Chapter Thirteen

716K 12.2K 686
                                    



 "KAILAN ka pa nagpalit ng number?" sita sa kanya ni Diego pagdating niya sa ospital nang sumunod na araw. Salubong ang kilay nito at parang batang naisahan ng kalaro habang hawak ang cellphone nito. "Kanina pa kita kinokontak, hindi kita matawagan."

Matagal na siyang nagpalit ng number buhat ng maghiwalay sila two years ago. Itinapon na niya kung saan ang sim na naglalaman ng pagpapalitan nila ng sweet messages noon. Sa desisyon niyang putulin ang anumang koneksyon doon, pati ang videos nila na magkasama sila ay binura niya sa lahat ng gadgets na meron siya.

Napalunok ang dalaga. Hindi niya malaman kung paano siya magsisimulang magpaliwanag. Paano nga ba? Kailangan siguro na ipaalam na nya sa binata ang tungkol sa kalagayan nito. Nagpakawala siya ng mahabang buntong-hininga. "Diego."

"Ano 'yon, babe?" nakakunot-noo pa rin ito. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

 She was about to say something ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang mga magulang ni Diego. Kasama ng mga ito ang doctor na tumitingin sa binata.

 She let out a sigh. Umurong siya, binigyang daan ang mga ito palapit sa binata.

"Lalabas po muna ako," sabi niya sa ina ni Diego.

 Pinigilan nito ang kamay niya. "No, hija. Dito ka lang." Nakita niya sa mga mata nito na kailangan siya nito. Hindi na siya umalis sa kwarto. But she stayed at the corner of the room. Nakatungo lang siya nang magsimula na ang doktor na ipaalam sa binata ang kalagayan nito. At first, tila hindi matanggap ni Diego ang kondisyon nito. Pilit nitong sinasabi na ayos lang ito, na wala itong problema sa mga alaala nito.. That he's not suffering from amnesia.

Nasa denial stage ito at hindi matanggap ang sitwasyon nito. Kahit naman siguro siya ang tumayo sa sitwasyon ni Diego. Baka hindi rin niya matanggap sa una na may mga nawawalang alaala siya at may nakalimutan siya. Maguguluhan din siya. And for sure, baka maging frustrated din siya na alalahanin ang mga ala-alang nawala sa kanya.

Todo ang naging paliwanag ng doctor sa binata. Kahit ang magulang nito ay nakisabat sa pagpapaliwanag para kalmahin si Diego.

"I'm okay, i know i'm okay! Paano ako magkakaroon ng amnesia? I could remember all things that happened to me. You guys are just kidding!"

"Hindi kami nagbibiro, Diego. This is a serious case--"

"Stop that! I don't believe you!"

"Diego, you have to listen to us. Ang nangyari sa iyo ngayon ang epekto ng aksidente na kinasangkutan mo. Nawala ang mga alaala mo sa nakaraang dalawang taon. And the only thing that you have to do right now is open your mind, accept it, and calm down." malumanay ang boses ng doktor habang nagpapaliwanag, tila hindi naaapektuhan ng dumadagundong na boses ng binata.

"Paano ako kakalma kung sinasabi mong may amnesia ako? Tell me!" sigaw nito, namumula na ang mukha.

Hindi na napigilan ni Kim ang sarili. Lumapit na siya sa binata. "Diego, kumalma ka. Please." Hinawakan niya ito sa kamay at tinitigan sa mga mata. "Hindi mo kailangang magtaas ng boses."

Frustrated na bumuga ito ng hininga. Nababasa niya sa kulay asul nitong mga mata ang pagkalito. She understand him. Alam niya kung ano ang nararamdaman nito ngayon. Kung mayroon lang siyang pwedeng gawin para mabawasan kung anuman ang nararamdaman nito, gagawin niya. Nahahabag siya habang tinititigan ang lalaki.

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang doktor. Nasa tabi lang siya ni Diego. Halos hindi na niya napansin na magkahawak na pala ang kamay nila. Hindi niya maiwasang mapatingin sa mga kamay nila. Napakasarap sa pakiramdam ang mahawakan ito. Matagal na rin ng huli niyang makahawak kamay ang binata. At ngayon, parang hindi siya makapaniwala na mangyayari pa ulit 'yon.

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon