agad ito at nagpaalam kay Sven. Maikling tinanguan lang niya ang binata.

"Ma'am, saan ho tayo?"

"Alam n'yo ba kung saan may malapit na pharmacy dito? May bibilhin lang sana ako saglit doon."

"May nangyari ho ba kay, Sir?"

Umiling siya. "H-He's okay." Laman pa rin ng isip niya ang malamig na mga mata ni Diego habang nakatingin sa kanya. Nanginginig na humugot siya ng hangin. Kung pwede lang niya sabihin sa lalaki ang totoo... Pero hindi. Kailangan niyang gawin 'yon.

Walang kamalay-malay ang lalaki ngayon sa totoong nangyari sa kanila two years ago. Wala itong natatandaan sa naging paghihiwalay nila..

"If you want to take a pill to prevent pregnancy, then, you're free to do that. Hindi kita pipigilan."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sa hindi malamang dahilan, biglang lumitaw sa isip niya ang galit na galit mukha ni Diego habang kinokompronta siya sa nakita nitong pills niya sa banyo.

"Bakit gumagamit ka pa nito? Hindi ba pinag-usapan na natin na titigil ka na sa paggamit ng pills?"

Napalunok si Kim. "D-Diego.. Magpapaliwanag ako." Sinubukan niyang lumapit sa binata pero dumistansya ito sa kanya.

"Pinagmukha mo akong tanga, Kim. All this time akala ko magkasabay natin na binubuo ang pangarap na gusto ko na mangyari para sa ating dalawa. Alam mo na gusto ko ng magkaanak. Ilang beses na natin pinag-usapan 'yan. Nasa tamang gulang na tayo para bumuo ng isang pamilya. Hindi ba nangako ka pa sa akin? Ititigil mo na ang paggamit ng pills! Pero ano 'to?!"

 Parang binabangungot na iminulat niya ang mata at umayos ng upo. Nanginginig na sinuklay niya ang buhok. Sinapo niya ang dibdib at dinama ang malakas na tibok ng kanyang puso. It seems like a nightmare.

Matagal na niyang pinagsisihan na naglihim siya noon kay Diego. Pinagsisihan niya na hindi pa niya itinapon ang pills bago pa nito nakita iyon. It was a wrong move that she accidentally leave her pills in her bathroom. Kung nalaman lang nito na hindi na niya iyon pwedeng magamit pa, siguro ay walang nagbago sa relasyon nila. If he only knew... If only.

Pero huli na bago pa nito malaman. Huli na rin nang malaman niya...

Pinahid niya ang mga luha sa pisngi. "Mang Impe, wag na po pala tayo tumuloy."

"H-Ho? Bakit naman po, Ma'am? Malapit na tayo sa pharmacy."

Umiling siya. "Hindi na kailangan. Bumalik na tayo."

Nagbago na ang isip niya.

Bahala na kung ano ang mangyari sa kanya. Kung ano ang maging kahihinatnan ng nangyari sa kanila ngayon ni Diego, tatanggapin na lang niya. Kahit ano pa 'yon.


In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon