"MANLOLOKO siya!"
Marahas na pinunasan ni Kim ang luha sa kanyang pisngi. Kanina pa niyang hinahayaan ang sariling umiyak para sa lalaking 'yon sa pag-aakala na mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Marami-rami na din siyang luhang iniiyak. Gusto na niyang sabunutan ang sarili.
Ngayon malinaw na sa kanya kung bakit pakiramdam niya ay may mali. Dahil wala talagang amnesia si Diego. Naaalala nito ang lahat na nangyari sa kanila noon. Napaikot siya sa palad nito ng wala siyang kamuwang-muwang. She hated him for that.
"I think, dapat pag-usapan n'yo 'yang dalawa ni Diego."
"No, i don't want to talk him. Hindi na ako makikipag-usap pa sa gagong 'yon." Suminghot siya at nilagok ang tubig sa babasaging baso. Marahas nya iyong ipinatong sa maliit na mesa. Mabuti na lang at hindi iyon nabasag.
Napailing ito at tumabi sa kanya. "You and Diego should talk. Iyon ang makakabuti sa inyong dalawa. Iyon ang tama. Hindi ka pa ba natuto sa nangyari noon, Kim?"
Natigilan siya at napatingin kay Lynne. "Nagkasira kayo noon dahil sa kawalan ng maayos na pag-uusap. Hindi ka nakapagpaliwanag sa kanya noon at hindi mo rin siya noon binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Pareho kayong naging matigas sa isa't isa. And that's not right because you and Diego are couple. Sa tagal ng pinagsamahan n'yo, hinayaan nyo na lang dalawa na mawala 'yon."
"Kahit din naman mag-usap kami noon, wala naman siguro ding magbabago. Maghihiwalay pa rin kami. Iyon pa rin ang kakahantungan ng relasyon namin."
"Yes, pero bes, nabigyan kayo ng second chance ni Diego. Sinabi mo nga, di ba, nagawa lang ni Diego na magpanggap na may amnesia siya dahil mahal ka pa rin niya. Maybe, he really loves you and he wants you back. Iyon lang siguro ang nakikita niyang paraan para bumalik ka sa kanya. Mali nga siguro siya, but i'm sure Diego did it for love."
"I still don't know kung kakausapin ko siya," matigas ang boses niya.
"Hay, jusko! Huwag mo kaya pairalin 'yang pride mo? Give him the chance. Let him explain."
Nagdududa na siyang tumingin sa kaibigan. "Umamin ka nga, abogado ka ba ni Diego? Kanina mo pa siyang inaabogadohan, ah."
Tumawa ang kaibigan at pabirong sinabunutan ang buhok niya. "Eh, kasi di ko maintindihan kung bakit ka magagalit sa kanya dahil lang sa nalaman mong nagpapanggap lang siya. Dapat nga masaya ka teh! Walang amnesia si Diego. Hindi ka na mapaparanoid sa kakaisip kung anong gagawin mo kapag nakaalala ka na. Ibig sabihin niyan, lahat ng ipinakita niya sa 'yo sa Sagada, 'yong mga ipinaramdam niya at sinabi niya, totoo ang mga 'yon."
"Pero nagpanggap pa rin siya at ginawa niya akong tanga. He's an asshole!"
Parang nawawalan ng pasensya na bumuga ng hangin si Lynne. "Ano ba, Kim? Hindi ba kalimutan mo na lang 'yan? Hindi ka kay Diego dapat magalit. Kundi dyan sa kapatid mong bruha!"
Muling bumalik sa isip niya ang ginawang paghalik ni Mari sa pisngi ni Diego. Malinaw sa kanya na may gusto ito kay Diego. That surprised her.
Si Mari, may gusto sa boyfriend niya? Kailan pa? Parang hindi siya makapaniwala pero kitang-kita niya ng halikan nito ang binata. Kaya hindi niya napigil ang galit kanina. Nasaktan niya ang kapatid at alam niyang mali iyon. Hindi siya dapat nagpadala sa galit niya basta-basta.
"... Sinira niya tayo noon, Kim. Believe me."
Napatiim-bagang ang dalaga nang maalala ang sinabi ni Diego. Sinasabi ba nito na may kinalaman si Mari kung bakit humantong sila sa hiwalayan noon?
Ano naman ang kinalaman doon ng kapatid niya? Wala siyang makitang maaaring ginawa nito. Ang nangyari sa kanila noon ni Diego ay kasalanan nilang pareho.
BINABASA MO ANG
In Bed With My Ex (R-18)
General Fiction(R-18) Three years ago, iniwanan ni Kim si Diego. He was her first everything. Her first love. Sa kabila ng lahat, nagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Akala niya tuluyan na siyang nakalimot. Muli silang nagkita ng binata at hindi...