NANG ARAW na iyon ay dumalaw rin ang mga kasamahan ni Diego sa trabaho. Bahagya pang nagulat ang binata. Dahil sa kondisyon nito, hindi nito naalala ang ibang kasamahan nito sa sangkapulisan. May isa lang ito nakakilala.
Napakunot-noo si Kim habang pinagmamasdan ang lalaking kausap ngayon ng binata. Pamilyar ang mukha nito sa kanya. Parang nakita na niya ito noon. Siguro nga. Pero hindi lang iyon ang kumuha ng atensyon niya para pakatitigan pa ito. Tila naramdaman ng lalaki na ang mga mata niya dito. Lumingon ito sa pwesto niya at ngumiti.
Doon niya napagtanto kung bakit parang pamilyar ito. Kahawig na kahawig nito si Diego! Bukod sa parehong kulay asul ang mata ng mga ito, mas lalong nagkakamukha ang dalawa kapag ngumingiti. Damn. Bakit pakiramdam niya ay magkadugo ang mga ito? That's ridiculous. May mga tao naman siguro talagang nakakamukha lalo na kapag laging magkasama. Sa pagkakaalam ni Kim, ang lalaking ito ang itinuturing ni Diego na matalik na kaibigan sa trabaho.
"Sa susunod kasi mag-ingat ka na. Pasalamat ka, 'yan lang ang nakuha mo. Paano kung mangyari 'yon ulit sa 'yo sa susunod?" may panenermon ang boses ng lalaki.
Tumawa si Diego. "Callan, p're, hindi basta basta namamatay ang mga gwapo. Alam mo 'yan."
"Puro ka kalokohan." Ginulo nito ang buhok ni Diego na parang nakakabatang kapatid nito na pinapangaralan. May kung anong emosyon ang humaplos sa puso niya habang pinapanood ang dalawa. "Sige, mauna na ako sa 'yo. Kailangan ko pang samahan si Kira sa kakilala kong OB."
Nagsalubong ang kilay ni Diego. "Sinong Kira, tol?"
"Huh? Hindi mo kilala ang asawa ko? Hindi ba---"
"Excuse me." Lumapit agad siya sa mga ito at humarap kay Callan. "Puwede ba kitang makausap kahit sandali lang?"
"Saan kayo pupunta, mahal?"
"Kakausapin ko lang ang kaibigan mo. May mahalaga lang akong sasabihin sa kanya."
"Bakit hindi mo pa sabihin sa harap ko?"
"Diego." seryosong tumingin siya dito. "Sandali lang ito. Babalik din agad kami. Okay?"
Napipilitan na tumango ito. Hinila niya si Callan palabas ng silid ng binata. "May naging problema ba kay Diego? Bakit hindi niya maalala ang tungkol sa asawa ko?"
"Yes, there's a problem with him right now."
"What is that?"
"May retrograde amnesia si Diego. And it's a serious problem. Bumalik ang isip niya sa nangyayari two years ago. Nawala sa kanyang alaala ang mga mahigit na dalawang taong nangyari sa buhay niya bago ang aksidente." pagpapaliwanag ni Kim.
"And that explains enough kung bakit hindi niya kilala ang ibang kasamahan namin at si Kira."
She nodded.
"At iyon rin ang dahilan kung bakit nasa tabi ka niya ngayon. You're his ex-girlfriend, right?"
Nag-init ang mukha niya. "I-I am."
Tumango ang lalaki. "I understand." Humugot ito ng hangin. "May sinabi ba ang doktor kung paano siya gagaling? I'm sure maguguluhan si Diego kapag nalaman na niya kung ano ang kanyang kondisyon. At ikaw, sigurado akong mahihirapan ka sa sitwasyon n'yo. Hindi mo na siya mahal, pero dahil sa nangyayari ngayon sa kanya, kailangan mong magpanggap na mahal mo pa rin si Diego."
Parang may sumuntok sa tiyan niya sa huling pahayag nito. Marahas na nahigit niya ang hininga. Ibubuka pa niya ang bibig para sabihin na hindi totoo ang sinabi nito, na may nararamdaman pa rin siya sa binata. Pero nginitian lang siya nito. "It's okay. You don't need to explain. Just take care of him."
BINABASA MO ANG
In Bed With My Ex (R-18)
General Fiction(R-18) Three years ago, iniwanan ni Kim si Diego. He was her first everything. Her first love. Sa kabila ng lahat, nagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Akala niya tuluyan na siyang nakalimot. Muli silang nagkita ng binata at hindi...