KAI'S POV
"Wag na. Tignan mo yung kalagayan niya ngayon. Tingin mo kakayanin niya?"
"Pano 'ster? Di natin sasabihin?"
"Hindi. Use your head!"
"Sungit mo naman sis."
Ano yun? Gusto kong malaman.
Binuksan ko ang mata ko at tumambad sakin sina Julia at Corinni.
"Ano yun?", nanghihina kong sabi.
Nagulat naman sila sa pagsasalita ko at agad na lumapit sakin.
"Okay ka na ba Kai?", nag-aalalang tanong ni Julia sakin.
"Grabe 'ster halos atakihin ang puso ko yesterday nung tumawag ka! My golly!", conyong sabi ni Corinni pero alam kong naga-alala rin 'to.
"I'm okay. Thank you.", then my lips formed a sly smile.
Napangiti na rin sila, pero malungkot na ngiti. Ang sweet talaga ng mga bestfriends ko.
"Uh.. nga pala. A-ano nga pala yung pinag-uusapan niyo?", medyo nagsa-stutter parin ako kasi nakirot ng konti yung ulo ko.
Nanlaki naman yung mata nila. Lalo tuloy akong nacurious. Pero sabi-sabi, curiosity killed the cat. Ano bang ibig sabihin nun? Anyway...
"WALA!", ako naman ang nagulat dahil biglang sumigaw si Julia, "I m-mean, magpagaling ka! K-kai, nabaril ka. Alam mo ba yung naramdaman ko nang biglang may tumawag sakin at sinabing nabaril ka?!"
Bigla siyang naiyak kaya napaiyak na rin ako. Haay, di kasi ako nag-i-ingat.
"I d-don't wanna lose you Kai.", sabi ni Julia habang naiyak at yumakap sa akin. Lalo tuloy akong naiiyak. :')
"Eto talagang bestfriend ko.", sabi ko at hinagod-hagod ang likod niya dahil medyo hinihika na siya.
"Pwede pahug?", sabi ni Corinni habang nakayuko, which I find cute. Haha.
"Tss. Halika nga dito.", tapos nakihug na rin siya. Group hug kami. :">
I'm really so lucky to have them as my bestfriends. Kahit baliw kami, mahal na mahal namin ang isa't-isa.
*creaaaaak*
Bumukas ang pintuan kaya humiwalay na kami sa pagkayakap. May babaeng doctor na pumasok.
"Hi Miss Melosantos. Feeling better?", nakangiting bati ng nurse sakin.
"Opo.", matipid kong sagot.
"Kamusta na po siya?", singit ni Julia.
"Medyo kikirot pa ang ulo niya dahil sa impact ng pagkakauntog niya sa pader and kailangan pa ng ilang weeks para maghilom ang mga tama mo sa tiyan at braso. Other than that, wala na naman. But I advise you stay here muna para mabantayan ka namin.", pag-e-explain ni Doc.
"Thank you po Doc.", nakangiti kong sabi.
"If you need anything else, just call the nurses or press that button on the left.", tapos lumabas na siya.
"Oh, you heard her. Stay muna ikaw here.", conyong sabi ni Corinni. Forever conyo na 'to eh.
"Pero guys.... Hindi pwede.", sabi ko.
BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
RomancePaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...