Chapter 5. Biko ihi.

98 0 0
                                    

KAI'S POV

Nandito parin ako sa classroom ng first section, kasama ko si Kuyang tinulungan ko, na tinulungan din ako. Tulungan kame.

"Ms. Melosantos, gusto mo bang sumama sa presinto?", tanong ng guidance counselor sakin. Kinuha na ng mga pulis si Sir Venci.

Hindi ako nakasagot. Natrauma ako dun ha, grabe na 'tong mga nangyayari sakin.

"Baka bukas na lang po siguro Miss, pagod na po siya at gabi na po.", si Kuya na ang sumagot para sa akin. At tama siya, pagod na talaga ako.

"Okay Mr. Calasicas. And thank you for reporting this to us. I never expected this from Sir Venci.", nag-aalalang sabi ni guidance counselor.

"You're welcome po.", umalis na yung guidance counselor kaya kaming dalawa na lang ang nandito. Gusto ko nang umalis sa classroom na 'to, nakakapandiri.

Tumayo ako at papalabas na ang classroom nang hawakan ako ni Kuyang katulong (katulong kasi nagtulungan kaming dalawa) sa braso at nagsalita, "Samahan na kita."

"Ha? W-wag na. Kaya ko na.", hindi parin ako humaharap sakanya. Nakakahiya kaya.

"I insist. Wala ka pa man ding bra, baka kung ano pang mangyari sayo.", natakot ako. Oo nga pala, baka maulit nanaman, ayoko na. Natatakot na ako.

Hinawakan niya ako sa kamay at pumunta kami sa parking lot ng school. Palinga-linga nga siya eh nung papunta kaming parking lot. Pumasok kami sa isang magarang puting sasakyan, ewan ko kung anong kotse 'to, basta maganda siya. Nagtaka ako kasi parehas kaming nasa backseat. Walang magdadrive?

"Natagalan po ata kayo, Young Master?", nagulat ako kasi may driver pala sa harap. Tumingin ako kay Kuya katulong nang nakakunot ang noo.

"Madaming nangyari.", sabi niya sa driver tapos humarap siya sakin, "San bahay mo?"

Kahit ang daming tanong ngayon sa isip ko, sinabi ko na lang yung address ko at nanahimik. Humanga naman ako kasi may GPS yung kotse, astig! Mayaman pala si Kuya katulong? Dapat pala hindi na katulong ang tawag ko sakanya, ang sagwa.

Mga 5 minutes lang, nasa tapat na kami ng bahay ko, ang bilis. Tahimik lang kami buong byahe, ang dami ko kasing iniisip. Haay, bakit ganun? Parang kahapon lang tahimik yung buhay ko ah, tapos bigla na lang naging komplikado.

Lumabas na ako ng kotse niya pero bago ko isara ang pinto eh nagwave muna ako sakanya. "Babye! Tsaka salamat!"

"Bié kèqì.", automatic na nagsara na yung pinto at umandar na ito. Hinintay ko itong mawala sa paningin ko.

Ano daw? Biko shihi? Biko ihi? Yuck. Alien language eh. Anlabo.

Ay oo nga pala! Hindi ko natanong yung pangalan niya! Ano ba yan, all this time Kuya katulong lang yung tawag ko sakanya! Pero nakita ko yung color nung ID lace niya, red eh. Ibig sabihin third year din siya. Baka nga magka-age lang kami, tapos Kuya pa yung tawag ko sakanya.

Ah ewan, pagod na ako, kaya pumasok na ako ng bahay at naghanda na para matulog. Pupunta pa ako kay Tatay bukas, kawawa naman si Ate, siya nagbabantay kay Tatay ngayon eh. Haaaay, what a day.

***

Kakarating ko lang sa school, ang aga ko nga eh, mga 6 pa lang nadito na ako, eh 7 pa ang simula ng klase, kaya nag-gala muna ako. Atsaka nagdugo kasi kahapon yung mga sugat ko sa balikat at tiyan, ang sakit. Atsaka kadiri, naiyak nga ako kahapon habang ginagamot yun eh, ayoko talaga sa dugo, buti na lang tumigil na.

Inlove With That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon