Chapter Four

808K 15.9K 650
                                    


 ANG MAKITA ang pagmumukha ng lalaking iyon pagkatapos ng tatlong taon ang pinakamasamang nangyari sa kanya sa araw na 'yon. Tila biglang nabura sa mga isipin niya si Edgardo at natuon iyon sa lalaking nagmamay-ari ng asul na mga mata.

 Nanlalabo ang mata ni Kim habang nakatingin sa unahan ng kotse, binabagtas ang daan pauwi sa bahay niya.

 Dumaan muna si Kim sa coffee shop, bumili ng maiinom para kalmahin ang sarili. Baka kung hindi niya makalma ang sarili, mapahamak pa siya sa daan. Nanginginig na sinuklay niya ang buhok habang nakikipagtitigan sa kape niya.

She was probably a criminal in her past life. Wala siyang nakikitang mabigat na rason para pagdaanan niya ang mga paghihirap sa buhay niya.

 Napangiti siya ng mapait. Buong buhay niya ay nakipaglaban siya sa kalungkutan na lumalamon sa kanya sa tuwina. At kahit pilit niyang tinatakasan at kinakalimutan ang mga bagay na nagpapahirap sa damdamin niya, pwersahan pa rin siyang hinihinala ng tadhana sa isang madilim na bahagi ng buhay.

 Isang masakit na kapalaran.


 So, yes. Baka nga kriminal siya noon kaya ngayon ay pinaparusahan siya ng tadhana.

Nanginginig na bumuga siya ng hininga.

 Bumalik sa isipan niya ang nangyari kanina. Nagkagulo kanina sa loob ng Paraiso ni Adan pagkatapos siyang posasan ni Diego. Yes, he was working for NBI. At aware siya kung ano ang nangyari kanina. Malinaw na nagkaroon ng raid sa naturang bar. Hindi nakakapagtaka 'yon dahil sa unang pasok pa lang naman niya sa loob ay mukhang nagsasagawa talaga ng prostitusyon ang bar na 'yon.

Pumasok sa isipan niya ang paghingi nito ng sorry.


 Mapait siyang natawa. Sorry? Hindi ba nito alam na huli na para sa salitang sorry? Hindi mabubura ng sorry nito ang sakit. Hindi mabubura ng sorry ang nakita n'ya noon. Lalong hindi mabubura ng sorry ang nawala sa kanya... sa kanila.

A silent scream began rising from her throat. Until now she could still feel her heart breaking apart..  Tila muling nagising sariwa ang sugat sa kanyang dibdib. Alam niya, kahit nagkaroon na siya ng bagong relasyon, hindi pa rin ganap na naghihilom 'yon. Dahil sa tuwing naalala niya ang nangyari, sumasakit pa rin ang puso niya.

 Tatawagan sana niya si Lynne nang tumunog ang cellphone niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya nang makita ang numero ng kanyang ina. Minsan lang niya nakakausap sa telepono ang magulang niya. Akala niya ay hindi na siya naalalala ng mga ito.

She press the answer button.

 Pinahid niya ang luha sa pisngi. "Ma, buti napatawag ka. Miss na kita." Napangiti siya. She really miss her mom. Kahit nagtatampo siya dito sa hindi nito pagdalaw sa kanya, hindi pa rin niya kayang magalit dito.

"Kimberly?" parang nagulat na sagot nito sa kanya at hindi inaasahan na siya ang sumagot ng tawag nito.

"Yes, Ma. This is Kimberly. Ano po'ng problema?"

"Oh, my bad. Dapat si Mari ang tatawagan ko." Naiilang na tumawa ito. Parang yelo na biglang nanigas ang katawan ng dalaga. "I guess, nagkamali lang ako ng na-dial na number. Next time na lang kita tatawagan, sweetheart. Take care." Hindi man lang siya nito hinintay na magsalita bago putulin ang tawag.

Di niya maiwasang makaramdam ng pagkirot sa dibdib. Sabagay, sino nga lang ba siya sa buhay nito? 

Oo, anak siya nito. Pero siya ang anak nito na naging dahilan para masira nito ang pangarap na maging isang beauty queen.

Nangangatal ang kamay na ibinaba niya ang cellphone.

 Isa lang naman ang kinikilala nitong anak, eh. She smiled bitterly at the thought of her half-sister Mari--sweet, beautiful Mari. Kung ituring ito ng ina niya na si Berly ay parang isang babasaging bagay na dapat ingatan. Para itong isang prinsesa sa mga alamat na labis labis ang atensyon na nakukuha.

 Eh, siya ba? Kailan ba niya nakuha ang atensyon ng kanyang ina? Kailan ba siya nitong inalagaan at prinotektahan? At kailan ito tumupad sa pangako sa kanya? Tatawagan daw siya nito next time?

 Umiling siya. Hindi na siya umaasa. Dahil kahit ang ama niya ay tila wala na ding pake sa kanya. May sari-sariling pamilya na ang mga ito, masayang nabubuhay... na wala siya. Produkto lang siya ng isang gabing pagkakamali.

One fcking night stand.

 Pinalaki siya, pinag-aral. Pero kailanman ay hindi niya naramdaman ang pag-aaruga at pagmamahal. Kung may ipagpapasalamat siguro siya sa mga ito ay dahil sa magandang genes ng dalawa.

Look at her now. She's beautiful, gorgeous... But pathetic.

 She would really like to think she's a criminal in her past life. Dahil wala siyang naisip na rason para maranasan niya ang ganoong kasaklap na buhay.


 NAGING MATAGUMPAY ang ginawang raid ng team nina Diego sa Paraiso ni Adan,ang gay bar na dalawang linggo nilang minamanmanan. Mayroong nakarating sa kanila na nagsasagawa diumano ang nasabing gay bar ng mga illegal na gawain tulad ng prostitusyon.

Iyon ang dahilan kaya pumayag ang binata na pumasok sa lugar at mag-apply bilang isang macho dancer. Pangalawang araw na niya doon at napag-alaman niya na pinagsasayaw ng hubad ang mga lalaki sa bar. Base rin sa mukha ng mga lalaking nakasama niya doon, ilan sa mga sumasayaw ng hubo't hubad ay menor de edad pa.

 May lumapit sa kanyang reporter para kuhanan siya ng pahayag. Mabilis na tumanggi siya at lumayo sa lugar na 'yon. Tapos na ang misyon niya. Now it's time to rest.

Bumuga siya ng hininga ng maalala si Kim.

 Hindi niya akalain na sa lahat ng lugar na puwede ulit silang magkita ay sa isa pang gay bar kung saan tinatapos niya ang isang misyon. Bumalik sa alaala niya ang namagitan sa kanila sa loob. Mabilis na uminit ang katawan niya. Wala pa ring nagbabago sa epekto sa kanya ng dalaga.

Kimberly was, without a doubt, the prettiest and sexiest woman he had ever known. Ganoon pa rin ang gamit nitong pabango. Her seductive perfume never fails to make his body burned with desire. 

 Tila tuksong nagpaulit-ulit sa isipan niya ang nangyari kanina sa loob ng bar..

Damn. Get a grip, Diego!

 Hindi ba niya narinig ang sinabi ng dalaga kanina? She obviously hate him. At walang ibang dapat na sisihin sa galit nito kundi siya. Muli, sa loob ng dalawang taon ay naramdaman niya ang pamilyar na pag-atake ng guilt sa dibdib niya.

Napatiim-bagang siya na pumasok sa kotse n'ya at mabilis na pinasibad iyon. Ilang beses niyang itinanim sa utak na hindi niya sinasadya ang nangyari, wala siyang alam at huli na ng malaman niya. Ngunit hindi niya maiwasan na sisihin rin ang sarili. It was his fault.

 And saying sorry is not enough.

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon