KAI'S POV
Nakaasar naman! Sunday ngayon. Gusto ko nang mag-Monday dahil malilintikan talaga sakin yang walangyang Coltrane na yan! Puputulan ko talaga yun ng ano.... KUKO! Wag naman yun sayang lahi ng bading na yun.
Dahil Sunday ngayon, syempre nagsimba muna ako sa chapel ng subdivision namin. Para iwas gastos diba, wala ng pamasahe. Hay nako naaalala ko nanaman si Sam sa iwas gastos na yan. Hahaha! Pa-safeguard safeguard pa kasi eh. XD
Pagkatapos kong magsimba, dumiretso na ako sa hospital. Syempre bibisitahin ko si Tatay, dapat nga kahapon eh kaso masyado akong naging excited, yun pala wala lang din. EWAN! Kalimutan na nga yon! >_<
"Hello po Tay!", bati ko agad pagkapasok ko palang.
Nakita ko namang nakaupo si Tatay sa hospital bed nya. Yeah, nakaupo na siya! ^0^
"Aba nandito na pala si Bunso. Mabuti at kompleto tayo ngayon.", masayang sabi ni Tatay.
"Weh? Kumpleto po tayo? Yeeees! Kaso asan po si Ate?", tanong ko at inikot ang tingin sa buong kwarto.
"Nandito!", biglang bumukas yung pinto, at nandun si Ate, may dalang take out from Jollibee!
"Jollibeeeee!", tapos tumakbo ako papunta sakanya. Hmmmm ang sarap amuyin ng Chicken Joy! Yumyum *u*
"Baka amuyin mo na lang yan bunso ha.", natatawang sabi ni Tatay.
Nilapag na namin yun sa mini sala at dun na kami kumain. Nagkekwentuhan din kami habang nakain kasi ang tagal na naming hindi nagkasama!
Pero hindi ko kinwento yung pagkakabaril ko at yung pagtangkang rape ni Sir Venci kasi ayoko nang mag-alala pa si Tatay. Atsaka alam naman ni Ate na iniiwasan kong sabihin yun kaya syempre hindi nya rin binabanggit.
"Kamusta naman ang date nyo ni Coltrane bunso? Diba sabi mo nung Biyernes niyaya ka niya?", masayang tanong ni Tatay.
Dun naman ako napapoker face. Pati si Ate nag-a-abang din ng sagot. Hindi ko pa kasi nakekwento sakanya atsaka wala rin naman siya sa bahay kahapon kaya hindi niya alam na gabi na akong nakauwi at hinatid ako ni Sam.
Sheet. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang "Hindi siya dumating pero dumating yung kaibigan ko kaya kami na lang yung nagdate." Eh ang pangit naman nun, atsaka hindi naman date yun eh, pinakain lang talaga ako ni Sam.
Eto na lang kaya? "Dalawang oras akong naghintay pero hindi siya dumating. Buti na lang dumating yung kaibigan ko at pinakain ako."
Ang panget naman pakinggan nun. Mag-aalala si Tatay at para namang aso ako nun na pinakain ng amo.
"Ano po.... Okay naman po!", sabi ko with pilit smile. Sabihin ko na lang na okay para hindi na sila mag-alala. Haay jusko parang santa naman ako nito. :3
"Okay daw. Wushuuu. Kayo na no?", pang-aasar ni Ate.
"Hindi pa nga Ate eh. Bakla nga yun. Kaya matatagalan.", sagot ko.
Haay Ate. Kung di lang para sainyo, hindi ko naman pagtyatyagaan si Coltrane eh. At kung hindi ako pumayag sa kontrata, bestfriends parin ang turingan namin. Pero ngayon, feeling ko napakasama kong kaibigan para gawin 'to, pero para naman sa ikagiginhawa ng pamilya ko eh. Para sa kanila..
"Basta bunso, dahan-dahan lang ha? Isipin mo rin ang sarili mo minsan. Wag sobra, dahil kapag sobra eh masama na. Wag mong pababayaan ang sarili mo ha?", pagpapaalala ni Tatay.
BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
RomancePaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...