KAI'S POV
Syempre ano pa bang ineexpect nyo. Malamang sa alamang naglakad ako papuntang hospital. Kahit naman duling yung driver, kulang parin kasi six pesos lang yun, eight ang pamasahe. (Gets nyo? XD) Wala rin. TT___TT
Nakakainis talaga, ang tanga ko talaga! At gagawin ko na lang yung compliment dahil kahit sarili ko sinasabihan ko na ng ganun. Kaasar.
Pagdating ko sa hospital, medyo hingal ako kasi nga napagod ako. Atsaka tumakbo ako kasi naiihi na ako! Nakalimutan kong umihi sa bahay. -___-
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Tatay at tumakbo na ulit papuntang CR and guess what?
"Mam aayusin lang po namin yung toilet bowl dito."
Matutuwa na sana ako kasi pinahamak rin ako ng bowl na 'to eh, ayaw ba daw lunukin yung... err.. yung bagay na yun. Lunukin? Eww! EH KASO NAIIHI NA AKO EH!
"Nice timing Kuya!", naiinis kong sigaw at tumakbo na papuntang CR ng floor na 'to. Nung nagawa ko na yung trabaho ko, I felt heaven! Ayokong-ayoko talagang nagpipigil ng ihi no.
Pag balik ko sa kwarto ni Tatay, surprisingly, tapos na gawin yung banyo. WOW TALAGA.
Alam kong wala na ako sa mood kaya binuksan ko yung TV at nanood ng Oggy and the Cockroaches. At imbis na matuwa ako, lalo akong nainis!
"BILISAN MO KASI OGGY! NAPAKABAGAL MO!", sigaw ko sa TV. Ano ba naman kasi 'tong pusa na 'to, ang lamya-lamya!
"PAG NAKITA KO KAYONG MGA IPIS KAYO, SINUSUMPA KO SA NGALAN NG BUWAN NA HINDI NA KAYO MASISIKATAN NG ARAW!", inis na inis kong sigaw sa TV at tumayo pa para iduro-duro ito.
*toktoktok*
Lumapit ako sa pintuan. Hindi ko agad nakita yung kumatok kasi nagsalita agad ako.
"Ipis ka ba?", nakabusangot kong sabi.
Nakita ko naman ang gulat na mukha ni Coltrane. Okay Kai kailangan maglog-in sa palusot dot com dalii! Minus pretty points 'to! Pretty points = pogi points.
"Kasee... Kasee... kapag dumadating ka... tumitili lahat ng mga babae. TAMA! Oo!", tapos ngumiti ako ng pilit. Oh yeah I successfully logged in kasi ngumiti si Coltrane. Mukha talaga akong adik. XD
"Adik ka talaga sister.", natatawa-tawa niyang sabi. Akalain mo yun? Naka-score pa ako ng di inaasahan? ;) Wait. Ew. I sound like a boy huhu.
"Pasok ka!", yaya ko at pumasok na kaming dalawa. Pinaupo ko siya sa couch at ako naman eh umupo sa upuan na malapit kay Tatay.
"Napabisita ka ulit?", ulit kasi diba nandito din siya kahapon?
"Ah yeah..", medyo conyo pa yun ha, "May gusto lang akong linawin."
Napalunok ako dahil mukhang seryoso siya. Hooo kaya mo 'to Kai. Kaya mo 'to.
"A-ano yon?", medyo nagstammer talaga ako. Pero tumingin muna ako kay Tatay, dahil nandito ang pinaghuhugutan ko ng lakas, hindi ako mawawalan ng lakas ng loob.
"Serious ka ba dun?", sincere niyang tanong habang nakatingin sakin.
Sinalubong ko rin ang tingin niya para masabi niyang totoo ang sinasabi ko, "Gagawin ko ba lahat ng yun kung joke lang rin naman pala?"
Nag-iwas siya ng tingin. Na-awkwardan siguro siya.
"Kai. You know I'm----"
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina?", nakatitig parin ako sakanya kahit hindi siya nakatingin, "Kahit ano ka pa. Kahit maging rebulto ka pa. Kahit magpa-sex change ka pa, wala akong pakialam. Mahal talaga kita."
BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
רומנטיקהPaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...