KAI'S POV
Nandito ako ngayon sa hospital, sa room ni Tatay, kasi nga diba ako magbabantay sakanya ngayon. Ah yung nangyari sa quiz ko? Ayun, pasang-awa, buti nga pasang-awa pa eh! Kesyo naman bagsak. -__- Kainis kasi yang Trigonometry na yan, haay jusme. Minsan pahirap din yung Algebra. Dati nga pinag-usapan namin ng mga kaklase ko kung ano pang maitutulong ng Algebra sa pang-araw-araw na buhay. Pag nabili ka sa palengke, hindi mo naman sinasabing "Pabili nga po ng 3 to the second power plus x na kilo ng manok." o di kaya "Pa-order nga ng three x squared minus two x y na gallon ng tubig." Ang weird nun diba?!
Ang layo na pala ng pinagsasasabi ko. Anyway subway, nababaliw na kasi ako dito sa hospital. Nanood lang naman ako ng Pingu dito. Natutuwa ako kasi, akalain mo yun? May Pingu pa pala? Kahit hindi ko naman naiinitindihan ang mga alien nilang pananalita, okay lang, nakakaaliw naman silang tignan. Mukhang mga adik sa kanto. XD
Hinihintay ko din kasing magising si Tatay. Sabi ni Ate, nagising na naman daw siya nung siya yung nagbabantay, pero hinang-hina pa daw si Tatay at kailangan niya parin daw magpahinga. Ibig sabihin hindi rin namin siya gaanong makakausap. Atsaka hindi din dapat masyadong i-stress.
*guuuurrrggglleeee*
Tyan ko yun. Mukhang najejebs ako ah. Ang dami ko atang kinain kanina. Buti na lang may sariling CR ang bawat hospital sa kwarto. Nakakahiya naman kung sa isang cubicle lang ako, magpasabog pa ako ng atomic bomb dun. -__-"
So pumunta na ako sa CR and done my thing. Alam nyo na yun, gusto nyo i-elaborate ko pa? Sige, pumunta ako sa venue, inalis ang mga nakaharang, umupo sa seat of heaven, umire na parang buntis, nagshoot ang mga bola, nagpakawala ng makamandag na amoy ang mga bomba, at nung naramdaman kong ako'y tapos na, tumayo na ako at nagbow. Hahaha anong pag-e-elaborate ba ang gusto nyo? O_O Tapos nagflush na ako. Kaso, ayaw pumasok! Nakakainis. Binuhusan ko ng isang balde ng tubig, ayaw pa rin! Sinipa ko nga yung toilet bowl eh kaso ako yung nasaktan, ang tigas kaya. -___-"
"Nakakainis naman 'to eh. Ba't ka ba padungaw-dungaw diyan?!", pag may nakakita sakin, nakakahiya. Ikaw ba naman kausapin mo yung ano mo. Ano bang nangyayari sa buhay ko. -__-"
Pinuno ko na lang ulit yung balde tapos binuhos ulit sa bowl pero ayun, nakadungaw parin talaga. Nung finlush ko naman ulit, lalong nagpakita!
"Ano bang problema mo?! Ba't ba ayaw mong mawala sa paningin ko?! Ayaw na kitang makita!!", haay pag may nakarinig sakin dito, sabihin nagdadrama ako. Eh kasi naman 'tong ano kong 'to eh! Nakakairita lang, lumayas ka nga sa harapan ko!
"Sister? Sister okay ka lang dyan?", at may narinig pa akong mga katok sa pintuan ng banyo. Teka, si Corinni yun ah, bakit siya nandito?
"A-ahh oo. Haha lalabas na.", tapos finlush ko ulit yung toilet at sa wakas, nawala na rin ang kinasusuklaman kong bagay. Salamat naman at nakisama 'to sakin. Lumabas na ako ng banyo at agad sinara yung pinto kasi baka kumalat pa ang perfume. Haha.
"Sinong kaaway mo dyan girl?", nagtatakang tanong ng bakla.
"Hahaha! W-wala. Ano... nag-a-acting ako! Malay mo diba maging artista ako.", palusot dot com.
"Ohh. Oo nga no. Ako nga rin magpa-practice na! Malay mo maging teleserye queen ako at maka-loveteam ko pa sila Paolo Avelino o di kaya si Enrique Gil. Hihihi.", sabi niya habang kinikilig pa. At yung hagikhik nya, ang sakit sa tenga.
"Tumahimik ka nga dyan.", masungit kong sabi at umupo sa couch na malapit sa pintuan, "Ba't ka nga pala nandito?"
BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
RomancePaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...