KAI'S POV
"I sincerely hope this will never happen again in the future Ms. Melosantos.", stern na sabi ng Customer Service Head.
Huminga ako ng malalim habang nakayuko at nag-nod.
"Thank you for giving consideration to her condition. Sorry for the inconvenience Sir.", si Coltrane ang sumagot para sakin.
"Secretary, please escort them back to the mall.", sabi nung masungit na Head sa secretary niya at tuluyan na nga kaming nakarating sa mall.
Nakatanggap ako ng nakakaconscious na mga titig mula sa mga taong hula ko eh nakita ako kanina. Umupo ako sa pinakamalapit na upuan at marahas na tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
What a mess I made. Galing mo talaga gumawa ng gulo Kai. -__-
"Sorry... Sorry talaga...", paulit ulit kong sinabi at nagkacrack na ang boses ko.
Tuloy-tuloy na umagos yung mga luha ko at basang-basa na yung palad ko. Wala na akong mukhang maihaharap sa lahat, lalo na kay Coltrane.
Pagkatapos kong saktan ang damdamin niya, eto niligtas nanaman niya ako. Mababaliw na talaga ako kanina, thank God I saw him.
"I'm so sorry Coltrane... Patawarin mo ako....", wala akong pake kahit ilang beses ko pa 'to paulit-ulitin sakanya. Narealize ko ang kahalagan ng sorry at hindi ka dapat magsayang ng ni isang segundo para sabihin yun. Napakalaki ng kahalagahan nun, natuto na ko.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya kasi nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko. Laking gulat ko nung may mga malalambot na kamay na pumatong sa balikat ko.
Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha ko at nakita ko ang heartwarming smile ni Coltrane. Isang genuine smile na minsan lang niya pinapakita, at napakaswerte ko dahil ngayon niya 'to pinakita sakin.
"I forgive you. Hindi kita matitiis. Hindi mo naman ginusto ang pag-atake ng phobia mo. I'm also sorry I left you alone."
Saglit ko lang nakita yung ngiti niya dahil napalitan ito ng guilt at concern. Hindi dapat siya maging sorry, ako ang may kasalanan hindi siya.
"Kung di sana kita iniwan, di mangyayari 'to. Pride conquered me, and I hate it. Napahamak ka pa dahil sakin.", yumuko siya at tumitig sa sahig habang ang mga kamay niya eh nasa balikat ko parin.
Nandito nanaman yung guilt feeling. Sobrang guilt. Ganito kakonti pa lang yung kasalanan niya, sobrang nagsisisi na siya. Eh ako, sobra pa sa pinagsama-samang deadly sins yung bigat ng ginawa ko, at may time pa ako sa pride.
Napapansin kong mas napapadalas ang guilt feeling ko. At nagtatalo ang isip ko kung maganda ba yun o hindi. Maganda dahil kahit papano eh napapanatili ko pa naman yung pagpapakatao ko sa pagkakaroon ng konsensya. Hindi maganda dahil ang laking hadlang nito sa kontratang dapat kong tapusin habang mas maaga. Naguguluhan na ako.
"Wala kang dapat ipagsorry. Niligtas mo ako. At sobra ang pagpapasalamat ko.", sabi ko. Sa kaloob-looban ko, hindi ko maintindihan kung sincere pa ba yun o hindi.
Inalis niya na ang mga kamay niya sa balikat ko. Tumayo siya at tumabi sakin. Nagside view ako ng konti palayo sakanya dahil hindi ko na kakayanin kung may dadagdag pa sa guilt feeling ko.
"Wanna give me information about... your uhh.... phobia? Ngayon ko lang kasi nalaman.. yung… yeah.", nag-aalinlangang tanong niya. As gay as ever.
Pero sa totoo lang, wala akong ganang pag-usapan ang tungkol sa monophobia ko. Tama na muna ang stress na naranasan ko ngayon. Actually sobra-sobra na nga eh.

BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
RomancePaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...