Chapter 17. You're Fired!

62 1 1
                                    

KAI'S POV

Huuuuh? Ano yung naririnig ko? Nasan ako?

"Aray! Ah! Dahan-dahan! Ahhhh."

What the efff? ANG BAKLA NAMAN NG BOSES NA YUN! Iniipit pa! (>0<)

"Zaareh beybeeh. Para sayo, dadahan-dahanin ko. Yeaah"

Parang kilala ko yung boses na yun... Teka. Parang lasing ah.

"Aaaaahhhh! Ahhhhh! Ang sakit! Dahan-dahan sa pagpasok!"

OW MAY GAAAAAD ANONG GINAGAWA NG MGA BALAHURANG LALAKI NA ITO!! Lalaki talaga yung mga boses eh! Iniipit lang nung isa yung boses niya.

Pero kilala ko talaga yung boses ng dalawang yun eh.

"Aaah! Aaah! Aaaah!"

Naglakad lang ako ng naglakad pero parang wala naman akong nararating. Puro black lang yung nakikita ko.

"Saaaaaam! Saaaaaaam! Malapit na!"

Sam? Si Sammy boy?

Ayun, may nakikita na akong ilaw. Pinuntahan ko yun. Ay pintuan pala.

Nararamdaman kong dito galing yung lintik na ingay na yun eh.

"Coltrane! Nakapasok na!"

What the?!

Binuksan ko yung pintuan at AAAAAAAGGGGGGGGGGHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!

UWVDUAJHSXJSOAKUSUUZXHU!!

(a/n: Ang scene na nakita ni Kai: Pinapasok ni Coltrane yung PAA niya sa sapatos niya pero di kasya at tinutulungan naman siya ni Sam. Lasing magsalita si Sam. Wag madudumi.)

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!", hingal na hingal akong bumangon. Oh, wala pa lang pasok, ang aga ko naman gumising.

Teka nga anong oras na ba? *hanap cellphone* Ay loko wala na nga pala akong phone. Badtrip naman pinaalala pa umagang-umaga. (TT3TT)

Bakit ba ako nagsisigaw ulit? NAKALIMUTAN KO NA YUNG PANAGINIP! Ano ba yan nakakainis. Lagi na lang yun nangyayari sakin! Minsan naman may naaalala ako, pero konti lang.

Aiiiiiiisht. Wag na nga! Pero parang nararamdaman kong di maganda yun ah. Bleeeegh.

At dahil di na din naman ako nakakatulog pag gising na ako, bumangon na lang din ako.

Dumiretso ako sa CR at nag-toothbrush. Nung tinignan ko yung mukha ko sa salamin...

Shet ang panget ko na. Haggard look. Mukha akong balasubas.

Which is true. Huhu. (/ TT,TT \)

Kesa laitin ko pa yung sarili ko, bumaba na lang ako at nanood ng Spongebob Squarepants sa TV. Haha malamang sa TV alanganamang sa radyo lang. Ano sounds lang? Luuuul.

Nakailang episodes din ako sa panonood ang nautical nonsense na palabas na ito. Tumingin na ako sa orasan. Uyy 9AM na.

Last episode na siguro 'to. Yung title nung episode ay "You're Fired!". At oo, tinanggal ni Mr. Krabs si Spongebob sa Krusty Krab. Makakatipid daw kasi si Mr. Krabs ng nickel kapag hindi binawas niya sa gastos yung pagpapasweldo niya kay Spongebob.

Ayun, devastated si Spongebob. Basta hindi ko na ikekwento dito lahat pangit ako magkwento! Panoorin nyo na lang. ;)

(a/n: I suggest you watch it. Hahahaha!)

Inlove With That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon