KAI'S POV
Chos! Yan na lang ang masasabi ko.
Dinudumog nanaman 'tong bestfriend kong bruhilda. Susko, di ba napapagod yang mga babaeng yan? Hello?! Nagbubulag-bulagan ba sila?
"COLTRAAAAANE!", tili nung isa.
"COLTRANE I LOVE YOU!", ay straightforward?
"Magiging akin ka rin balang araw!", wow. Madrama 'to.
"Hindeee! AKIN KA! Mahuhulog ka rin sa charms ko!!!!", baka mahulog lang panga niya sa kapal ng make up mo.
"Go away from me! Ugghh! Ewwww! Hindi tayo talo! You disgusting creatures! Get away from me!! At hindi Coltrane ang pangalan ko! >__<", sigaw ng bestfriend ko habang sumisiksik paalis sa mga fangirls nya.
"HAHAHAHAHA!", di ko na mapigilang tumawa! Grabe itsura nito!
Nung nakalapit na siya sakin binatukan nya ako ng pagkalakas-lakas na halos ma out-of-balance na ko. ABA!
"Hoy Coltrane Thomas! Masakit yun ha!", sigaw ko.
"Corinni sister! CO-RI-NNI !", pagcocorrect nya pa.
Oo, ang pinagkakaguluhan ng mga babae at ang bestfriend ko, ay BAKLA. Oo, alam ko, nakakaloka.
"Ikaw naman kasi! Ikaw kaya batukan ko dyan. Huh huh!!", pilit kong inabot yung ulo nya.
"Sister tama na! Masira pa ang beauty ko!", reklamo nya.
"Beauty beauty! Tigilan mo nga ko! Asan na ba si Julia?", iniba ko na lang yung topic. Baka masapak ko pa 'to.
"Malay ko mother! Those disgusting creatures kasi eh! They're torturing me!!", nandito kami sa campus. Magsisimula na yung klase, wala parin si Julia, isa pang bestfriend ko. P.S. Hindi siya bakla! Babae sya! Hindi katulad nitong isa kong bestfriend, babae-wannabe!
"Malelate na tayo! Galit pa naman si Ms. Parcon ngayon gawa nung kahapon!", yup. Siya first subject namin. Pano ba naman siya hindi magagalit. Kasi siya teacher namin Social Science, eh may project kami na deadline kahapon, one month naman ang binigay para tapusin yun, tapos saaming 30, 13 lang ang nakapagpasa. Syempre kasama kami dun nila Corinni! Ayun, nag-apoy sa galit si Ms. Parcon , at kailangan ngayon makapagpasa na silang lahat, kung hindi, Principal's office ang bagsak nila.
"I-K-R! Oh, ayan na sya! Julialu! We're here! Come on vamonos!", sigaw ni Corinni sa papalapit na si Julia.
"Sorry ha, nasira kasi yung Porsche namin, kailangan pa ipadala yung Ford, ayaw nila akong paglakarin eh.", bagot na sabi ni Julia.
Oh diba! Ang yaman ng bestfriend ko! Pano ba naman, German ang tatay! Ang swerte swerte nga nya eh. Pati din si Corinni mayaman kasi may-ari sila ng isang restaurant. Ako lang yung.... mahirap saming tatlo.
"Bongga! Oh leggo na bago pa tayo ma-okray ni Ms. Parcon!", sabi ni Corinni at tuluyan na kami naglakad papunta sa mga classroom namin. Kami lang ni Corinni ang magkaklase eh, nasa first section si Julia.
***
"Sister! Nagsasalita na ang tyan ko, I need food!", reklamo ni Corinni. Pare-parehas naman kaming gutom 'no!
"Lahat tayo gutom! Pero kailangan parin nating pumila!", sagot ko sakanya. Pano ba naman, ang haba-haba ng pila dito sa Pinoy restaurant samin, sa sobrang haba halos di mo na makita kung saan yung dulo. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng iba at napiling bumili ng lunch dito sa Pinoy resto, lagi naman sila dun sa foreign eh! Hindi naman ganito before eh! Nagiging halimaw talaga ako pag gutom eh.
BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
RomancePaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...