Chapter Twenty Eight

596K 10.5K 916
                                    


 HININTAY ni Kim na makalayo ang sasakyan ni Diego. Pagkatapos siya sa tricycle at nagpahatid sa bahay niya. Nakasarado ang shop. Ibig sabihin, wala pa doon si Lynne. Siguro tulog pa 'yon sa bahay. Ano ba ang babaeng 'yon? Nawala lang siya ng mahigit dalawang linggo, hindi na yata inaasikaso ang bakeshop niya. Kinuha niya ang susi sa bag at binuksan ang pinto.

 May narinig siyang kalabog. Sumibol ang pagtataka sa ulo niya.

What the hell was that?

"Lynne?" tawag niya sa kaibigan.

Walang tao sa sala. May narinig siya mula sa kusina. Naglakad siya papunta doon.

 Doon niya naabutan ang kaibigan at nakaka-eskandalo ang naabutan niyang tagpo. Nakatuwad si Lynne, mahigpit na nakahawak sa mesa habang pawisan ang lalaking umuulos mula sa likuran nito. 


 Parang may sariling mundo ang dalawa at hindi na namalayang may ibang tao na nakapasok sa bahay.

"Fvck, Hunt.. Make me yours, ooh----Kim!!"


 Napamura si Kim, sabay talikod. "What the F, Lynne!"

Narinig din niyang napamura ang lalaking katalik nito. Pamilyar ang mukha nito sa kanya. "Oh my God. I'm sorry, Kim!"

 "Ugh. It's okay, lalabas na lang muna ako. Ituloy nyo na yan." Baka isisi pa ng mga ito sa kanya kapag nanakit mga puson ng mga ito.

Halos takbuhin na niya ang daan palabas. Bwisit 'tong si Lynne! Hindi naman siya conservative. Hindi na rin siya virgin. Pero ito ang first time niyang makapanood ng live "action".

 Leche.



 "SERIOUSLY, Lynne? Sa bahay ko pa talaga? At sa kusina ko pa! I fucking eat there!" hindi na niya mapigilan na sermunan ang kaibigan nang makaalis na ang lalaki. Hindi makatingin sa mga mata niya ang kaibigan at parang batang pinapagalitan na nakatungo. Bumuga siya ng hangin at napailing.

"Eh, ikaw naman kasi! Bakit ba hindi mo ako ini-inform na dadating ka? Akala ko ba magtatagal kayo ng ex mo doon sa Sagada?" parang siya pa ang sinisisi nito ngayon.

"Aba, kasalanan ko pa pala ngayon?"

Ngumuso ito. "Bakit mo nga kasi ako di sinabihan na dadating ka ngayon? E, di sana hindi ko siya pinayagan na matulog dito kagabi."

Nanlaki ang mga mata ni Kim. "At dito pa pala natulog ang lalaking 'yon?!"

"Hinaan mo naman ang boses mo 'te!"

"Sumagot ka!"

"Oo na nga! Pero hindi sa kwarto mo. Sa sala naman. Doon siya sa sofa."

Napangiwi siya. "Yon 'yong ex mo, di ba? Talaga bang hanggang ngayon patay na patay ka pa rin doon?"

"Mana lang naman ako sa 'yo, te. Hanggang ngayon patay na patay pa rin sa ex-boyfriend." Inirapan niya ito. "Hmp." Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nahiga. Sumunod sa kanya si Lynne. Umupo ito sa gilid ng kama.

"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit napaaga ang pag-uwi mo. Nakaalala na ba si Diego?" Madalang lang siya tumawag kay Lynne noong nasa Sagada siya. Wala pa itong kaalam-alam sa mga nangyari sa kanilang dalawa ng binata.

"Hindi pa. Pinauwi lang kami ni Tita Grace. Hindi ko nga alam kung bakit."

"Baka naman nami-miss ni Tita si Diego o mas gusto nya na nakikita 'yong anak niya, di ba? Kasi grabe din 'yong naging pag-aalala niya noong naaksidente si Diego."

"Maybe." At nakangiting itinaas niya ang kamay kung nasaan nakalagay ang engagement ring nila ni Diego. Lumipad ang tingin ni Lynne doon.

"Oh. My. God." Kitang-kita niya ang pagrehistro ng gulat at amusement sa magandang mukha ng kaibigan. "Engagement ring ba 'yan?"

"Ano sa palagay mo?"

"No way! Bigay ni Diego?!" Kinuha nito ang kamay niya at pinakatitigan ang mga bato sa singsing.

She nodded, smiling. "Nag-propose siya sa akin."

"Gawd. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Why? How? Sorry, ah. Pero hindi ba---"

"I know what you're thinking. Iniisip mo na may hinanakit pa rin ako sa kanya. I already forgive him, Lynne. I forgive the past. Gaano man kasakit ang mga nangyari noon, alam ko na ngayon na may dahilan ang lahat. I love him. Siya lang ang nag-iisang lalaki na minahal ko at sa tingin ko ay siya lang ang tanging mamahalin ko. That's why i'm willing na magsimula ulit kasama siya. Wala naman sigurong masama kung magbigay ulit ako ng chance sa aming dalawa, hindi ba?"

Umiling ito. Namumula na ang mga mata nito. "Ang corny mo din talaga, eh. Payakap nga, bestfriend!"

 Tumatawang bumangon siya at emosyonal na niyakap ang kaibigan. Mga ilang saglit pa ay sumama na siya dito sa pagpunta sa bakeshop. Habang wala pala siya, may kinuha itong makakatulong. Ang talandi niyang bestfriend, gumawa rin ng paraan para makahada habang kasama niya si Diego. At talagang inakit pa rin nito ang ex nitong si Hunt.

 "Kim, may tanong lang ako. Pero huwag kang magagalit, ha?"

 "Oo ba. Bakit, ano ba iyon?"

"I'm just curious. Paano kung bumalik ang mga memorya ni Diego? Ano ang gagawin mo?"

 Kinagat ni Kim ang ibabang-labi niya at ipinaling ang tingin sa labas ng shop. Nakikita niya ang mga dumadaang sasakyan sa harap ng bakeshop niya. Ilang beses na rin niyang inisip ang gagawin niya kung sakaling bumalik ang mga nawalang alaala ng binata. At sa mga pag-iisip niya, wala siyang makuhang sagot. Hindi rin niya alam ang gagawin.

"Kasi ang sabi ng doctor sa inyo, maaari pang bumalik ang mga 'yon. Maaari ding hindi na. So, syempre kapag nakaalaala siya ulit, malalaman niya na nagkahiwalay kayo."

 Alam niya iyon. Kahit hindi sabihin sa kanya ni Lynne, alam niyang dadating araw na makakaalala si Diego. Naniniwala siya babalik ang mga alaala nito. At kapag nangyari iyon, hindi niya alam ang gagawin. Paano siya magpapaliwanag? Sigurado siyang magagalit ito. Pero siguro naman, maiintindihan siya nito. Mapapatawad siya ng binata kung nagpanggap siya na girlfriend nito kahit hindi na talaga. Maiintindihan nito na ginawa niya iyon para sa kapakanan nito. Pero pagkatapos, ano?

Sumibol ang pangamba sa dibdib niya. Paano kung tapusin nito ang engagement nila at bigyang tuldok na ang kanilang relasyon?

No. Hindi nito gagawin iyon sa kanya. Aasa siya na kahit pa bumalik ang mga alaala ni Diego, sa kanya pa rin ito. Lumunok siya.

"Nawalan ka na ng imik. Isip ka, ano?"

Pilit na ngumiti siya. "Uhm, ganoon na nga."

"Di naman kita masisisi. Kung ako nasa tayo mo, baka maparanoid pa ako." Sinalinan ng kaibigan ng ice tea ang baso niya. Kinuha niya iyon at uminom. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkauhaw.

"Anyway, nagtataka ako d'yan sa kapatid mo, ha."

"Si Mari?"

"Oo, si Mari. 'Yong kapatid mong nasa loob ang kulo."

"Oy, grabe ka naman. Kapatid ko 'yun." Mula't sapul mainit na ang ulo ng kanyang kaibigan sa kapatid niya. Mukhang di makabasag-pinggan daw kasi, pero nasa loob naman ang kulo.

"Half lang. At saka, wag mo na 'yon ipagtanggol. Parang di nga kapatid ang turing sa 'yo ng pukikay na 'yon. Ni hindi ka nga makuhang dalawin man lang dito. Kahit isang hello man lang sa telepono, di magawa. Kapatid ba 'yon?"

Natawa siya. "Oo na, bakit mo ba nabanggit si Mari?"

"Pumunta siya dito noong isang araw. I think four days ago. Dumating dito, kala mo kung sinong prinsesa kung umasta. Hinahanap ka niya."

Nagsalubong ang kilay niya. "Hinahanap? Bakit daw?"

"Ewan ko doon sa kapatid mo. Hindi naman sinabi kung bakit. Tinanong niya ung nasaan ka, then, sinabi noong sinabi ko na magkasama kayo ni Diego sa Sagada, umalis agad. Ni hindi man lang nag-thank you sa akin." Umirap pa ito sa ere.

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon