Chapter Nineteen

679K 13.4K 1.1K
                                    


HE WAS ignoring her, the bastard. Kanina pa niyang hinuhuli ang tingin ni Diego pero tila hindi siya nito nakikita. Di maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa lalaking nagagawa pang ngumiti ng maluwang sa kausap nito. Magkatabi sila sa mesa pero ni isang sulyap sa kanya ay hindi pa nito nagagawa.

He was ignoring her since yesterday. Pagbalik nila ni Mang Impe, hindi na siya pinapansin nito. Halata ang pag-iwas nito sa kanya. Hanggang sa pagtulog nila ay malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Kung kakausapin man siya nito, tipid lang at walang gana.

Ngali-ngali niyang sabihin dito na hindi siya natuloy sa pagbili at paggamit ng pills. Alam naman niya na iyon ang ikinasama ng loob ni Diego sa kanya. Kaya hindi siya nito ngayon pinapansin. But for some reason, parang hindi niya iyon masabi dito. Wala siyang lakas ng loob na kausapin ito gayong hindi nga siya nito pinapansin.

"Eh, anong plano n'yo ngayon ng nobya mo? May mga plano na ba kayong pasyalan habang nandito kayo sa Sagada?" tanong ni Manang Lucing kay Diego. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga ito habang kumakain.

"Wala pa sa ngayon, Manang. Siguro ho kapag bumalik na ulit ang lakas ko. Sa ngayon, parang kailangan ko pa magpahinga ng ilang araw bago kami mamasyal."

"Sabagay, sa aksidente na tinamo mo. Kailangan mo talaga na bigyan ng tamang kondisyon ang katawan mo, hijo."

"Ganoon na nga ho."

Di niya napigilan ang pag-angat ng kilay. Tiningnan niya si Diego. Mala-anghel sa kainosentahan ang ngiti nito. Mukha namang concerned na concerned dito si Manang Lucing, paniwalang-paniwala sa lalaki. Kung alam lang ng ginang... Hindi talaga kailangan ng lalaki ang mga pinagsasabi nito. With the way he made love to her yesterday, parang wala itong dinanas na aksidente. Parang nakainom ito ng energizer at punong-puno ng enerhiya ang katawan.

"Magandang umaga!' masiglang bati ng isang boses.

Sabay-sabay silang napatingin sa dumating. It was Sven. Nakaputing T-shirt at faded blue denims ang lalaki. Mas lalong nagpatingkad sa kagwapuhan nito ang aviator glass na suot nito sa mata. Kung kasama lang niya siguro si Lynne, baka makalimutan agad nito ang dati nitong nobyo at mas piliin na si Sven.

Every woman would fall for that powerful jaw and sensual lips. Kahit yata siya ay parang biglang tinubuan ng pagkaka-crush sa binata.

Naramdaman niya ang tila matalim na tingin na ipinupukol sa kanya ng kung sino. Napabaling siya kay Diego. And true enough, his eyes looked so murderous. Parang papatay ito sa tingin nito.

"What?" Nag-taas siya ng kilay.

Madilim ang anyo nito. At parang nahuhulaan na niya kung bakit ito nagkaganoon bigla. Iniiwas nya ang tingin at lihim na napangiti.

"Oh, Sven, nandito ka na pala. Sabay ka na sa amin."

"Okay lang po ako, Tita." ngumiti ito, medyo nahihiya.

She smiled at him. "Oo nga, Sven. Sumabay ka na sa amin. Huwag ka na mahiya."

Marahas ang naging pagsinghap ni Diego sa tabi niya. Obvious na hindi nagustuhan ang matamis na approach niya sa gwapong lalaki. Hinayaan lang niya ito. May nalalaman pa itong hindi pagpansin sa kanya. Tingnan lang niya kung hanggang saan ang kaya nitong pag-iignora sa presensya niya.

Inasikaso ni Manang Lucing ang pamangkin nito habang siya naman ay nagsimulang makipag-usap kay Sven. Wala siyang pakialam kung di na maipinta ang mukha ni Diego. Iignorahin din niya ito sa paraan na hindi siya nito pinansin mula kagabi.

"So, anong ginagawa mo ngayon. Sven? Sven ba ang pangalan mo or palayaw mo lang yon?"

"I'm an engineer and yes, Sven is my name. Sven Rossa."

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon