Chapter 6. Beats!

70 0 0
                                    

KAI'S POV

After 987654321 years ay dumating na rin yung blouse ko. At katulad nga ng sabi ni Sam, siya na ang nagbayad. Yaman talaga neto eh. Wahaha. Pero hindi ako mukhang pera ah, siya kaya nagvolunteer! Alanganamang tanggihan ko, edi wala akong maisusuot? :3

Dahil ang tagal ng pag-uusap namin ni Sam, late na tuloy kami sa first subject namin, kaya hihintayin na lang namin mag-8 at second subject na lang ang aattendan namin. Naglalakad kami ngayon papunta sa building ng third year. May pagkalayo yun sa hospital eh.

"Péngyǒu."

Biglang nag-Alien language nanaman si Sam. Ano nanaman 'to ngayon? Pe....pe... Andaw?!

"Ano? Yan ka nanaman eh.", reklamo ko.

"Ah, sinabi ko ba yon ng malakas?", tanong niya sakin. Hala? Labo lang?

"Ang weird mo! Anong language ba yang sinasabi mo?", tanong ko.

"Wala."

Hmmm, nakakacurious naman. May lahi kaya 'tong si Sam? Kasi kung titignan, parang meron talaga eh. Ang tangos ng ilong niya, may pagkasingkit siya, maputi din siya. Parang hindi naman pure Filipino!

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa habang nasa baba ko pa ang mga kamay ko. Ang suspicious talaga eh.

"H-hoy. Ano ba. Alam kong maganda ang katawan ko, wag mo nang titigan.", sabi niya.

"Hay nako. Ang yabang mo!", sigaw ko. Totoo naman eh! Okaay.. maganda nga yung katawan niya, pero hindi naman yun eh!

"Oo na. Tara na, malelate na naman tayo.", sabi niya nauna nang maglakad kaya sumunod na rin ako.

Nandito na kami sa tapat ng classroom ko, sa dulo pa kasi yung classroom nila Sam eh, pero dito din na floor. Kaso malayo talaga, kaya diba nung nagsisigaw ako ng tulong, walang nakarinig.

Inlove With That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon