"CALLAN!" tawag ni Diego sa kaibigan niyang pulis din at laging nakakasama sa mga operation nila. Nakasandal ito sa patrol nito at mag-isang nakangiti. Mabuti pa ang kaibigan. Mukhang nagkaroon na ng development sa pagitan nito at sa kababata.
Tumingin ito sa kanya at bahagyang tumuwid ng tayo. "O, Diego."
"Mag-meryenda muna tayo." Inilapag niya sa nguso ng kotse nito ang isang kahon ng pizza.
"Tamang tama. Gutom na ako. Salamat, brad." Sinaluhan siya ng kaibigan. Tahimik lang siya habang kumakain. Hindi siya iwanan ng partikular na mukha ng isang babae. Ilang araw na buhat ng makita niya ulit ito at mula noon ay hindi ito mawala sa isip niya.
Kimberly..
Marinig pa lang niya ang pangalan nito sa ibang tao, kahit 'yong mga kapangalan lang ay hindi niya maiwasan ang pagdaloy ng mga alaala kasama ang dalaga. Hindi sapat ang dalawang taon upang makalimutan niya ito ng tuluyan. Hindi sapat ang paghihiwalay nila upang mawala ang mga epekto nito sa kanya.
Sa muling pagkikita nila, hindi niya inaasahan na nandoon pa rin ang mga damdamin niya sa dalaga. Aminin man niya o hindi, nasabik siya ng husto. Kumakawala ang damdamin ng binata sa muling pagkikita nila at tila mababaliw siya sa halo-halong emosyon.
Sa muling pagkikita nila, isang bagay pa rin ang napagtanto niya.
He still cares.
ILANG BUWAN na rin na hindi nakikita ni Kim ang kanyang ina. Tuwing dinadalaw niya ito ay nagkakataon naman na wala ito sa tinutuluyan nito. Ganoon din ang kanyang ama. Hindi niya alam kung sinasadya ba o talagang wrong timing lamang siya kung dumalaw.
Nauna na siyang umalis kay Lynne sa shop. Kung may isa siyang pinagkakatiwalaan sa negosyo niya, si Lynne 'yon. Sino pa nga ba? Si Lynne na lang naman ang nasa tabi niya. Si Lynne na lang ang taong maituturing niyang maaasahan at makakapitan kapag may problema siya.
Ubod ng pait na napangiti si Kim. Kahit isang kamag-anak, wala man lang makaalala sa kanya. Tumawag naman sa kanya kagabi ang Papa niya. She thought he finally remembered. Akala lang pala niya.
Hindi kalayuan sa bakeshop niya ang bahay na tinutuluyan niya. Nilalakad lang niya iyon kapag gusto niyang mag-isip. Pero kapag marami siyang ginagawa ay sumasakay na lang siya ng tricycle at nagpapahatid doon. Walang espesyal sa araw na 'yon. Hindi naman siya nahirapan sa bakeshop sa buong maghapon pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Her mind and body felt so tired.
Nakakapagod din pala mag-isip sa mga tao na obviously ay wala namang pakialam sa kanya. Sinubukan niya kanina tawagan ang kanyang mama. Sumagot naman ito, pero mabilis ding nagpaalam. At tulad ng ama niya, hindi man lang siya hinintay na sumagot bago siya pagpatayan.
Masakit. Masakit ang maramdaman mo 'yong rejection mula sa magulang mo. Ngunit kahit ganoon, mas mahihirapan siguro siya kung aakto siya na walang pakialam sa mga ito. Sa kanyang magulang.
Pumatak ang luha sa pisngi ni Kim. Nasa tapat na siya ng kanyang bahay nang mapansin niya ang nakaparadang Aston Martin doon.
"You should wipe your tears."
Napatingin siya sa nagsalita. Parang isang masamang panaginip ag sumulpot sa unahan niya.
Napaurong si Kim. "Ano'ng ginagawa mo dito?" asik niya at pasimpleng pinahid ang luha sa pisngi niya. Isang linggo na ang nakaraan mula ng magkita ulit sila.
Isang linggo na rin ang nakaraan nang mangyari ang raid sa Paraiso sa Adan kung saan pinosasan siya nito at dinala sa kotse nito. Hanggang ngayon ay di niya maintindihan kung bakit nito kinailangan na posasan siya gayong wala naman siyang ginawang illegal.
The bastard Diego just smiled at her. Tila hindi napansin ang galit sa mga mata niya. "I just came to apologize for what happened that night. Walang dahilan para posasan kita nang gabing 'yon and i'm very sorry."
Matagal niya itong tinitigan bago tumugon. "Three years is not enough."
Nagsalubong ang kilay ni Diego. "What do you mean?"
"Hindi sapat ang tatlong taon para mabago ka. You're still the same Diego McIntosh. Always late for saying sorry."
"Kim.."
She smiled bitterly. "What's new? I'm not really surprised." Iniiwas niya dito ang tingin at binuksan ang gate. Hindi niya kakayanin ang makausap ng matagal ang lalaki. Kahit pa magmukha siyang duwag. Sinabi niya sa sarili na sisiguraduhin niyang hindi na ulit sila magkikita ni Diego. Ngunit mukhang nangingialam na naman ang kapalaran sa buhay niya.
"Mag-usap tayo, Kim."
Hinarap niya ito. "Wala tayong dapat pag-usapan. Matagal ng tapos ang lahat sa atin. At kung ang ipinunta mo lang dito ay para humingi ng tawad sa nangyari noong isang linggo, balewala na 'yon sa akin. You don't need to say sorry. Si Edgar ang ipinunta ko doon noon at hindi ikaw. Let's just forget what happened that night. You should go home. Wala kang mapapala sa akin. Good night, Diego."
She didn't bother to look at his blue eyes. Galit siya sa mga mata nito. Dahil minsan kahit ano pa ang galit niya dito, nababalewala lang 'yon kapag tumutok na sa kanya ang pares ng kulay asul na mga mata ng binata.
Isinarado na niya ang gate. Mariin siyang napapikit ng makapasok sa bahay niya. Nanlalambot ang mga tuhod niya, nangangatal ang mga kamay. Mabigat ang paghinga niya at kung titingnan niya ang sarili sa salamin, makikipagpustahan siya na tila tinakasan na ng kulay ang mukha niya.
Oh, God. She hate herself right now. She hate herself for being so weak, so affected by his presence. Tatlong taon na ang nakalipas.. Ilang beses na niyang ipinaalala sa sarili na tapos na. Na wala na siyang nararamdaman pa sa lalaki. Ipinaalala niya sa sarili na ang lahat ng pinagsamahan nila ay nasa basurahan na. Itinapon na niya ang lahat ng 'yon pagkatapos niyang talikuran ito. Inutusan na niya ang sarili na bitawan ang lahat ng pagmamahal dito.
Pero bakit ganoon? Bakit nahihirapan pa rin siya kapag naalala niya? Bakit masakit pa rin? Napaupo siya sa likod ng pinto.
What did she ever do to others for her to experience all of this? Damn it! She's always kind to other people. Wala siyang nakaaaway noong pumapasok sa eskuwelahan. Laging may magandang nasasabi sa kanya ang mga guro tungkol sa ugali niya. At ni hindi nga niya nagagawa pang mangopya kahit na bumagsak pa siya sa kanyang test!
Nanginginig na isinuklay niya ang kamay sa buhok kasabay ng mapait na tawa.
This is stupid. Her life was a bullsh1t. Kahit na saksakan pa siya ng pagiging mabait, lagi pa rin siyang nadedehado. Lagi pa ring inaapakan ng mga tao sa paligid niya ang kanyang damdamin.
Narinig niya ang papalayong kotse ni Diego. Napapikit siya. Pinigilan niya ang lumapit sa bintana o kaya ay lumabas para tanawin ang papalayong kotse nito. There's no way she would do that.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nalilimutan ang kasalanan nito sa kanya. Kinamumuhian niya si Diego. Hinding-hindi niya ito mapapatawad.
Dahil hindi na nito maibabalik ang buhay na nawala sa kanya.
BINABASA MO ANG
In Bed With My Ex (R-18)
Narrativa generale(R-18) Three years ago, iniwanan ni Kim si Diego. He was her first everything. Her first love. Sa kabila ng lahat, nagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Akala niya tuluyan na siyang nakalimot. Muli silang nagkita ng binata at hindi...