Chapter 4. Clown daw!

101 2 0
                                    

KAI'S POV

Nandito na ko sa hospital. Medyo mugto yung mata.

Pano ako nakauwi? Ayun, pinilit ko si Corinni na iuwi ako, at pinigilan kong umiyak. Nung nasa hospital na ako at mag-isa, dun lang ako nag-iiyak. Hindi nila pwedeng malaman, madadamay lang sila.

Sana panaginip na lang 'to, tapos magigising na lang ako ulit na parang walang nangyari. Nadagdagan pa yung sakit na nararamdaman ng puso ko. Nay, kung nandito lang po sana kayo, may masasabihan sana ako ng problema ko. Bakit po kasi kayo nawala agad? Sana po sinama nyo na lang ako, miss na miss ko na po kayo eh. T^T

:(

Haay. Sana may notebook naman ako na pwedeng pagsulatan. Kaso nakakatamad eh. Argghh.  

Sana nga no, naging notebook na lang ako. Mas masaya siguro, wala ka nang poprolemahin pa. Pero parang ang sakit din, kasi pagkatapos kang gamitin, itatapon ka na lang basta-basta. Kawawa din pala ang mga notebook no?

 ***

Nandito ako sa school. I insisted na pumasok na ako, bagot na bagot na ako sa hospital! Wala akong ginawa dun kundi matulog, manood ng TV, kumain, tapos tulog ulit. Sabi naman ni Doc okay na daw ako eh, basta wag daw muna magpagod. Mahigit isang linggo na kaya ako sa hospital! Ang dami ko nang na-i-iskip na lessons. Lagot ako neto. T^T

At awkwardly worse, ngayon na ang simula ng kontrata. I need to make my move! Gagawin ko lang namang lalaki si Corinni diba? Madali lang yun diba? Diba? Sana. Wala pa man din akong experience sa love love na yan, yadaa.

Nandito na ko sa school. Itsura ko ngayon? Nagmake up pa ako, di ko alam, kailangan 'to! Para kay Tatay! :3

Ang dami tuloy nakatingin. Bakit? Siguro insecure. Hehe, kapal ng face ko. XD

"Tignan mo yung girl oh, mukhang clo--", bulong ni isang girl na hindi ko narinig ng ayos. Clo? Clone? Clone ni Park Shin Hye? Nyee. Haha.

"Oo nga, ang ---", ang ano? Ang ganda? Bwahahaha. >:)

Ayun na sila Corinni at Julia. Confidence Kai! Confidence! :)

"Juliaaaaa! Cori-- *cough* Coltraneee!", tawag ko.

"K-KAI?!", sabay pa sila at mukhang gulat. Why?!

"Oh, bat kayo gulat na gulat dyan?"

"Hello! Tinawag mo kaya akong Coltrane!!", sigaw ni Coltrane. Oo kailangan Coltrane na ang tawag ko sakanya! Dapat lagi kong isaksak sa kokote ko na lalaki parin sya! At mahuhulog din siya sa mga alindog ko. Patawarin sana ako ng Diyos. T^T

"Bakit? Ano bang nasa birth certificate mo? *taas kilay*", tanong ko.

"Err! Bininyagan ako na Corinni ng aming Super Divine Gay Goddess! Hmmf!", hahaha baliw talaga 'tong si Corinni-- este Coltrane pala.

"Anong konek non? May sapak ka talaga! Sabi ko birth certificate, hindi baptismal certificate!", sabi ko.

"Ano ba! Hindi yon! Tumahimik ka nga muna Corinni!", naiiritang sabi ni Julia. Bakit ba? :3

"Bakit Julia? BAAAAAKIIIIIIIIT?", pangungulit ko. Bakit baaaa??

"FELICE KAIA MELOSANTOS! Ano bang pinaggagagawa mo sa mukha mo?!", sabi ni Julia.

"Ahh eto. Haha gulat kayo? Ganda ba? ^_______^", sabi ko with matching wide smile.

"Wala ka bang salamin sainyo hah? Hah?!", galit paring sabi ni Julia. Why ba. TT^TT

Inlove With That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon