KAI'S POV
Okay. Malakas, as in malakas ang pakiramdam ko na makakarating nanaman ako sa newspaper ng RiAP.
Siguro iniisip nyo na dapat masaya ako at ang swerte ko kasi FAMOUS ako.
Masaya sana kung magiging sikat ako kasi kunwari genius ako or multi-talented ako katulad ng Notorious Nine, kaso HINDI eh. Hindi dahil don. Walang-wala sa mga dahilan na yon.
Sikat ako kasi nanliligaw ako sa bakla. Does that sound right to you? Kung oo, sige, ikaw na lang si Kaia Melosantos. Buti ka pa, pabasa-basa lang ng Wattpad. Wala lang. Eh ako, maganda. Tsss haha! c:
Okay, di ko naman sinasabing ayoko nang mabuhay. Ang OA naman nun. Hindi ako ganun kababaw. Yung nahiwalayan lang ng syota, suicide na agad. Like hello?! Eh kung nag-iisip ka ng revenge, edi naging masaya ka pa! Hahahaha! Ang bad influence ko. :3
Siguro naging sikat lang ako in the wrong way. Napakabait kasi ng mga staffers eh. Talagang nilalagay pang "scholar" Kaia Melosantos. Talagang ang sarap sa pakiramdam na ipaalam sa buong school na scholar ako. Thanks staffers. *insert sarcasm here*
Okay, may advantage rin naman ang pagiging scholar. May mga taong nag-a-admire sa mga katulad ko dahil matalino kami(dahil nakapasok kami sa top ng entrance exams) at masipag(dahil naga-academy service kami). Pero mas nangingibabaw talaga yung fact na hindi namin afford yung tuition dito at nakapasok lang kami dahil sa katalinuhan namin. At yun yung masakit sa pride, yung ipamuka sayo na mas may kaya sila.
"Hello scholar Kaia Melosantos! Astig ng ginawa mo! Idol!"
Heto ako naglalakad ngayon sa hallway. At halos lahat ng nakakasalubong ko eh binabati ako. Mag-isa pa naman ako ngayon kase wala pa sila Julia at Sam, ganyan naman lagi sa first section, daming ginagawa pag uwian. Alanganamang magsama pa kami ni Coltrane ngayon, edi doble pang pang-aasar ang matatanggap ko? Chill muna kaming dalawa.
Compliment na sana yung kanina eh, kaso may scholar pa eh. Ang sakit lang. Gusto ko lang buhusan ng tubig. Pero dahil mabait ako, wag na.
Awww. Ang lonely ko. Nakakaconscious kaya kung lahat ng tao nakatingin sayo. Parang buong pagkatao ko tinititigan nila. Okay, alam ko nang mayaman kayo. Stop staring at me! I feel naked.
I decided na umupo na muna sa usual spot namin (yung table nga sa tapat ng Bon Appetea). Nilapag ko yung bag ko sa table at sumandal sa upuan.
Hinipan ko yung ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko. Napakaganda ng mukha ko, tapos tatakpan lang ng buhok? -_^
"Grabe nahawaan na pala ako ni Sam sa pagiging conceited.", wow nasabi ko pala yun ng malakas? That was involuntary. Lagi na lang ako nakakagawa ng mga bagay involuntarily. What the heck?
Whatever. Sumandal na lang ulit ako sa upuan. Grabe, nakaslouch na ako dito. Nakakahiya yung itsura ko. -___-
"Putting the blame on me?"
Mabilis na nagmulat yung mga mata ko at nung tumingin ako sa gilid, nakatayo dun si Sam.
"Great timing as always, Mr. Calasicas.", I said with a very, very sarcastic tone. Okay, napahiya nanaman po ako.
"Who gave you the permission to be sarcastic on me?", here comes the death glare!
"Uhhh...", umakto akong nag-iisip, "Me?"
Take note, my tone was sarcastic! Omygee kelan pa ako nagkacourage? :D
I straightened my sit para mas lalo akong magmukhang powerful. I'm overpowering Sam! Okay, ang babaw. Pero ganun na rin yun diba? Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
RomantiekPaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...