Chapter Eleven

717K 14.4K 1.7K
                                    


 "IT'S RETROGRADE amnesia," pahayag ng doctor pagkatapos ni Diego dumaan sa pagtingin nito. Kinailangan pa ni Kim na pakiusapan ang binata na hayaan muna ang mga doctor na tingnan ang kalagayan nito. Nag-init ang pisngi niya nang maalala kung paano siya nito hinalikan sa harap ng pamilya nito at doctor at mga nurse bago pumayag. Parang nalalasahan pa rin niya sa kanyang bibig ang init at tamis ng halik ng binata.

 Muli niyang itinuon ang atensyon sa sinasabi ng doctor.

 "Kadalasan pong nangyayari ang ganitong kaso sa mga nakakaranas ng TBI o 'yong tinatawag natin na Traumatic brain injury.  Pati na doon sa mga dumaan sa traumatic events. Puwede rin natin na isama ang surgery at infections sa dahilan ng pagkakaroon ng ganitong klase ng amnesia. Mostly, ang mga parte ng utak na naapektuhan ay ang hippocampus, diencephalon at temporal lobes. Kaya ang nakikita kong dahilan ng nangyayari kay Mr. McIntosh ay dahil sa pagkaka-aksidente niya. Naapektuhan niyon ang ibang bahagi ng utak niya dahilan upang magkaroon siya ng Retrograde amnesia."

 Base sa mga naunang paliwanag sa kanila ng doktor, nakalimutan ni Diego ang mahigit dalawang taon na nangyari dito bago ang aksidente. Bumalik ang isipan nito sa panahon na may relasyon pa rin silang dalawa. So, ipinapaliwanag n'yon ang naging reaksyon nito pagkakita sa kanya. Bumalik sa isip niya ang pagtawag nito sa kanya ng "mahal" at sa sabik na pagyakap nito sa kanya. It felt so damn good she want to be cage in his arms again.

 "Doc, anong kailangan naming gawin para gumaling ang anak ko?" Si Tita Grace. Nag-aalala pa rin ito at hindi mapalagay. Habang siya ay tahimik lang at nakikinig sa usapan ng dalawa sa tabi.

 "Mas makakabuti sa anak n'yo kung hahayaan n'yo muna siyang magpagaling. Palipasin muna natin na maghilom ang mga sugat niya. And about his condition, huwag sana natin siyang pilitin na alalahanin ang mga nawalang alaala sa kanya. Matinding sakit ng ulo ang mararanasan ni Diego na pilitin niya ang sarili niya."

 Hindi na niya napigilan na sumabat. "Sinasabi n'yo ba, Doc, na sakayan muna namin ang nangyayari kay Diego?"

 Tinitigan siya nito. "Ikaw ba ang girlfriend niya?" tanong nito.

Napalunok siya. Bumaling ang tingin niya sa ina ni Diego. Tila naghihintay rin ito sa sagot niya. "Y-Yes Ako po ang nobya niya."

 "I'm not saying na sakyan n'yo siya. Mas makakabuti siguro kung dahan-dahang ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. And you, as his girlfriend, malaki ang maitutulong mo sa pagrecover ni Mr. McIntosh. Maganda kung mananatili ka lagi sa tabi niya."

 Nagkatinginan sila ng ina ni Diego.



 "HIJA, sigurado ka bang okay lang sa iyo?"

Ngumiti si Kim para hindi na mag-alala pa si Tita Grace. Alam niya kung ano ang inaalala nito. Aware ito na matagal na silang wala ni Diego. Lahat ng mga nakakakilala sa kanila ay alam ang tungkol sa paghihiwalay nila ng binata. Marahil ay iniisip ng ginang na napipilitan lang siya o napasubo lang kaya sumang-ayon siya.

 Niyakap niya ang ginang. "Huwag na po kayong masyadong mag-alala, Tita. Ako na po ang bahala kay Diego."

 "Are you really sure, hija? Kung hindi okay sa 'yo---"

 "Okay lang po talaga sa akin, Tita. I'm very willing to help Diego with his conditions. Maganda po siguro kung magpahinga muna kayo. Ilang araw na din kayong walang masyadong pahinga. Hindi magugustuhan ni Diego kung makikita n'ya kayong nag-aalala ng sobra para sa kanya."

 Bumuntong-hininga ang ginang. Kita pa rin sa mukha nito ang pag-aalala. "Tita, wag na po kayo mag-alala."

 "Ikaw lang naman ang inaalala ko, hija."

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon